Chapter 8: The issue

341 11 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas mula nang magkausap kami ni Nicolli sa parking lot. And I thank God dahil hindi nya ginawa ang sinabi nya sakin. Sigurado naman akong hindi nya yun gagawin dahil wala namang isang salita yun.

Mabuti na rin na hindi ko na sya nakikita pa, nakakahinga ako nang maluwag. Pero kahit hindi ko sya nakikita, meron pa ring ibang tao ang naninira sa araw ko.

"Buti naman hindi ka sumali sa volleyball team. Paniguradong matatalo ang school dahil sa inyo." Sabi nya.

"Hindi pa ba malinaw sa inyo na sadyang ayaw naming sumali? Tsaka, ilang araw na ang nakalipas. Hindi maka-move on?" Sabi ni Dhepriz sa kanya.

"Wag kang mag-alala Steffi dahil hindi kami sasali sa grupo nyo. Okay?" Sabi ko sa kanya para makapante na sya.

"Mabuti nang malinaw!" Sigaw nya bago sila umalis sa harap namin.

Hindi na lang namin sila pinansin pa at dumiretso na kami sa room.

------------------

Wala naman masyadong nangyari sa klase namin bukod sa quiz at graded recitation. Pagkatapos ng klase ay pumunta na kami sa cafeteria para mag-lunch.

@Cafeteria

Ang school cafeteria ay masasabi mong lugar kung saan ka makakakita ng mga chismisan. Maraming estudyante ang nagkukwentuhan habang kumakain kaya kapag nandito ka ay sasakit ang mga tainga mo sa ingay nila.

Mas maingay sila ngayon dahil sa napanood nila sa tv. Binalita sa tv ang pag aalis ng shares ni Mr. Reyes sa Pure Heart House of Fashion. Maraming nagulat dahil sya ang may pinakamalaking shares dito ngunit mas pinili nyang mag-invest ng shares nya sa ibang sikat na kumpanya.

Maraming nagtatanong kung anong dahilan nito ngunit sinabi nyang dahil ito sa naging gulo na naganap sa isang boutique na kinasangkutan ng kanyang anak.

Nagtataka naman ako kung bakit ngayon lang sya nagbigay ng pahayag nya. Ilang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari ang gulong iyon. Mukhang unti-unti nyang inaayos ang mga gulong ginawa ng anak nyang si Steffi. Who knows?

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain at hindi na pinansin pa ang balita.

"Bilisan na natin Angels. Malapit na mag-time." Paalala ni Louiz. Sa aming lima, sya ang masipag mag-aral.

Pagkatapos namin kumain ay tumayo na kami para umalis sa cafeteria at pumunta sa next class namin. Ngunit hindi natuloy dahil humarang sa daraanan namin sila Steffi. Ano na namang problema nito?

"Where do you think you're going?" Tanong ng leader nila na si Steffi.

"Room. Its obvious Steffi. Excuse us." Sagot ko sa kanya at tinalikuran sila. Gagawa na naman sya ng gulo.

"Kinakausap kayo nang maayos!" Sigaw nya. Ano pa bang aasahan natin kay Sigaw Princess?

"Maayos kaming sumagot sa tanong nyo." Sagot ni Venice.

"Tss. Hindi ikaw ang kausap ko! Alam nyo, pamilyar talaga kayo eh. Matagal kong pinag isipan kung saan tayo nagkita and it turns out, kayo pala ang gumawa ng gulo sa Pure Heart Boutique!" Sigaw nya na nakaagaw ng pansin ng mga estudyante.

'Uh, oh! Gumana na ang utak nya.' Sabi ng utak ko.

"Congratulations! Pinagana mo na rin ang utak mo!" Pang aasar sa kanya ni Dhepriz.

Hindi sya pinansin ni Steffi bagkus ay saakin sya nakatuon. "Ikaw! Ikaw yung shop lifter! Ninakaw mo ang damit ko sa sarili ko pang boutique!" Sigaw nya sakin.

Yan ang ayaw ko, pinagbibintangan na naman nya ko!

"Imposible! Hindi magnanakaw si Queen!"

"Ibig sabihin si Queen ang nakaaway ni Steffi?"

"Fallen Angels na rin ang may ari nun diba?"

"Nakipag-partnership sila sa may-ari nung Pure Heart House of Fashion kaya sila na rin ang may-ari nun!"

"Oo nga! Hindi ata nanonood ng tv sila Steffi eh."

Bulungan ng mga estudyante sa paligid na rinig naman.

"Bakit ko naman nanakawan ang sarili kong business?" Sagot ko sa kanya. Mukhang nagulat naman sya sa sinabi ko.

'Anong nakakagulat dun? Hindi ba sinabi sa kanya ng tatay nya?'

"Nagpapatawa ka ba? Paano naging sayo ang Pure Heart House of Fashion?" Tanong nya.

"Hindi ka ba nanonood ng balita? Hindi mo ba nabalitaan ang partnership namin sa may-ari ng kumpanya?" Nakangiseng tanong ko sa kanya.

"Ibig sabihin, kami na rin ang may-ari ng company." Sabi sa kanya ni Dhepriz.

"No! Daddy ko ang may pinakamalaking share sa company! Pinamana nya sakin ang isang boutique! Akin yun!" Sigaw nya pa rin. Attention-seeker sya no?

"Hindi ba sinabi sayo ng tatay mo na binawi nya lahat ng shares nya sa company NAMIN?" Sabi sa kanya ni Venice.

"Hindi ka ba nanonood ng balita sa tv?" Tanong naman ni Louiz.

"Sa makatuwid, hindi yun sayo. Wala kang pagmamay-ari na kahit ano sa kumpanya NAMIN. Got it?" Sabi ko sa kanya bago sila talikuran.

Dahil sa ginawa ni Steffi, may makakaalam na kung sino ang naka away nya nun. Remember gumawa lang ng paraan ang Acting CEO ng kumpanya para pagtakpan ang pangalan ko.

"Kaya pala malakas ang loob nyang gumawa ng gulo sa boutique!"
"Dahil malaki ang shares ng ama nya sa company, akala nya sya ang may-ari!"
"Feeling nya lang yun no!"
"Kahit kelan talaga mang-aagaw!"

Iba't-ibang komento ng mga kaibigan ko. Hindi na lang ako nagsalita pa at tinungo na namin ang room.

Nakakapagod makipag-away kay Steffi! Sa tagal ng samahan namin noon, hindi kami nag-aaway. Nagsimula lang ang gulo namin ng ginawa nila yun.

Habang naglalakad ay nakasalubong namin ang grupo nila. Nang makita nila kami ay ngumiti sila. Yung isa naman ay tumingin kay Kirsten pero hindi nya ito pinansin. Anong meron sa kanila?

At yung isa sa kanila ay tumakbo papunta sakin at niyakap ako. "Idol talaga kita, Queen!" Sabi nya pa.

"DYLAN!" Sigaw ng isang tinig mula sa likod nila. Agad namang humiwalay sakin si Dylan. Problema nila?

"Bakit ba boss? Alam nyo namang idol ko sila eh!" Pagrereklamo nya at naka-pout pa sya. Ang cute!

Hindi naman sya sumagot. Akala ko talaga hindi ko na sya makikita pa. Yun ang gusto ko, ang hindi sya makita kahit kelan!

"I guess you're a Black Angel, Dylan?" Kinausap ko na lang si Dylan at hindi na pinansin si Nicolli. Yes, Nicolli ang tinatawag na boss ni Dylan.

"Yes yes! Idol na idol ko kayo lalo ka na Queen!" Sabi nya pa and I smiled.

"Una na kami." Sabi ko sa kanya at hinaplos ko ang ulo nya tulad ng palagi kong ginagawa sa kanya noon.

Of course I know them, Five Seasons. Noon pa man ay nakakasama na sila ni Nicolli sa Reyes Mansion kaya kilala ko sila. At si Dylan ang pinaka-favorite ko sa kanila.

'I miss this guy.' Sabi ko sa sarili ko. Kung hindi lang kami nagkagulo ni Nicolli ay sana nakakasama ko pa si Dylan tulad ng dati.

Iniwan na namin sila bago pa may masabi si Dylan. I know maghihinala na sya dahil sa ginawa ko. And I'm ready for that.

###

He, who broke ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon