Chapter 15: Preparation

247 7 0
                                    

QUEEN'S POV:

Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nang i-announce ang tungkol sa selebrasyon ng school ng Buwan ng Wika. At sa mga nagdaang linggo ay nag-ensayo ang lahat ng kasali sa mga contest at kasama na rin doon ang grupo namin.

"Class dismiss." Wika ng huling propesor namin ngayong araw.

Its already 4pm at didiretso na kami sa music room para mag-ensayo. Kasama naming nagre- rehearse ang ibang representative ng course namin sa singing at dance contest.

Ang aming adviser ay kasalukuyang naka-maternal leave ngunit bago sya umalis pansamantala ay nag-iwan na sya ng mga kantang kakailanganin namin. Natulungan nya na rin ang iba pang estudyante na kasali naman sa essay writing at balagtasan.

"Magandang araw sa lahat! Halos tatlong linggo na rin tayong nag-ensayo ng pagkanta at pagsayaw. And I must say na lahat tayo ay nag-improve mula nang mag-rehearse tayo. Less than a week ay magsisimula na ang laban natin kaya kailangan nating galingan. Inaasahan ni Mrs. Madrigal ang panalo natin." Sabi ko sa lahat nang makumpleto kami.

Sumang-ayon naman silang lahat. Inatasan kami ni Mrs. Madrigal na mag-lead sa lahat dahil malaki ang tiwala nya samin na matatagumpayan namin ang laban.

Kaming lima ang ang naging coach nila. Hindi naman sila umangal kahit na ang karamihan sa kanila ay mga babae. I guess gusto talaga nilang manalo. Syempre gusto ko rin iyon kaya hinuhusayan talaga naming lahat.

"Ito na ang huli nating ensayo. Maaari na kayong mag-relax sa susunod na linggo. Sige na at magsimula na ulit tayong mag-ensayo, guys." Wika ko sa kanila at nag-umpisa na silang mag-practice.

Unang pinanood namin ng mga kaibigan ko ang pag-practice ng mga kasali sa singing contest. Masasabi kong magagaling silang mang-aawit.

"Good job guys. Congratulations!" Bigkas ko sa kanila pagkatapos nilang mag-ensayo.

"Thank you Queen." Sabi naman nila sakin sabay ngiti.

"Pwede na kayong magpahinga." Sabi sa kanila ni Kirsten at sumang-ayon naman sila.

Sunod naming pinanood ang practice ng mga kasali sa dance contest. Katulad ng mga kasali sa singing contest ay napabilib rin kami sa aming mga dancers. Tunay na magaling ang mga Pinoy pagdating sa pagkanta at pagsayaw.

"Wow! Ang galing nyo!" Hindi maiwasang mamangha ng mga kaibigan ko.

"Tama sila, napaka-galing nyo guys. Congrats!" Nakangiti kong wika sa kanila.

"Thank you Angels." Pagpapasalamat nila.

----------------------

Pagkatapos ng ensayo nila ay nagtipon-tipon kaming muli para sa mga announcements.

"Congratulations guys! Napabilib nyo kami sa galing nyo. Labis akong natutuwa sa mga ipinakita nyo." Pagsisimula ko.

"Tama si Queen. Sobrang galing nyo. Siguradong mananalo ang department natin." Pagpapatuloy ni Kirsten.

"Reminders, wag masyadong magpapapagod. Take time to relax before the big day. Huwag masyadong uminom ng malalamig singers. Mag-ingat kayong lahat." Pagpapa-alala naman ni Venice na sinang-ayunan ng lahat.

"Ito na ang huli nating practice. Sa susunod na linggo ay pwede na kayong mag-relax pero huwag kakalimutan ang mga paala-ala." Sabi ni Dhepriz sa kanila.

"Pagkatapos ng event, magkakaroon tayo ng celebration kasama si Mrs. Madrigal. Let's make her proud."

Nang dahil sa sinabi ni Louiz ay natuwa ang mga kaklase namin. Excited silang makitang muli ang aming inay.

"Sige na. Pwede na kayong umuwi. Thank you guys ang congrats!" Huli kong sinabi sa kanila ngunit hindi sila umalis.

"Why?" Tanong ko.

"Ahm. Gusto sana naming mapanood ang practice nyo. Sige na Queen, please." Pagsagot ng isang babae.

Napatawa naman ako dahil ang cute nya. "Sige. No problem." Sagot ko na nagdulot ng saya sa kanila.

Sa lumipas na tatlong linggo ay nagkalapit na kami ng mga kaklase namin. Hindi na katulad noon na naiinis sila, lalo na ang mga babae. Naging blessing in disguise ang practice namin para magka-ayos kaming lahat. Siguradong matutuwa si Mrs. Madrigal kapag nalaman nya ang tungkol dito.

Nagsimula na kaming sumayaw sa harap ng mga kaklase namin. Ang kantang tumutugtog ngayon ay isa sa mga kanta ni Sarah Geronimo. Magandang kanta ang "Tala" kaya ito ang napili namin. Sumang-ayon naman si Mrs. Madrigal at nagustuhan nya rin ang kanta.

(P.s Kunyari po sila ang Fallen Angels :)

Habang sumasayaw ay walang reaksyon ang mga nanonood samin. Hindi ko tuloy alam kung nagustuhan ba nila o hindi. Hanggang sa matapos kami ay nakatunga-nga lang sila.

"Ahm.. Pangit ba?" Nahihiyang pagtanong ko sa kanila.

Ilang minuto bago may sumagot sa tanong ko. "Anong pangit?! Ang ganda kaya!"

"Oo nga! Ang galing nyo talaga Fallen Angels!"

"Woo idol!"

Ilan lamang yan sa mga naging sagot nila bago sila magsigawan. I smiled. Mabuti naman at nagustuhan nila. Akala ko talaga pangit para sa kanila eh.

"Thank you guys." Pagpapasalamat ko sa kanila.

HER POV:

"Hmm. Tala by Sarah Geronimo? Not bad." Bigkas ng isang tinig sa isipan ko. I smirk. Siguradong masaya to!

Umalis na ko doon at baka makita pa nila ako. Dumiretso na ko sa room kung saan kami nag-eensayo.

"Steffi, may alam ka na bang magandang kanta? Isang linggo na lang ay magsisimula na ang laban!" Tarantang tanong sakin ni Jessica.

I smiled at her. "Meron." Sagot ko.

"And what's with the smile?" Tanong ni Ciara.

"Wala. Masaya lang ako kasi naka-isip na rin ako ng magandang kanta." Sagot ko.

"So anong kanta naman iyon? Bakit kasi walang-kwenta yung adviser natin eh! Tayo palagi ang pinag-iisip ng kanta samantalang trabaho nya yun!" Naiinis na wika ni Clara.

"Kaya hindi tayo nananalo eh, hindi supportive!" Reklamo rin ni Sarah.

"Huwag na kayong magreklamo pa! Taon-taon naman ganon ang gawain ng babaeng iyon eh. Inggit lang iyon satin kasi hindi sya maganda!" Sabi ni Jessica bago sya tumingin sakin.

"What song?" Tanong nya.

"I want Tala by Sarah Geronimo. Try to search on YouTube, its pretty good." Sagot ko sa kanya.

Kanya-kanya silang kuha ng mga cp nila at sinearch na nila ang kanta. Maya-maya ay nagsalita sila.

"Steffi.." Jessica called my name.

I look at her. "What?" Tanong ko. Kinabahan naman ako baka kasi malaman nya ang kalokohan ko.

Nawala ang kaba ko dahil sa sinagot nya. "Its good."

"Ang ganda nga! Paano mo nalaman ang kantang ito?" Sarah asked me.

"Na-narinig ko lang kanina." Sagot ko naman saka ako umiwas ng tingin.

"Aralin nyo na ang bawat steps saka tayo mag-practice." Sabi ko na lang at naglakad ako papunta sa bag ko. Kinuha ko lang ang chocolate ko at kinain iyon.

"This is gonna be a good fight against your group, Queen."

###

He, who broke ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon