Bakla 35

4.4K 191 13
                                    

Unedited


Harold's POV


Ako lang ba? O sadyang di lang nila feel ang isat-isa?

Kanina pa kasi tahimik na kumakain sina lucas, alyana at kuya diego, wala manlang nagtangkang mag ungkat ng kahit anong topic manlang, mga depungal na mga to,

Pero alam nyo ba mga bes, este mga brad, hanggang ngayon hindi parin maalis sa utak ko yung sinabi ni kuya diego na "love"

Kingina! "Love"

Hindi ko lang alam, pero napaka-familiar sakin ng pagkaka-bigkas nya.

Sinulyapan ko ulit ang tatlo, si alyana naka-yuko lang, si kuya diego at lucas kulang nalang mag deklara na ng world war III dito mismo sa restaurant na kinakainan naming apat.

"So? Bakit kaya lahat ng mga ending ng kdrama e, puro bitin? Di ba sila naniniwala sa forever?"

Kunot noo silang tatlo na napatingin sakin, napa-roll ako ng mata 360 degrees, shit! Nahilo pa ako doon a,

"Duh! Kdrama? Tignan nyo yung ending nung love in the moonlight, nag holding hands lang sila sa dulo tapos "the end" na, yung goblin naman nakita nya lang yung goblin's bride na naka-uniform tapos "the end" agad, bakit kaya ganon?" Dada ko sabay subo ng inorder kong fish fillet, katamarang magtanggal ng tinik, hinayupak!

Gaya ng kanina takang nakatingin lang sila sakin.

"Libre mag salita" mga depungal kayo.

Mukhang nagets naman nila yung sinabi ko.

"Nga pala, alyana," napatingin silang tatlo ulit sakin ng tawagin ko si alyana.

"Alyana kayo? Alyana kayo?" Pangbabara ko kina lucas at kuya diego, agad naman silang nag-iwas ng tingin at ipinag-patuloy nalang ang pagkain.

"B-bakit?" Tanong nito sabay labas ng isang alanganing ngiti.

"Alam mo matagal ko na 'tong gustong tanungin sa'yo" sabi ko, uminom muna ako ng tubig para bumwelo,

"A-anong tanong?" Parang kinakabahan nyang tanong,

"Bakit dati ayaw na ayaw mong makita ka ni lucas?" Parehas nabilaukan sina kuya diego at lucas, si alyana naman ay nanlaki ang mga mata sa tanong ko.

"Hays, dahan-dahan kasi sa pagkain" paalala ko kay lucas sabay abot dito ng isang basong tubig.

"Thanks Babe," sabi nito matapos uminom ng tubig.

Muli kong ibinaling kay alyana ang atensyon ko, kala siguro nito makakatakas sya sakin ha,

"So bakit nga alyana?" Muli na namang naubo sina kuya diego at lucas sa muli kong pagtanong kay alyana.

Napakunot noo ako, ano bang nangyayari sa dalawang 'to? Inirapan ko lang silang dalawa dahil sa ka-epalan nila saka ako muling tumingin kay alyana na ngayon ay namumutla na, ay halla sya!

"Wuy, alyana? Alam ko gwapo ako, kaya wag mo na akong titigan ng ganyan,sagutin mo nalang tanong ko, curious talaga ako e," pamimilit ko sa kanya.

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon