Chapter 14: Meeting

242 8 0
                                    

Nandito kami ngayon sa comfort room at kasalukuyang ginagamot ni Kirsten ang pisngi ni Louiz. Katulad nang ginawa nya sa akin ay pinapagalitan nya rin si Louiz. Hindi naman umiimik yung isa.

"Ano ba kasing nangyari? Bakit may sampal portion pa? Takbo ka kasi nang takbo kaya nabangga mo yung mayabang na lalaking iyon! Kanina si Dhepriz ang malikot tapos ikaw naman!" Panenermon ng aming ina. Sa aming grupo ay si Mary Kirsten Lee ang tumatayong ina kahit na nga ba ako ang pinakamatanda sa aming lima.

"Ano hindi magsasalita?" Sabi nya pa kay Louiz ngunit hindi pa rin ito nagsasalita bagkus ay niyakap nya si Kirsten at nagsimulang umiiyak na parang bata.

Niyakap rin naman sya pabalik ni Kirsten. Wala syang sinasabi pero sa pag-iyak nya pa lamang ay malalaman mo nang nasaktan sya. Hindi nya madalas pinapakita sa ibang tao kung anong nararamdaman nya ngunit pagdating sa amin ay binubuhos nya lahat ng emosyon nya tulad ngayon.

Umalis sya sa pagkakayakap nya kay Kirsten ay humarap samin. "Sorry Queen. Alam kong kakilala mo yun pero pinatulan ko pa rin." Sabi nya sakin.

Umiling ako sa kanya kasabay ng pagpunas ko sa mga luha nya. "Its okay Water. Pinagtanggol mo lang ang sarili mo which is good." Sabi ko sa kanya.

She smiled bago nya tinignan ang repleksyon nya sa salamin. Agad syang sumimangot nang makita ang bakas ng pagkakasampal sa kanya. Mapula pa ito at mahahalata mo talaga ang kamay ang babaeng sumampal sa kanya.

"Bakit ka ba nya sinampal? Anong nangyari?" Tanong sa kanya ni Venice. Humarap muli sa amin si Louiz bago sumagot.

"Isa sya sa mga immatured fans ng Five Seasons. Bigla na lang syang sumugod sakin pagkatapos kong sigawan yung mayabang na lalaki kanina." Pagpapaliwanag nya.

"Its Sky. His name is Skyleigh Trosh Mendez." Pagbanggit ko sa lalaking tinawag nyang mayabang.

"Mendez?" Bigkas ni Venice sa apelyido ni Sky.

"Why?" Tanong ko sa kanya. I smell something fishy. "May hindi ka ba sinasabi samin, Fire?" Tanong ko pa.

Nag-iwas naman sya ng tingin kasabay ng pagsagot nya sa tanong ko. "Wala.. Wala Queen."

-------------------

Lumipas ang isang linggo at ngayong martes pa lamang kami magmi-meeting tungkol sa buwan ng wika na gaganapin exactly one month from now.

Ang lahat ng representatives ay narito ngayon sa gym kasama na ang grupo ni Steffi na kanina pa masama ang tingin sakin. Nandyan rin ang grupo ni Nicolli na kanina pa pasulyap-sulyap sa pwesto ko. Pati ang isa sa mga kaibigan nya ay tingin nang tingin sa isa sa mga kaibigan ko.

"Good day students! As you all know, one month from now ay magsisimula na ang selebrasyon natin ng buwan ng wika." Panimula ni Dean Natalie nang magsimula ang meeting.

"Ang theme nito ngayong taon ay Wikang Pambansa: wika ko, wika nating lahat. Ang lahat ng kasali ay inaasahang gagamit ng purong wikang Pilipino. Walang halong ibang lenggwahe, Filipino lamang. Mapa-essay man, balagtasan, kantang inyong aawitin o kahit ang kantang inyong sasayawin ay puro wikang pilipino lamang..

