Chapter 31: His side

259 4 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nagkulong sa kwarto ko. Nang silayan ko ang bintana rito sa kwarto ko ay madilim na sa labas. I assume gabi na o baka madaling-araw na.

Ang sabi nila, "The truth will set you free." pero hindi ko inakalang masakit pala kapag nalaman ang totoo. Sobrang sakit malaman na hindi mo totoong mga magulang ang mga nagpalaki sayo. Sobrang sakit na isa palang kasinungalingan ang buong pagkatao ko.

Ang inaakusahan kong ampon ay syang tunay pa lang anak at ako ang ampon sa aming dalawa. Buong buhay ko inakala kong tunay akong anak dahil hindi naman nila pinaramdam na iba ako. Sa bagay, ganito rin naman nila itrato si Steffi na syang tunay nilang anak.

Sumagi naman sa isipan ko sina Steffi at Macey. Noon pa man ay magkapatid na turing nila sa isa't-isa kahit na ba hindi nila alam na tunay silang magkapatid.

Mahal na mahal nila ang isa't-isa at ako ang naging dahilan ng pagkasira ng samahan nilang dalawa. Kung hindi ko pinakiusapan si Steffi noon, hindi sana sila hahantong sa ganito. Hindi na sana sila nagkasakitan pa.

Noon pa man alam ko nang may inggit si Steffi kay Macey ngunit isinangtabi nya alang-alang sa pagkakaibigan nila. Kitang-kita sa mga mata ni Steffi ang inggit sa tuwing nakikitang masaya si Macey kapag kasama nito si dad.

Nasasaktan sya kapag nakay Macey ang atensyon ni dad at hindi sa kanya. Nasasaktan sya kahit na cold treatment naman ang ibinibigay ni dad kay Macey. Sa mga panahong iyon, doon nabuo ang munting galit nya kay Macey lalo na't nalaman naming anak ito sa labas ni dad.

Naghalo-halo na ang inggit, selos at galit nya kay Macey na mas lumala nang malaman nyang totoo ang nararamdaman kong pagmamahal para rito. Galit na galit sya kay Macey kahit na hindi nya sabihin, kitang-kita naman sa pakikitungo nya rito.

Nang minsang komprontahin ko sya tungkol sa maling pakikitungo nya kay Macey ay nagalit ito at sinabi sa akin ang dahilan nya.

"She should be treated like a trash! Kaya sya dikit nang dikit kay dad mula noon ay dahil uhaw sya sa atensyon ni daddy! Inaagaw na nga nya si dad, inagaw ka rin nya sakin! Mang-aagaw sya! Mang-aagaw!"

"Wala syang inaagaw sayo!"

"Mahal kita Nicolli! Bata pa lang tayo alam ko nang tayo ang itatakda bilang mag-asawa pero nang dumating si Macey, nawala ka na rin sa akin!"

Alam kong higit pa sa kapatid ang turing nya sa akin pero hindi ko naman matuturuan ang puso kong mahalin sya dahil si Macey ang itinitibok nito. Alam kong nasaktan ko sya dahil pinagpanggap ko syang girlfriend ko para hiwalayan ko si Macey noon. Alam kong umasa sya na mamahalin ko rin sya pagkatapos nang sinakripisyo nya para sakin. She sacrifice their friendship para makuha ako but I can't love her back. I just can't.

Natuon ang atensyon ko sa katok na narinig ko at ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Pumasok si dad at sinara ang pinto. Hindi ko sana sya papansinin ngunit umupo sya sa kama at pwersahan iniharap ako sa kanya.

Nagsusumamo ang mga mata nyang nakatingin sa akin. Tila may humaplos sa puso ko  na naging dahilan ng paglambot ng ekspresyon ko. Huminga ako nang malalim bago ko sya kinausap.

"Dad why? Bakit nyo tinago sa akin? Akala ko, si Steffi ang inampon nyo pero ako pala ang sampid sa pamilyang ito." Panimula ko.

"Hindi ko sampid sa pamilyang ito, Nicolli! Kahit hindi ka namin kadugo ay tunay na anak ang turing namin sayo. Kahit hindi kita tunay na anak ay mahal na mahal kita. Mahal na mahal ka namin ng mommy mo." Sabi nya.

"At si Macey hindi nyo sya mahal? Tunay mo syang anak. Anak mo sya sa ibang babae pero hindi mo maipagkakailang anak mo pa rin sya." Sabi ko sa kanya.

"Mahal ko sya anak. Mahal ko sya katulad ng pagmamahal ko sa inyo ni Steffi."

"Hindi! Iba ang pagtrato mo sa kanya dad! Ibang-iba."

"Nicolli listen. Kahit iba ang trato ko sa kanya ay mahal ko pa rin sya. She's still my daughter." Sabi ni dad.

Pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko. Naiiyak ako dahil sa sinabi nya. Hindi ko inakalang mahal nya si Macey dahil hindi naman halata sa kilos nya. Tama nga ang kasabihang, "Actions speak louder than words."

Bumuntong-hininga ako bago ko sinabi ang hinaing ko.

"Alam mo dad kahit palagi ko syang nakikitang malungkot ay nahulog pa rin ako sa kanya. Mahal na mahal ko sya dad pero kinailangan ko syang hiwalayan dahil iyon ang gusto ni mommy. Hindi kami pwede dahil magkadugo kami. Akala ko magkapatid kami pero hindi pala. Pinagsisisihan ko na nagawa ko lahat ng ginawa ko sa kanya noon para lang maghiwalay kami noon. At ngayon hindi ko na alam kung paano kami babalik sa dati. I don't know how to win her back, dad." Nang dahil sa sinabi ko ay tumulo ang mga luhang pinigilan ko kanina at ang pagyakap sakin ni dad habang humihingi sya ng tawad.

I don't know why but I felt relieved. Mas magaan na ang pakiramdam ko ngayong nailabas ko na ang hinanaing ko. I thank God dahil wala na ang tinik na nakabara sa lalamunan ko.

Muli akong hinarap ni dad at pinahid ang mga luha sa pisngi ko. "I'm sorry son. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana noong pinagbubuntis pa si Macey ay tinama ko na ang pagkakamaling nagawa ko. Hindi na sana humantong dito na nagkakasakitan na kayo."

"You should also talk to Steffi dad. Malaki ang galit nya sayo at kay Macey. Akala nya inagaw ni Macey sa kanya lahat kaya galit na galit sya. Noong nalaman nyang anak mo si Macey sa labas, doon lumaki ang galit nya sa kapatid nya." Sabi ko sa kanya. Kailangan nyang malaman ang side ni Steffi kahit papano.

"Hindi ko anak sa labas si Macey. Don't worry, I'll try to talk to her. Son sleep now. Its almost midnight." Sabi ni dad bago sya lumabas sa kwarto ko.

I smiled at him nang muli syang lumingon sa akin. And he smiled back. I miss my dad. I miss tge old us. Sana lang ay makausap nya nang matino si Steffi. I am tired of this shit.

###

He, who broke ME (Completed)Where stories live. Discover now