Chapter 32: Acceptance

258 3 0
                                    

Nang magising ako kinabukasan ay agad akong naligo at nag-ayos dahil plano kong pumunta sa ospital at kamustahin si Macey. Nang lumabas ako ng kwarto ay narinig ko ang sigawan nila mom and dad. Ano na naman kayang pinag-aawayan nila?

Bumaba ako papunta sa sala at nakitang nagkakagulo sila. Si mom ay tahimik na umiiyak sa sofa habang si dad ay may kausap sa telepono. Ang mga katulong namin ay aligaga rin.

Lumapit ako kay mommy at tinanong kung anong problema. "Mom, what's wrong?"

Tinignan nya ako at niyakap nang mahigpit. "Nicolli, Steffi is gone. Hindi namin alam ng daddy mo kung nasaan sya ngayon. I'm so worried!" Sagot nya sa akin.

Agad akong kinabahan dahil sa sinabi nya. Nawawala si Steffi at hindi namin alam kung saan sya hahanapin ngayon. Nang puntahan ni dad sa kwarto nito kagabi ay wala raw ito. Inakala nya daw na baka nasa mga kaibigan nito at nakaligtaan lang magpaalam. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nakakauwi kaya nag-alala na sila. Tinawagan na rin nila ang mga kaibigan nito ngunit hindi raw tumuloy doon si Steffi.

Sinubukan ko namang tawagan ang cellphone nito ngunit walang sumasagot at tila pinatay ni Steffi ang phone nya. Ano bang binabalak ng babaeng yun?

Pare-parehas kaming nagulat nang makita ang hinahanap namin na pumasok sa pinto ng mansyon. Agad kaming lumapit sa kanya at tinanong kung saan sya nanggaling.

"Pumunta ako kay Macey dad. I talked to her pero hanggang ngayon hindi pa rin sya nagigising. Ang sabi ni Manang Fe ay marami daw ang nawalang dugo kay Macey." Sabi nya at nagsimula syang humagulgol.

Niyakap sya ni daddy at pinatahan. "Its all my fault dad! Its all my fault! Kung hindi ko ginawa yun, sana wala sya sa ospital! Sana okay lang sya ngayon!" Sabi nya.

"Sshhh.. Everything will be fine." Sabi ni dad sa kanya.

"Do something dad! Mahal na mahal ko si Macey! Ayaw ko syang mawala dad! Let's do something!" Sigaw nya habang mas lumalakas ang pag-iyak nya.

Suddenly I remember the old Steffi. Ganyang-ganyan sya kapag nasasaktan si Macey noon. Alalang-alala sya para sa kapatid. Isang beses noon, malala ang pagkabagsak ni Macey mula sa inakyatang puno. Iyak nang iyak si Steffi at hiniling na sana ay sya na lang ang nasaktan at hindi si Macey. Grabe rin ang pag-iyak nya noon kapag mataas ang lagnat ni Macey.

Noon pa man, they had that special bond. Yung hindi masisira ng sinuman o anuman. Kahit hindi nila alam na magkapatid sila biologically, parang tunay na magkapatid pa rin ang turing nila sa isa't-isa.

I felt guilty. Kung hindi dahil sa akin ay sana ganun pa rin ang turingan nilang dalawa. Kung hindi dahil sa akin ay sana masaya silang magkapatid ngayon at mas sasaya pa kapag nalaman nilang tunay silang magkapatid.

"Don't worry Steffi, gagawin natin ang lahat. Tutulong tayo sa kanila." Sabi ni mommy na syang nagpagulat sa akin.

Never syang nakialam kay Macey. In fact, wala nga syang pakialam kay Macey mula noon dahil alam nyang anak ito sa labas ng asawa nya.

--------------

Isang natutulog na Steffi ang nadatnan namin ni dad pagkapasok namin sa kwarto nito. Siguro ay napagod ito kagabi hanggang ngayon kaya nakatulog.

Pinagmasdan ni dad si Steffi habang natutulog ito. Hinahaplos pa nya ang pisngi nito at ang ulo nito. Nagulat ako nang magsalita si dad.

"Alam mo ba Nicolli? Simula nang malaman kong babae ang magiging anak namin ng mommy mo, napakasaya ko noon dahil sa wakas, magkakaroon na ako ng prinsesa. Mas masaya ako nang malamang dalawa ang magiging prinsesa ko. Si Steffi at Macey." Panimula ni dad.

"Kaso isang prinsesa lang nakasama ko at pinalaki ko sa pagmamahal. Malaki ang kasalanan ko kay Macey, alam ko yun. Mas minahal ko kasi si Steffi at binaliwala ko si Macey kahit na ilang beses nya akong nilapitan at pinaamo. Kahit na ginawa ko syang nanny, alam kong hindi sya nagtanim ng sama ng loob sa akin." Sabi nya pa.

"Yun ang akala ko. Simula ng nangyari yung gabing iyon, alam kong patong-patong na ang sama ng loob nya sa akin. Masyado nang marami ang kasalanan ko sa kanya. Gusto kong bumawi sa kanya sa lahat ng nagawa ko pero huli na. Dinala sya ng mommy nya sa ibang bansa at tuluyang inihiwalay sa akin. Ilang beses kong pinakiusapan si Angela noon pero nagmatigas sya. Ayaw nya talagang makalapit ako sa anak namin. Sobrang sakit noon Nicolli, mas dumoble ang sakit nang pinagtatabuyan na rin ako ni Macey." Unti-unting tumulo ang mga luha nya. Pinunasan nya ito at muli syang nagsalita.

"Ako ang may kasalanan sa lahat, Nicolli. Ako ang puno't-dulo nito. Ako ang dapat sisihin sa lahat ng nangyari sa inyong magkakapatid." Sabi nya bago tumayo at hinarap akong muli.

"Don't worry, aayusin ko itong lahat. Magiging maayos ulit ang lahat." Sabi nya bago lumabas ng kwarti ni Steffi.

Tulala ako simula nang lumabas si dad. Hindi ko alam kung anong gagawin nya para maayos ang gulo. Hindi ko alam ang plano nya pero humihiling ako na sana ay maging maayos na ang lahat.

Lalabas na sana ako ng kwarto ni Steffi nang hawakan nya ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin sa akin habang nakangiti.

"I just want to say sorry Nicolli. Sa lahat ng ginawa ko simula sa umpisa hanggang sa ginawa ko sa babaeng mahal mo. I guess, I need to accept everything. I hope, bumalik tayo sa dati. Yung kuya kita at bunso mo kong kapatid. Ay mali, si Macey pala ang bunso nating kapatid." Sabi nya at nawala ang ngiti nya nang mabanggit ang pangalan ng kapatid.

"Sana magising na sya at makahingi ako ng tawad sa kanya. At para masabi ko rin sa kanya na tunay kaming magkapatid." Nagulat ako dahil sa sinabi nya. Tumawa naman sya dahil sa reaksyon ko.

"Haha. Matagal ko nang alam na magkapatid talaga kami ni Macey sa ama pero hindi ko alam na anak ka ng kaibigan ni dad. Nalaman ko lang nung araw na nalaman mo rin kung anong totoo." Paliwanag nya.

I smiled at her. Sa wakas, bumalik na rin ang kapatid ko. Bumalik na rin ang dating Steffi.

###

He, who broke ME (Completed)Where stories live. Discover now