Para sa mga kasali sa singing contest at sa dance contest, maaari kayong pumili ng inyong kantang aawitin o sasayawin. Pwede rin naman ang inyong course adviser ang mamimili..

Maaari naman kayong gumamit ng rooms para mag-ensayo kasama ang inyong advisers. Paalala lamang, mahigpit na ipinagbabawal ang kadayaan sa mga patimpalak. Ang sinumang mahuhuli ay papatawan ng karampatang parusa." Mahaba-habang pagpapaliwag ni Dean.

Mukhang naintindihan naman ng lahat dahil sila ay tahimik at hindi nagrereklamo. I guess taon-taon ay ganito ang mga rules nila kaya wala na silang reklamo pa.

"Mukhang nagkakaintindihan na tayong lahat. Yun lamang at maaari na kayong bumalik sa mga silid-aralan ninyo. Muli, magandang araw sa inyo!" Huling sinabi ni Dean bago sya bumaba sa stage at kausapin ang ilang propesor.

Nagsimula namang lumabas sa gym ang mga estudyante. Nagpahuli naman kami ng Angels upang hindi na makipagsiksikan pa katulad ng ginawa ng mga estudyanteng nauna kanina.

Nang kakaunti na lamang ay nagsimula na kaming maglakad palabas ng gym. Nakasalubong naman namin ang Five Seasons sa labasan. Ngumiti ako kay Dylan nang ngumiti sya sakin.

Samantala, sinungitan ni Louiz si Sky na sinamaan naman ng tingin si Louiz. Umiwas naman ng tingin si Kirsten nang makita si Tristan. What's wrong with them? May mga issues ba sila sa isa't-isa? Sina Sky at Louiz ay naiintindihan ko, ngunit sina Kirsten? Na ah.

"Mauna na kami." Wika ko at nagsimula na kong maglakad papalayo ngunit napansin kong si Venice lang ang sumunod sakin. Nang lingunin ko ang iba ay mukhang may secret war sila sa isa't-isa.

"Anong problema nila?" Tanong ko sa sarili ko.

"Princess, Water and Baby, what's wrong?" Tanong ko sa kanila. Lumingon naman sila sa akin at ngumiti ng alanganin bago sila naglakad papunta sa direksyon ko.

"You are really their leader, Macey." Nagulat ako nang marinig kong nagsalita si Nicolli na nasa gilid ko pala.

"Easy." Sabi nya pa bago sya ngumiti. Nakakairita ang ngiti nya!

Agad ko syang sinamaan ng tingin bago ako nagpatuloy sa paglalakad paalis kasama ang mga kaibigan ko.

HER POV:

Nakakuyom ang kamao ko habang nakatingin sa kanila. Hindi ko maiwasang mainis dahil sa nakita kong nangyari sa pagitan ng mga grupo nila.

Sinasabi ko na nga ba. She's a threat! Nararamdaman ko at alam kong may pagtingin si Nicolli sa kanya. Sa mga kilos nya kapag nasa malapit lamang ang babaeng yun. Sa mga ngiti nya kapag nasisilayan nya ang mukha ng babaeng iyon. Katulad na katulad ng ginagawa nya kay-- nevermind!

"Steffi tara na! Tayo na lang ang nandito." Pag-aaya ni Jessica. Tumingin ako sa kanya at tumango. Sabay kaming maglakad papalabas sa gym. Habang naglalakad ay iniisip ko pa rin ang dapat kong gawin to win what's mine.

Hindi ko pa pwedeng galawin ang bago kong karibal dahil nangako ako kay Jessica na aayusin ko muna ang relasyon namin ni Nicolli. Kapag okay na kami ulit, tsaka na ko maghihiganti sa kanya.

Ngunit naalarma ako. Kapag sinaktan ko sya ay siguradong magagalit sakin si Nicolli. Ayokong mangyari iyon. Anong kailangan kong gawin to win Nicolli again?

###

He, who broke ME (Completed)Where stories live. Discover now