Chapter 27: Angry

249 6 0
                                    

HIS POV:

Tahimik ang paligid hindi tulad ng nakasanayan. Aakalain mong walang mga estudyante rito sa eskwelahan dahil sa sobrang tahimik.

Isang linggo na ang lumipas simula nang magpropose ako kay Macey at nireject ako. Hindi ko alam kung rejected ba ako o ano dahil hindi naman sya sumagot. Pero kung ibabase sa reaksyon nya, malamang rejected ako.

Ang mga kaibigan ko naman ay hindi ako iniimik lalo na si Dylan. Hindi ko alam kung anong problema nila pero malakas ang kutob kong tungkol ito kay Macey.

Pagkarating namin sa room na tanging ang grupo lamang namin ang may access, ay nagkanya kanya na kami ng pwesto. Naiwan namin akong nakatayo sa likod ng pintuan dahil wala na akong pwesto pa.

Huminga ako nang malalim bago nagsalita. This has to be ended. "What's wrong with you guys?" Tanong ko sa kanila ngunit hindi sila nagsalita o lumingon man lang sa akin.

Sa inis ko ay sinipa ko ang mini table dito sa sala na syang naging dahilan ng paglingon nila sa akin. Yan ganyan nga. Pansinin nyo ko!

"Ikaw, anong problema mo?" Tanong sa akin ni Dylan.

"Kayo! Ikaw! May problema ka sakin alam ko! Anong ginawa ko sayo?" Balik-tanong ko sa kanya.

Ngumiti sya nang mapakla bago sumagot. "Sa akin wala kang atraso, pero sa iniidolo ko? Malaki! Sobrang laki ng kasalan mo!" Sabi nya.

Alam kong malaki ang kasalanan ko kay Macey. Hindi na nya kailangan pang ipamukha sa akin yun!

"I know. Anong kinakagalit mo?" Mahinahong pagtatanong ko sa kanya bago ako maupo sa tabi nya.

"Hindi mo alam kung anong pinagdaanan nya bago sya minahal ng mga fans nya. Hindi mo alam kung anong nangyari sa kanya pagkatapos ng ginawa mo. Sobrang daming nangyari.. Halos limang taon na ang lumipas pero bitbit nya pa rin lahat ng sakit." Sabi nya saka sya tumayo at naglakad palabas.

Napayuko ako dahil sa sinabi nya. Oo tama sya. Wala akong alam. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya pagkatapos nang nangyari. Hindi ko alam lahat ng pinagdaanan nya sa loob ng limang taon.

Tinapik ni Tristan ang balikat ko bago sya nagsalita. "Hayaan mo muna sya. Alam mo naman kung gaano nya kamahal si Queen." Payo nya sa akin na susundin ko naman.

"Magpalipas muna tayo ng ilang araw. Siguradong maiinit pa ang ulo ng fans ni Queen sayo." Payo naman ni Zimmer.

------------

"OMG! Sya pala yun!"

"Oo nga! Halos limang taon na ang nakalipas pero ngayon lang nalaman kung sino ang lalaking yun."

"Oh my, may nakaraan pala si Queen at Nicolli?"

"Grabe hindi kapanipaniwala! Sya lang pala ang lalaking nanakit kay Queen noon!"

"Sa tagal ng panahong lumipas, hindi ko akalaing si Nicolli Reyes pala ang nanakit kay Queen noon."

"Dapat talaga hindi pumunta ng Pilipinas ang Fallen Angels. Nakasalamuha tuloy ulit nila ang lalaking nanakit kay Queen noon."

"Fallen Angels balik na kayo sa Korea lalo ka na Queen!"

SAMUT-SARING komento ng mga tao sa social media patungkol kay Queen.

Hindi ko sila maintindihan. Alam kong malaki ang kasalanan ko kay Macey pero ano yung sinasabi nilang nanakit?

Napansin kong lumapit sa akin si Dylan at inaagaw ang tablet ko. Tinignan naman nya iyon at napailing na lang sya.

"Hindi mo sila masisisi. Sadyang mahal lang talaga nila si Queen." Sabi nya bago nya inilapag sa lamesita ang tablet ko.

"Hindi ko sila maintindihan." Pag-amin ko.

"Hindi mo kasi alam kung anong nangyari noon kay Queen kaya hindi mo sila maintindihan." Sagot nya.

"Eh kung ipaliwanag mo, sana maintindihan ko diba?" Sarcastic kong sabi.

"Noong nagsisimula pa lang sya sa pagtupad ng pangarap nya, ilag na sya sa mga lalaki kahit na ba habulin sya ng mga ito. Nasabihan pa syang maarte, snob at kung anu ano pa.. Unang anibersaryo ng grupo nila, doon nila nalaman ang dahilan kung bakit ganon ang kinilos nya noon." Paliwanag ni Dylan.

"At yun ay?" Tanong ko.

"There was a man who broke her. At ikaw yun." Sagot nya bago sya tumayo at naglakad palabas ng room.

Bago sya tuluyang lumabas ay may sinabi muna sya, "Kung nagtataka ka kung paano nabunyag na ikaw ang lalaking yun. Itanong mo sa step sister mo." Sabi nya.

"Steffi!" Sigaw ng isang tinig sa utak ko.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at idinial ang numero nya. Sinagot naman nya kaagad ang tawag ko.

HER POV:

Nicolli's calling..

Yan ang bumungad sa akin nang mahagilap ko ang phone kong tumutunog. Mukhang alam ko na kung bakit sya tumatawag. Sinagot ko ang tawag nya at isang napakalakas na sigaw ang narinig ko mula sa kanya.

"WHAT THE HELL DID YOU DO STEFFI FERNANDEZ?!" Sigaw nya at inilayo ko naman sa tainga ko ang phone. Baka mabasag ang eardrums ko.

Nang wala na kong narinig mula sa kanya ay unti unti kong tinapat ang phone ko sa tainga ko bago ako nagsalita. "What are you talking about?" Pagmamaang-maangan ko.

"Seriously? Nagmamaang-maangan ka pa? Alam kong ikaw ang may kagagawan kung bakit galit sa akin ang mga fans ni Macey! Dahil sayo pinagbabantaan nila ako! Ano? Masaya ka na? Nasira mo na naman ang buhay ko?!" Panenermon nya.

"FYI, hindi ako ang sumira sa buhay mo kundi ikaw mismo! Hawak ko ba ang utak mo? Ako ba ang magdidisisyon para sayo?" Sabi ko naman sa kanya pero hindi sya sumagot.

Akala ko ay pinatay na nya ang tawag ngunit nang tingnan ko ang phone ay hindi nya pa binababa ang tawag kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Ikaw ang may kagagawan ng lahat Nicolli at hindi ko kasalanan kung naging uto uto noon si Macey! Ikaw ang nag utos sakin na gawin yun kaya wala akong kasalanan kung hindi ka man nya balikan ngayon!

At isa pa, tungkol sa pagkadawit ng pangalan mo tungkol sa nakaraan ni Macey. Well, you're welcome! You should thank me. Mas madaling aalis si Macey dito sa Pinas dahil patong patong na ang mga kasalanan mo sa kanya! Ang galing ko diba?" Pang-aasar ko sa kanya bago ko tinapos ang tawag.

"Nagsisimula pa lang ako Nicolli. Kung hindi mo ko mamahalin, hindi ko naman hahayaang magkabalikan kayo ni Macey."

###

He, who broke ME (Completed)Where stories live. Discover now