Chapter 23: Kick out

246 7 0
                                    

HIS POV:

Kahit sinong nakarinig sa sinabi ni dean ay talagang magugulat. Maging ako ay nagulat at napatulala.

"Anong nakakagulat sa sinabi ko? Alam nyong ganyan ang patakaran sa eskwelahang ito." Sabi ni Dean Natalie.

"Baka ho nagkamali kayo ng sinabi Dean. Nang dahil sa ginawang pambabastos ng anak ko ay maki-kick out na sya? Seriously Dean Natalie?" Hindi makapaniwalang sabi ni dad.

Somewhat I agree with my dad. Alam kong mali ang ginawa ni Steffi kanina pero sapat na dahilan na ba iyon para makick out sya?

"Mukha bang nagbibiro ako, Mr. Reyes? In fact, hindi lang iyon ang ginawa ng anak mo. Alam kong alam mo ang isa sa mga dahilan, Mr. Reyes." Mahinahong sabi ni Dean Natalie.

"I know Dean Natalie, pero napag-usapan na natin ang bagay na iyon." Sagot ni dad.

Hindi ko sila maintindihan. Ano yung bagay na sinasabi nila?

"Napagkasunduan rin natin na hindi sya maki-kick out noon KAPAG nagtino sya. But I guess, nagkamali ako na magtitino pa ang anak mo, Mr. Reyes. Look at these." Sabi ni dean sabay bigay nya ng envelope kay dad.

Pareho kaming nagulat ni dad nang makita ang laman ng envelope. Nakita kong nakakuyom ang kamao ni dad bago sya sumigaw. "STEPHANIE FERNANDEZ, NAPAG-USAPAN NA NATIN ITO! TIGNAN MO KUNG ANONG GINAWA MO!" Sigaw ni dad bago nya ihagis palapit kay Steffi ang laman ng envelope.

Unti-unting umiyak si Steffi nang makita nya ang mga litrato. Nude photos of her with different man. "D-daddy.. H-hindi ko alam ang t-tungkol dito.." Sabi nya kay dad.

"So Mr. Reyes, sapat na ba yang katibayan para mapatalsik ang anak mo sa unibersidad na ito?" Tanong ni Dean Natalie maya maya.

"Daddy no! Huwag kang pumayag! These are fake! Peke itong mga litrato! Daddy please." Sigaw naman ni Steffi kay dad.

Tumingin si dad kay dean. "Tama ang anak ko Dean, pwedeng mapeke ang mga litratong yan." Mahinahong tanong ni dad.

Napailing naman si dean bago sya nagsalita, "What are the use of cctv cameras, Mr. Reyes?" Wika nya bago ipanood sa amin ang malaswang video ni Steffi with a man.

Nanginginig si dad nang muling humarap kay dean. Huminga sya nang malalim bago nagsalita, "I guess hindi ko na mapapatino pa ang anak ko. Humihingi ako ng pasensya sa mga maling ginawa ni Steffi, Dean Natalie."

"Ngunit, maaari pa ba nating pag-usapan ito? Hindi ako sang-ayon na makick out ang anak ko. Maaari ba na ibang parusa na lamang ang gawin para sa kanya?" Tanong pa ni dad.

"She was given a chance before pero sinayang nya lang. Sa pagkakataong ito, hindi nya na malalampasan ang parusa nya. I'm sorry Mr. Reyes pero nakapag-desisyon na ang board. Your daughter will be kicked out from this university." Sagot ni dean.

"I'll talk to the owner, Dean Natalie please?" Sabi ni dad. Luluhod pa sana sya pero pinigilan sya ni Dean. "Hindi mo kailangang gawin yan Mr. Reyes." Sabi ni dean.

Inaamin ko nasaktan ako para sa ama ko. Kahit sinong anak, hindi kakayaning makita na lumuhod ang magulang nya upang magmakaawa. Lalong lumakas naman ang iyak ni Steffi dahil sa ginawa ni dad.

Huminga nang malalim si dean bago nagsalita, "I'll call her. Wait here." Sabi nya bago nya kinuha ang kanyang phone at kinausap ang may-ari ng school sa labas ng opisina nya.

Tulad ng sinabi nya ay hinintay namin sya. Sinamaan ko ng tingin si Steffi dahil sa kalokohang ginawa nya. "Ang kapal din ng mukha mo no? Nakakayanan mong magmakaawa ang daddy ko pata lang maabswento ka sa mga kasalanan mo!" Hindi ko maiwasang pagtaasan sya ng boses dahil na rin sa galit na nararamdaman ko.

"Nicolli tama na. I'm her father so I should do this." Sabi ni dad.

"Father? Hindi ka nya ama! Hindi natin sya kadugo! Hindi nga sya legally adopted eh tapos ang lakas ng loob nyang sirain ang pangalan ng pamilya natin!" Sigaw ko pa.

"I said enough! Huwag mo nang dagdagan pa ang sakit ng ulo ko, Nicolli." Mahinahong sabi nya sakin.

"I wonder kung kaya mo ring gawin yan on your REAL daughter." Diinin ko talaga ang salitang 'real' para alam nya kung anong pinupunto ko.

Tinaliman nya ako ng tingin ngunit hindi ako nagpatinag sa kanya. "Truth hurts." Sabi ko bago pumasok sa loob si Dean Natalie.

Muling humarap si dad kay dean ignoring my deadly stares. "Anong sinabi nya dean? Pumayag ba sya?" Tanong nya kay dean.

"Yes. But in one condition." Sagot ni dean.

Tila nabuhayan ng loob si dad dahil sa narinig. Maging si Steffi ay natuwa rin.

"Kailangan nyong mag-usap privately at kung anong sasabihin nya ay yun lamang ang masusunod. Naintindihan mo ba Mr. Reyes?" Sabi ni dean at tumango naman si dad bilang pagsang-ayon sa sinabi ni dean.

"You'll meet her tomorrow afternoon. 1pm sharp at Angels' restaurant." Sabi pa ni dean.

"Her? I thought the owner is a man?" Tanong ni dad.

"That's what everybody thinks." Sagot ni dean.

Hindi kasi nagpapakita ang may-ari ng university noon. Kapag may event, ang kanyang butler lamang ang pumupunta kaya akala ng lahat ay lalaki rin ang may-ari ngunit nagkamali ang lahat nang makita at malaman na babae pala ito.

"Okay. By the way Dean Natalie, what's her name?" Tanong ni dad maya maya.

"She's Mrs. Angela Aragon." Sagot ni dean na tila nagbigay pangamba sa daddy ko. What's the problem?

"A-aragon?" Tanong ni dad at tumango naman si dean bilang pagsagot.

-------------

Mula sa university, sa byahe pauwi hanggang makarating sa mansyon ay tulala si daddy. Tila malalim ang iniisip nya. Siguro ay tungkol ito sa magiging usapan nila ni Mrs. Aragon bukas.

"Miguel what's wrong?" Tanong ni mom nang salubungin nya kami sa sala ngunit mas pinili ni dad na hindi sagutin si mom bagkus ay nagdirediretso sya sa taas.

Tumingin sa amin si mom. "Ask your-so-called-daughter." Sabi ko kay mommy bago ako umakyat papunta sa kwarto ko.

Maraming nangyari ngayong araw. Ito rin sana ang araw na tatanungin ko si Macey kung maaari akong manligaw pero naudlot dahil sa ginawa ni Steffi. Marami pa namang araw, sana kapag dumating ang tamang panahon ay wala nang hahadlang pa.

###

He, who broke ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon