Chapter 29: Pagligtas

225 6 0
                                    

HIS POV:

Magkakasama kami ng mga kaibigan ko habang naglalakad na paalis ng school. Tapos na ang lahat ng klase namin ngayong araw kaya pwede nang makauwi.

Habang naglalakad ay hindi pa rin maiwasang tingnan ako ng mga estudyante at pagbulungan. I know. Kahit ilang linggo na ang nakalipas ay hindi pa rin nila malimutan ang ginawa ko kay Macey noon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa mga isipan nila na ako ang lalaking nanakit kay Macey noon.

Hindi ko na lang sila pinansin pa katulad ng palagi kong ginagawa noon. Inisip ko na lang si Macey. Sa lumipas na mga linggo ay hindi na sya nagpakita sa akin o sadyang iniiwasan nya ako. Parang hindi sila dumating dito sa school dahil katulad noon, hindi sila pinag uusapan.

Katunayan, ako ang topic ng mga estudyante. Siguro kung hindi ako malakas sa eskwelahan ito ay matagal na akong nabugbog ng mga lalaking fans ni Macey. Hanggang sa death glare lang ang kaya nilang gawin sa akin.

Palabas na kami nang makita kong nagtatawanan ang tatlong kaibigan ni Steffi. Nung una ay hindi ko sila pinansin ngunit nang marinig ko ang pangalan ni Macey ay hinarap ko sila. Mukha naman silang nagulat nang makita ako.

"Anong meron kay Macey? Anong ginawa nyo sa kanya?" Tanong ko sa kanilang tatlo. Nagsilapitan naman ang mga kaibigan ko.

"Ahm.. W-wala!" Sagot ni Sarah.

"Liar!" Sigaw ko sa kanya saka hinawakan ko ang braso nya.

"Asan si Macey? Anong ginawa nyo kay Macey?" Tanong ko sa kanya.

Unti-unting namuo ang mga luha sa mata nya bago sya sumagot, "Hanggang ngayon, kay Macey ka lang may pakialam."

"Tinatanong kita. Asan si Macey?!" Sigaw ko sa kanya.

"S-sa lumang b-building. P-pinaparusahan ni S-Steffi." Sagot nya. Agad na nagdilim ang paningin ko.

"Nicolli. Bitawan mo na sya." Sabi ni Dylan bago tumakbo papunta sa lumang building. Sumunod naman ang iba sa kanya.

"Kapag may nangyaring masama kay Macey, ako ang makakalaban nyo!" Sigaw ko sa kanila bago ko sila iniwanan doon.

Sumunod ako kala Dylan at mas binilisan ang takbo ko. Hindi ko alam kung saan dito naroon si Macey. Naghiwahiwalay kami ng mga kaibigan ko.

Pumunta ako sa isang lumang classroom sa second floor nang may narinig akong sigaw galing doon. Naabutan kong umiiyak si Steffi habang may hawak na kutsilyo at nakatingin sya sa isang duguang babae na nakaupo sa silya.

Kumulo ang dugo ko nang makilala ko kung sino ang babaeng duguan at nahihirapan nang huminga.

"MACEY!" Sigaw ko sa pangalan nya at tumakbo ako palapit sa kanya.

Agad kong kinalas ang mga nakataling lubid sa kanya at saka ko sya binuhat upang makaalis kami roon at madala ko sya agad sa ospital.

Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Steffi. Hindi ko na sya pinansin pa at mas pinagtuunan ko ng pansin si Macey. Maraming dugo na ang nawala sa kanya at namumutla na rin sya.

Habang tumatakbo palabas sa lumang building ay nakasalubong ko ang mga kaibigan ko na pare-parehong nagulat nang makita si Macey sa mga bisig ko.

Gumilid naman sila upang bigyan ako ng daan. Nang makalabas kami sa lumang building ay may mga nakita akong estudyante na pauwi na rin. Lahat sila ay nagulat at nataranta lalo na nang makita si Macey at Steffi na hanggang ngayon ay may hawak na kutsilyo.

Agad na binukasan ni Dylan ang kotse nya at pumasok kami roon. Kasama kong pumasok sa kotse si Steffi na tulala. Pinaandar ni Dylan ang kotse nya nang mabilis. Hindi nya pinansin ang mga traffic lights basta makarating kami sa ospital.

"Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya." Paulit-ulit na sinasabi ni Steffi sa sarili nya.

Nanginginig na rin ang mga kamay nya at maputla na rin sya siguro dahil sa kaba.
Hindi ako makapaniwalang nagawa nyang saktan si Macey. Si Macey na tinuring nyang kapatid noon.

-------------

Nasa operation room na si Macey nang maisip kong tawagan ang mga kaibigan nya. Saktong binigay sa akin ng isang nurse ang phone ni Macey.

Nakita kong nakailang missed calls si Kirsten sa phone ni Macey. Nang tumawag syang muli ay sinagot ko ito.

"QUEEN MACEY ARAGON! ANONG NANGYARI SAYO? BAKIT TINAWAGAN MO KO TAPOS NARINIG KONG MAY KAAWAY KA? SIGURO SILA STEFFI YAN NO? SABI KO NAMAN KASI SAYO SUMABAY KA NA SAMIN UMUWI EH! ANO BANG--" Agad kong pinutol ang sinasabi nya dahil ang sakit sa tenga ng sigaw nya.

"Kirsten, this is Nicolli." Sabi ko.

"NICOLLI? BAKIT NASAYO ANG PHONE NI QUEEN? ASAN SYA? ANONG GINAWA MO SA KANYA?" Sigaw nya ulit.

"Kirsten listen. Nandito kami ngayon sa ospital. May nangyari kay Macey kaya nandito kami ngayon." Sabi ko sa kanya at sinabi naman nyang papunta na sila kasama ang iba pa nilang kaibigan at ang ina ni Macey.

Lumipas ang isang oras at nakita kong tumatakbo ang isang ginang papunta sa amin. Nasa likuran nya sina Kirsten. "Nicolli!" Pagtawag nya sa akin.

"Mrs. Aragon?" Pagtawag ko sa kanya nang makilala ko sya. Sya ang ina ni Macey? Sya ang-- nevermind.

"Kamusta ang anak ko?" Tanong nya nang makalapit sila sa amin.

"Hindi ko po alam. Nakita ko na lang po sila Steffi--" pinutol nya ang sinasabi ko.

"Si Steffi? Asan si Steffi?" Tanong nya. Iba ang tono ng pananalita nya ngayon at iba rin ang aura nya. Kung sinuman ang makakakita sa kanya ay paniguradong matatakot katulad ni Steffi.

"Anong ginawa mo Steffi Fernandez?" Tanong nya kay Steffi ngunit hindi ito sumagot bagkus ay umiyak lang ito nang umiyak.

Nagulat ang lahat ng sampalin ni Mrs. Aragon si Steffi dahilan ng paglakas ng iyak nito.

"Tita tama na po." Pag-awat ni Kirsten at pinakalma nila si Mrs. Aragon.

Dumating naman ang doctor at agad hinanap ang kamag-anak ni Macey. Agad lumapit si Mrs. Aragon at nag-usap sila ng doktor sa opisina nito. Kinabahan ako dahil dito. Paniguradong negative ang sasabihin ng doktor.

Lumapit si Kirsten kay Steffi at kinonpronta ito. "Anong ginawa mo kay Queen?" Mahinahong pagtatanong nya kay Steffi.

Hindi sumagot si Steffi ngunit inangat nito ang kamay na may hawak na kutsilyo hanggang ngayon. Puro ito dugo ni Macey. Paanong nakapasok sya dito sa ospital na may hawak na kutsilyo?

"Sinaksak mo sya. Anong ginawa ni Queen sayo para saktan mo sya?!" Sigaw ni Kirsten na nakaagaw ng pansin ng mga nurses.

"Kirsten tama na. Hintayin na lang natin si tita pati na rin ang paglabas ni Queen sa operation room." Seryosong pagkakasabi ni Louiz.

Nang umupo silang apat sa couch ay syang pagdating ng mga magulang ko. Anong ginagawa nila dito?

###

He, who broke ME (Completed)Where stories live. Discover now