Chapter 5.2: Ipis na feeling butterfly

362 11 0
                                    

"BREAKING NEWS: Fallen Angels leader, Queen Angel was abducted and was attempted to kill by her Professor at their University."

"Mabuti na lamang ay dumating kaagad ang mga pulis sa unibersidad bago pa man tuluyang saktan ng isang propesor ang isa nitong estudyante na napag alaman si Queen Angel na leader ng isang sikat na kpop girl group."

"Ayon sa police report, isang propesor ang gumawa ng kalokohan sa kanyang mga estudyante kabilang na ang leader ng Fallen Angels bago nya ito hinostage at tutukan ng kutsilyo sa leeg."

"Ayon sa mga pulis ay pinatalsik ang naturang propesor ngunit hindi nito natanggap kaya naman ay hinostage nya ang isa sa kanyang mga estudyante."

"Samantala, dinala naman sa ospital ang estudyanteng hinostage na kinilalang si Queen Angel ng Fallen Angels."

Kahit saang channel ko ilipat ang tv ay puro balita tungkol sa nangyari ang nakikita ko. Isa na namang gulo! Paniguradong tatawag ang manager namin at ang agency dahil sa nangyari. Siguradong nabalitaan na rin ng Black Angels ang nangyari sakin.

Matapos ang gulong nangyari kanina ay napagdesisyunan ng Angels na dalhin ako sa ospital kaya naman nandito ako ngayon.

"Haay.. Kainis talaga ang kalbong iyon!" sabi ko sa sarili ko.

"Huwag mo nang isipin ang propesor na yun, anak. Mai-stress lang ang beauty mo!" maya maya ay wika sakin ni Nanay Fe.

"Tama si Nanay Fe, my queen. Huwag mo nang isipin ang nangyari kanina. Kami na ni butler John ang bahalang umayos sa gulo. Sa ngayon, magpahinga ka na at pwede ka nang lumabas bukas dito." sabi naman sakin ni mommy.

"Okay po." I just agreed. Tama naman sila eh!

Maya maya ay pumasok ang Angels sa room ko. "Queen!" sigaw ni Dhepriz saka ako niyakap. "Okay ka na!" sabi nya pa.

"What do you mean?" tanong ko sa kanya. Anong okay na? Okay naman talaga ako ah!

"You don't remember what happened to you, Queen?" tanong ni Venice na inilingan ko naman.

"Remember nung pinipilit ka naming dalhin dito sa ospital?" I nodded. "Nahimatay ka Queen when you see blood on your shirt. Probably dahil sa sugat na tinamo mo sa bandang leeg mo." paliwanag ni Kirsten.

'Blood?' Hinawakan ko naman ang leeg ko at may naramdaman akong parang tela doon.

"Nga pala Queen. Tumawag ang management at kinakamusta ka. We told them na okay ka na at inaayos na ang gulong nangyari. They also said Black Angels are soooo worried about you." pagbabalita ni Louiz.

"I should make a video telling them that I'm fine." sabi ko. And they agreed.

"You should. Alam mo naman ang pag aalala ng mga fans sayo, Queen." Kirsten said.

"My queen, I must go now. Butler John called me. Nasa police station sila at kanina pa ko hinihintay." my mom told me.

"Okay mom. Take care."
"Bye tita! Teach Mr. Cortesano a lesson!"
"That he will not forget!"

Pagpapaalam namin sa mommy ko. Samantala, naiwan naman sa hospital room ko si Nanay Fe kasama ang ilang guards na nagbabantay sa labas.

"Queen, we have chika for you!" sabi ni Louiz na nakaagaw ng pansin ng lahat.

"Chismosa ka na pala ngayon!" pang aasar ni Venice.

"Che! Parang hindi mo alam to! Tayong dalawa kaya nakaalam nito!" sagot naman nung isa.

"Ay ganon ba? Sorry ah!" sarcastic na pagkakasabi ni Venice.

Napailing na lang kami sa kanilang dalawa. Pati si Nanay Fe ay hindi maiwasang mapangiti sa kakulitan ng dalawa.

"Sige na! Chika na!" sabi ni Dhepriz.

"Ito na nga bessy! So yun nga Queen. We saw him." sabi ni chismosa este ni Louiz.

"Who's him?" tanong ko dito.

"Magchichika ka na nga lang, putol putol pa! Dire-diretso na bessy!" pagrereklamo ni Kirsten.

"Baka gusto mong ako ang magkwento ng lahat?!" pagbabanta naman ni Venice.

"Easy Angels! Ito na! Queen we saw him, your dad-- I mean Mr. Reyes with Sigaw Princess aka Steffi Fernandez! At alam mo ba? Kaya sya nandoon kasi someone discovered that Steffi had an affair with Mr. Cortesano!" pagpapatuloy sa kwento ni Louiz.

"Kaya pala nandon ka."

Naalala ko naman bigla yung nakita ko sa garden kanina. Alam ko namang si Steffi yung babae pero hindi ko naman akalaing si Mr. Cortesano pala yung ka-anuhan nya. You know what I mean!

"Grabe! Pati ba naman professor, pinapatulan nya?! How gross!" komento ni Dhepriz.

"I know right! Pero ngayon lang din nalaman na may mga secret affair si Mr. Cortesano right?" komento naman ni Venice.

"Oo! Nung nakaraan lang daw nalaman ng school yun." sagot ni Louiz.

"Ngayon ko lang nalaman na student din pala ng Royalty University si Steffi. Alam mo ba ang tungkol dun, Queen?" tanong ni Kirsten.

"Yes, mommy told me the night before we went to Pure Heart House of Fashion." sagot ko.

----------------

Bumalik na si Nanay Fe sa mansyon kaya naman kami lang ng mga kaibigan ko ang naiwan dito. Syempre nadyan pa rin ang guards na nagbabantay sa labas.

"Nga pala Queen. Kanina ko pa gustong itanong to sayo kaso nakakalimutan ko. Do you know Mr. Cortesano? It seemed like he already knew you." maya maya ay tanong sakin ni Louiz.

"He was the one who calls me Freak or Macey the Freak before." sagot ko bago ako nagbalik-tanaw sa nakaraan.

==========

"Macey the Freak! Gawin mo nga thesis ko! Matalino ka naman eh! Hindi ka nga lang maganda!" Mr. Cortesano or James Cortesano commanded me.

Nagtawanan naman sila ng mga barkada nya. Schoolmate ko si James pero ahead sya sakin ng apat o limang taon. He's already senior high.

"Okay." Tanging sagot ko bago ko kinuha ang paperworks nya na wala pang kalaman laman, tanging title lang ang meron. "How to get rid of Macey the Freak" that's the title.

Halatang wala syang alam dahil title pa lang ay maling mali na sya. Wala naman akong nagawa kaya inayos ko na lang.

*Three weeks later

"FREAK! HALIKA NGA DITO! AKALA KO BA MATALINO KA?! BAKIT BAGSAK AKO?! YANG UTAK MO NA NGA LANG ANG MAGANDA SAYO, WALA RIN PALA! WALA KANG SILBI!" sigaw nya pagkakita nya sakin.

Wala naman akong magagawa kung mahina talaga ang utak nya. Tsaka sinadya ko talagang baguhin ang thesis na nauna kong gawin to teach him a lesson.

"WALA KANG SILBI!!!!" sigaw nya sakin bago nya ko sampalin at sipasipain.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak. Ang hina-hina ko talaga!

"IIYAK KA NA LANG HA?! WALA KANG KWENTA!" sigaw nya pa.

I wiped my tears saka sya tinignan sa mata. I have to end this bullying!

"Anong tawag mo sa sarili mo, Ipis na feeling butterfly?" lakas-loob kong sinabi sa kanya.

Nagtawanan naman ang mga estudyanteng nakakakita. "SHUT UP! LUMALABAN KA NA FREAK!" sabi nya bago ako sampalin pero may pumigil sa kanya.

"Do it again or I'll kill you." malamig ang pagkakasabi nya.

"N-nicolli?" sabi nya.

Yes, that day.. Pinagtanggol nya ko. Pinagtanggol ako ni Nicolli.

=============

"Tss! Bagay lang talaga sa kanya ang makulong!"
"Napakasama ng ugali nya!"
"Hanggang ngayon naman masama na sya! Kita mo nga ang ginawa nya kay Queen!"
"Dapat sa kanya makulong habambuhay!"

Iba't ibang komento ng mga kaibigan ko. Matagal na mula nang mangyari yun, pero hanggang ngayon ay may galit pa rin sya sakin.

'James Cortesano..'

###

He, who broke ME (Completed)Where stories live. Discover now