Chapter 18: Dance Contest

218 8 0
                                    

May pagmamadali ang paglakad ko dahil kalahating oras na lamang ay mag-aalas nwebe na ng umaga at magsisimula na ang dance contest.

Naging successful ang una at pangalawang araw ng selebrasyon ng Buwan ng Wika. Magagaling ang lahat ng mga sumali sa academic activities. Kasali na roon ang representatives ng department namin.

Nang makarating na ako sa room namin ay naabutan ko ang lahat ng kasali sa dance contest na naghihintay. Mukhang ako na lang ang kulang at ako ang nahuli sa meeting namin kaya humingi ako ng pasensya.

"Sorry I'm late." Sabi ko ngunit ngumiti lang silang lahat.

"Okay lang Queen. You're just in time." Sabi naman ni Kirsten.

Naunang pumasok ang mga kaibigan ko dahil hindi na nila ako mahantay at hindi nila ako magising. Mahirap akong gisingin kaya naman umalis na sila nang hindi ako kasama. Tanghali na ako nagising dahil napuyat ako kakapanood ng goblin.

"Okay na ba ang lahat? Wala ba kayong nakalimutan?" Pagtatanong ko sa kanila.

"Okay na ang lahat Queen. Wala na kaming nalimutan." Sagot ni Sandra, isa sa mga sasayaw.

Ngumiti naman ako bago nagsalita. "Kaya natin ito! Fighting! Fighting!" Pagpapalakas ko ng loob nila.

"Fighting!" Sabay-sabay na sigaw nila at pagkatapos ay nagtawanan kami. Napatigil kami nang marinig namin ang announcement.

"All representatives from different departments, please proceed to the gymnasium. We will start in 10 minutes." Katulad ng sinabi nya ay naglakad na kaming lahat papunta sa gym.

@Gymnasium

Pagkarating namin sa gym ay halos mabibingi ka na dahil sa malakas na sigawan ng mga estudyante. Nariyan ang pag-cheer nila para sa mga representatives ng department nila.

"GO FASHION AND ARTS DEPARTMENT!"

"WOOOH!"

"TAYO ANG MANANALO! FIGHTING!"

Magpapahuli ba ang department namin pagdating sa pagsuporta? Syempre hindi. Close na kaming lahat eh. Tsaka gusto talaga naming manalo dito para kay Mrs. Madrigal na aming adviser.

Dumiretso kami ng mga kasama ko sa backstage para maghanda. Naroon rin ang lahat ng representative mula sa ibang departamento.

Naroon rin ang grupo ni Steffi. Nang makita nya ako ay ngumisi sya sa akin. Hindi ko na lang sya pinansin. Baka mang-iinis lang sya. Magsasayang pa ako ng laway makipag-away lang sa kanya.

Speaking of pang-iinis, tinignan ko si Louiz dahil alam kong ilalabas nya ang kapilyuhan nya ngayon ngunit hindi. Kausap nya si Venice at yun ang inaasar nya. I guess naaalala nyang muli si Micah.

"Good morning students!" Napalingon kaming lahat sa taong nagsalita. Si Dean Natalie pala.

"Good morning din po, Dean." Sabay-sabay naming pagbati sa kanya.

"Ngayon pa lamang ay nais ko na kayong i-congratulate for a job well done. Tandaan nyo lang ang number one rule natin. Bawal ang pandaraya, okay?" Sabi nya at tumango kami.

"Alright. Galingan nyong lahat dahil manonood ang may-ari ng school natin." Sabi nya pa.

"Opo Dean." Pagsagot namin bago sya lumabas sa back stage.

Samantala, nag-umpisa nang magpatugtug ng mga musika ang DJ hudyat na magsisimula na kami. Pumasok naman ang isang facilitator sa loob at pinabunot kami ng number at ang nakuha ng grupo namin ay 10. Kami ang huling sasayaw.

Pinakita naman ng representative namin para sa solo at duo ang mga numerong nabunot nila. Ika-anim ang solo at pangatlo naman ang duo na magpe-perform.

"Maghanda na ang mga solo dahil kayo ang mauuna. Susundan ng duo pagkatapos ay ang grupo naman. Good luck students!" Huling sinabi ng facilitator bago nya nilisan ang back stage.

Ngumiti ako sa solo na representative namin. "God bless! Kaya mo yan." Sabi ko pa sa kanya.

Ngumiti rin sya sa akin bago sya nagsalita. "Thank you Queen. Gagalingan ko talaga."

"We know." Sabi sa kanya ni Kirsten bago namin narinig ang boses ng MC na nagsasabing magsisimula na.

Nagyakapan kaming lahat bago namin isinigaw ang department namin. "FASHION AND ARTS!"

--------------

Agad kong c-in-ongratulate si Sandra for a job well done. Kakatapos nya lang sumayaw at napakagaling nya. Sya yung solo namin. Nagpasalamat naman sya.

Ilang oras rin ang hinintay namin bago sumalang ang dalawa pa naming kasama. Sina Jane at Shane ang representative namin para sa duo. Sila ang pangatlong magpe-perform sa stage para sa mga duo.

Katulad ni Sandra ay maganda rin ang ipinakita nina Jane at Shane. Nakakatuwa naman dahil mas ginalingan nila ang performance nila kaysa sa practice namin. Magaling na sila nung nag-eensayo kami, hindi ko akalaing may igagaling pa sila.

Magagaling rin naman ang ibang sumayaw katulad nila. Mukhang mahirap mamili kung sino ang mananalo.

Samantala, nakita ko namang lumabas si Steffi kasama ang isa nyang kaibigan na mukhang galit. Hinatak nya kasi palabas si Steffi at hindi naman sya umangal. Mukhang may problema sila or worst ay may ginawang kalokohan si Steffi.

Muli kong itinuon ang pansin ko sa mga kasama ko at hindi na lamang pinansin pa si Steffi. Baka ano pang isipin nun. Baka sabihan nya pa kong nangingialam.

HER POV:

"STEFFI WHAT ARE YOU THINKING?!" Nanggigigil na sigaw sakin ni Jessica nang makalayo kami sa gym. Hinatak nya ako palabas ng back stage at dinala ako rito sa labas.

"ALAM MO BA KUNG ANONG PWEDENG GAWIN SATIN KAPAG NALAMAN NILANG NANDAYA TAYO?!" Sigaw nya pa.

"Hindi tayo nandaya!" Giit ko.

"ANONG TAWAG MO SA PANGONGOPYA AT PANGGAGAYA NATIN NG KANTA?!" Sigaw nya. Alam kong galit na galit sya sa akin lalo na't nalaman nya ang kalokohang ginawa ko.

"Okay sorry. Huwag ka nang magalit." Sabi ko. Ayoko kasing nagagalit sya sa akin.

"Sorry? Maayos na ang lahat Steffi. Tapos ngayon ko lang nalaman kung anong ginawa mo. Kung hindi ko pa narinig, hindi ko pa malalaman!" Mahinahong pagsabi nya pero may inis pa rin.

"Nung narinig ko yung kanta nila, pumasok na lang sa isip ko na gayahin yun. Alam mo namang inis ako dun eh." Wika ko sa kanya habang nakayuko.

"Sapat na dahilan ba yun para mandaya ka?" Huminga sya nang malalim. "Anong gagawin natin ngayon? Magkapareho ang kantang sasayawin natin." Tanong nya.

"Just go with the flow. Ako nang bahala." Sabi ko sa kanya bago ko sya hinila pabalik sa gym.

###

He, who broke ME (Completed)Where stories live. Discover now