Bakla 6

10.6K 494 27
                                    

Sana magustuhan nyooo!

- - -

Harold's POV

"Maputla ka ah? Ayos ka lang ba?" Alalang tanong sakin ni lucas habang palabas kami ng mall.

Kanina pa kasi iba ang pakiramdam ko, simula nung bumilis ang tibok ng puso ko parang bigla ng tumamlay ang katawan ko.

"Pagod lang siguro ako" matamlay kong sagot.

"Halika na, umuwi na tayo" hinawakan nya ako sa kamay at iginaya palabas ng mall.

Napatingin ako sa magkahawak naming kamay saka napangiti.

Gagong bakla to, chansingan pa ako, pasalamat sya nanghihina ako.

Agad kaming sumakay ng taxi at ng makarating kami sa boarding ay muli nya akong hinawakan sa kamay habang patungo kami ng kwarto namin.

Pakiramdam ko lalo akong nanghihina sa paghawak sakin ni lucas dahil mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

At mukhang tama nga ako, dahil mas lalo nga akong nanghihina at hindi pa kami nakakarating ng kwarto ng bigla nalang mag dilim ang paningin ko.

Lucas' POV

Nakangiti kong pinag-mamasdan ang payapang mukha ni harold habang natutulog ito.

Ang gago! Bigla nalang nilagnat.

Alam kong nagtataka sya kung bakit ganito ang mga ikini-kilos ko.

Maging ako man ay nagtataka din.

Simula nung una ko syang makita at nung kausapin nya ako ay naging interesado na ako sa kanya, pati narin ang kakulitan nya.

First time kung makahalik ng kapwa ko lalaki, at sa kanya ko lang kayang gawin 'yun.

Hindi ko rin alam kung bakit basta sa tuwing mag-kalapit kaming dalawa gusto ko akin lang sya.

Pero uy, di ako bakla ah.

Mas lumala pa 'tong nararamdaman ko nung minsang muntik na syang mahold up, doon ko narealize na hindi ko kayang mawala sya sa tabi ko,

Doon ko na-realize na kailangan nya ako sa tabi nya para ipag-tanggol at alagaan sya.

Hindi ko alam kung bakit gutsong-gusto ko sya,

Straight parin ako, pero kung bakla na akong matatawag ayos lang para sa kanya.

Masaya ako lagi pag-kasama sya, at mas nagugustuhan ko sya lalo pag naasar sya sakin dahil sa pang-aasar ko sa kanya,

Lahat ng meron sya,

Lahat yun nagustuhan ko.

"Mmm" umungol sya at bahagyang gumalaw,

Kaya bigla kong hinawakan ang kamay nya ng mahigpit.

"Mmmm" ungol nya ulit.

"I'm here harold, hindi ako aalis sa tabi mo" saad ko na hindi ko alam kong maririnig nya.

Hinawakan ko ang noo nya, mataas parin ang lagnat nya.

Shit! Baka kung ano na ang mangyari sa kanya.

"I'll bring you to the hospital, masyado ng mataas ang lagnat mo"

Bubuhatin ko na sana sya ng buong lakas nya akong pigilan.

"N-no, a-ayoko, dito l-lang ako" nanghihina nyang saad.

"Sigurado ka?"

Tanong ko sakanya habang nakapikit parin sya,

Kahit sobrang init nya ay nanginginig parin sya sa lamig.

"Pupunasan ulit kita ng warm water" sabi ko at akmang aalis na sana ako ng bigla nya akong pigilan.

Napatingin ako sa kanya, at unti-unti nyang iminumulat ang kanyang mata.

"Wag mo akong iwan. . . .dito kalang sa tabi ko. . . . . . . . . Leslie"

Bumagsak ang balikat ko sa pangalang binanggit nya.

Leslie?

Sino si leslie?

Nakaramdam ako ng kirot at inis.

Kaya dahan-dahan kong tinanggal ang kamay nyang naka-kapit sakin.

Tumalikod na ako at nag umpisang humakbang.

"Gago ka ba?" Napatigil ako sa paghakbang ng muli syang magsalita.

"Diba sabi ko, w-wag mo akong iwan?......dito kalang sa tabi ko. . . Wag mo akong iwan lucas" buong lakas nyang saad na ikinalingon ko sa kanya.

Agad akong lumapit sa kanya at agad syang niyakap ng mahigpit.

He's crying, and shit! I hate it when i see someone's crying.

Ayaw ko ng may umiiyak, ayaw ko ng may nasasaktan.

"Hush, sorry, hindi kita iiwan, dito lang ako sa tabi mo"

Niyakap nya rin ako ng mahigpit, ramdam ko ang init ng katawan nya at ang nanginginig nyang katawan.

Bahagya akong kumalas para tanggalin ang damit ko at ganon din sa kanya.

Nang matanggal ko na ang damit nya ay agad akong tumabi ng higa sa kanya para yakapin sya ulit.

Kailangan nya ng body heat.

Kailangan nya ang init ko.

Kailangan nya ng katawan ko.

Kailangan nya ako.

***

A/n:  dalawang UD sa isang araw? Hindi lang pala ako gwapo kundi ubod din ng bait.Haha!

Wag ng mag reklamo ah, bawing-bawi na sa UD eh,

Bilang isang pampalubag loob, sana wag nyong kalimutang mag vote at mag comment.

Follow nyo rin po ako sa wattpad at saking fb.account and follow me also on my instagram account: Harexzhone0831

Salamat. Nasa wattpad profile ko yung link ng fb account ko.click nyo nalang!

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon