Chapter 35: Traumatized

359 4 0
                                    

HIS POV:

Kahit na sinabi nila na huwag pumunta kay Macey sa ospital ay ginawa ko pa rin. Masasabing matigas ang ulo ko dahil sinuway ko ang bilin nila. Kasama kong pumunta rito sa ospital ang mga kaibigan ko na nais ding kamustahin si Macey, lalo na si Dylan.

"Boss, ano bang nangyari kay Queen? Bakit ayaw nilang pumunta kayo rito?" Tanong ni Zimmer kanina pa. Paulit-ulit nya yang itinatanong ngunit paulit-ulit ko ring hindi sinasagot.

Bumuntong-hininga naman sya dahil sa hindi nasagot ang tanong nya. Hindi naman na sya imangal pa. Nanatili syang sumunod sa amin papunta sa ospital.

Nang nasa loob na kami at malapit na sa kwarto ni Macey ay nakita kami ng mga kaibigan nito na mukhang nagulat sa pagdating namin. Agad silang lumapit sa amin at tinignan ako nang masama.

"Ladies, please. Gusto lang naming mangamusta." Sabi ko sa kanila.

Bumuntong-hininga sila bago sumagot. "Okay lang sya." Sabay-sabay nilang sagot bago tumalikod sa amin.

"Bastusan?!" Inis na sinabi ni Sky. Muli silang humarap sa amin at inikutan kami ng mata. Magkakaibigan nga sila dahil sabay-sabay na umikot ang mata nila.

"What do you need? Sinagot na namin ang tanong nyo." Sabi ni Venice. Sabay-sabay naman silang nagtaas ng kilay nang hindi kami sumagot sa tanong ni Venice.

"Again, what do you need?" Naiinis na tanong ni Louiz.

"We just wanted to stay here." Sagot ni Dylan.

Humarap sila sa akin at tinignan ako nang masama. "Hindi ba't sinabi na namin kahapon na ayaw ni Queen makita ang mga taong naging bahagi ng nakaraan nya? Hindi mo ba naintindihan iyon, Nicolli?" Sabi ni Kirsten.

"I just want to see her." Sagot ko sa kanya.

"And if you see her, aalis na ba kayo?" Tanong ni Dhepriz at tumango naman ako.

Huminga sila nang malalim bago naglakad palapit sa kwarto ni Macey. Sumunod naman kami sa kanila. Pinapasok nila kami sa loob at doon nakita namin ang natutulog na reyna. Mahimbing na natutulog si Macey na aakalain ng sinuman na wala syang pinagdadaanan.

Lalapit na sana ako sa kanya ngunit pinigilan ako ni Venice. Tumingin ako sa kanya at sinagot naman nya ako. "Baka magising sya. At kapag nangyari iyon, magwawala na naman sya."

Nang dahil sa sinabi nya ay pinigilan ko ang sarili kong lumapit kay Macey. Ayaw ko naman na magwala ulit ang babaeng mahal ko. Titiisin ko na lang na pagmasdan na lamang sya.

"Kailangan nyo nang umalis. Dadating na si tita Angela at baka maabutan pa kayo." Maya-maya ay sabi ni Kirsten.

Wala na kami nagawa kundi ang lumabas sa kwarto ni Macey. Nang makalabas kami ay naabutan namin sa labas si Mrs. Aragon at Nanay Fe. Hindi sila nagsalita ngunit halata sa mga mukha nila na ayaw nila kami dito.

Tumingin si Mrs. Aragon kay Kirsten at kinausap ito. "Kumain muna kayo. Past 12pm na rin at hindi pa kayo kumakain. Kami muna ang magbabantay sa kanya." Sabi nya at tumango lamang ang mga kaibigan ni Macey.

Magkakasabay kaming lumabas ng ospital. Humarap ako kay Kirsten at niyaya ito. "Sumabqy na kayo sa amin. Kakain na rin naman kami eh."

Sumang-ayon naman sila sa suhestyon ko. Sinabi ko na rin na sa iisang kotse na kami sumakay dahil kasya naman kaming syam doon. Sumang-ayon pa rin sila. I guess kanina pa sila nagugutom at wala na silang lakas na tanggihan kami.

Sa jollibee kami napunta at doon napagpasyahang kumain. Ang mga kaibigan ko naman ang nag-order ng kakainin naming lahat. Naiwan ako at ang mga kaibigan ni Macey sa mahabang mesa na nakita namin. Nakasuot sila ng shades upang hindi makilala ng mga tao.

Nang dumating ang mga pagkain namin ay nagkanya-kanya na kami ng pagkuha rito at wala kaming inikan habang kumakain. Nang matapos kami sa pagkain ay napagdesisyonan naming bumalik sa ospital at tumambay sa garden.

Kanina ko pa gustong itanong ito kay Kirsten at sa tingin ko ay ito ang tamang oras upang tanunhin sya. "Kirsten.. Alam mo ba kung anong nangyayari kay Macey? Please enlighten me."

Halatang nagulat sya dahil sa tinanong ko. Maging ang mga kaibigan nya ay ganoon din ang naging reaksyon. "Oo nga. Ano bang nangyayari kay Queen?" Tanong naman ni Dylan.

Nagkatinginan sila bago bumuntong-hininga. "Si Kirsten ang dapat sumagot nyan dahil sya lang ang may alam ng nangyari simula sa simula." Sagot ni Venice.

Tumingin kami kay Kirsten na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. "Huwag mong sabihin na wala kang alam sa lahat ng nangyari, Nicolli. Alam mo na ikaw ang isa sa sumira sa kanya." Sabi ni Kirsten.

Tumingin sya sa itaas upang pigilan ang mga luhang gustong kumawala mula sa mga mata nya. "Siguro ay pitong taon sya nang dalhin ni Mr. Reyes sa bahay nyo. Alam kong alam mong anak ng tatay mo si Macey pero dinala nya ang anak nya sa mansyon nyo bilang isang katulong. Sinong ama ang kayang gawin iyon sa sariling anak? Si Miguel Reyes lang." Panimula nya.

"Nang makilala nya kayo bilang mga anak ng tatay nya, nagalit sya nun. Nagalit sya dahil dinala sya ng ama nya sa bahay ng bagong pamilya nito. Highschool years nang mangyari ang lahat, Nicolli. Highschool kayo nun nang maging kayo. 4th year highschool naman nang niloko mo sya at hiniwalayan."

"Ika-apat na taon sa highschool nang pinagbintangan nyo sya sa isang kasalanan na hindi naman sya ang may gawa kundi si Steffi. Ipinakulong mo sya at hinayaan sa kulungan sa loob ng ilang araw. Pagkatapos niyon ay nalaman nya at nakita mismo ng mga mata nya.. Na may relasyon kayo ni Steffi. Si Steffi na itinuring nyang kapatid. Si Steffi na mahal na mahal nya."

Tumingin sya sa akin at nakita kong patuloy sa pagtulo ang mga luha nya. "Alam mo ba kung gaano kasakit iyon, Nicolli? Wala syang matakbuhan, wala syang karamay, wala syang kakampi! Kung hindi nalaman ni tita Angela kung anong nangyari, who knows kung nasaan na si Queen ngayon."

"Sa school, wala syang karamay. Halos araw-araw syang binully nila Steffi. Si Jessica nga lang ang tumutulong sa kanya noon. Kaso palaging pinipigilan ni Steffi si Jessica noon. Wala na syang magawa kapag sinasaktan ng mga estudyante si Queen. At anong ginawa mo?! Wala kang ginawa kundi daan-daanan lang sya! Kung hindi.. Kung hindi ko sya naabutan noon.. Siguro ay matagal na syang wala!"

Pinunasan nya ang mga luhang naglandas sa mukha nya bago nya kami hinarap muli. "Nang dahil sa nangyari ay nagka-trauma sya, Nicolli. Nagkaroon sya ng takot sa mga lalaki, nagkaroon sya ng trust issues. Kung hindi dahil sa amin at sa mga fans, hindi sya magiging maayos at hindi sya babalik sa dating sya."

Huminga sya nang malalim bago muling nagsalita. "Ngayong bumalik na naman ang trauma nya, natatakot ako sa mga posible nyang gawin sa sarili nya. Lalo na at naaalala nya ang mga nangyari noon. Nakikiusap ako, huwag ka munang magpakita sa kanya Nicolli." Sabi nya bago sila tumalikod at handa nang umalis.

"ANGELS!" Lahat kami ay napatingin sa taong tumawag sa mga natitirang myembro ng Fallen Angels.

"Kristoff?!" Sabay-sabay na tawag nila sa taong tumatakbo na palapit sa pwesto naming syam.

###

He, who broke ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon