Bakla 7

11K 492 46
                                    

Kabanas yung Love in the moonlight, gabi-gabi ako pina-paiyak, Huhu!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanas yung Love in the moonlight, gabi-gabi ako pina-paiyak, Huhu!

- - -

Harold's POV

Naalim-pungatan ako ng makaramdam ako ng konting kirot sa aking ulo, pag-mulat ko ng mata ay bumungad sakin agad ang mukha ng natutulog nasi lucas.

Mainit ang pakiramdam ko, malamang sa malamang ay nagkasakit ako kaya siguro ako nawalan ng malay kanina pag uwi namin dito.

Kung ganon, si lucas ang nag-alaga sakin? Kasi halata naman eh, ikaw ba naman bigyan ng body heat, at mukhang effective dahil medyo okay na ang pakiramdam ko ngayon.

Naglakbay ang paningin ko sa kabuoan ng maamo nyang mukha, at isang ngiti ang sumilay saking mga labi.

Nung una iniligtas nya ang buhay ko sa mga holdaper at ngayon inalagaan nya ako.

Ang dami ko ng utang sa baklang 'to, tsk! Tsk!

Paano kaya kung katawan ko nalang ang ibayad ko sa kanya? Siguro naman hindi sya tatanggi dahil ang isang harold santiago? Tatanggihan mo? Na ah!

Ang kaso di ako napatol sa bakla eh, sorry sya! Di nya matitikman 'to.

Naglakbay ang mata ko hanggang sa pinkish nyang labi,

Napalunok ako, shit! Bakit?

Agad kong inalis ang tingin sa kanyang labi ngunit mukhang may sariling pag-iisip ang aking mga mata at nais nyang titigan ang pinkish lips ni lucas.

Napalunok ako ulit, at dahan-dahan kong inilalapit ang labi ko sa labi nya,

Konting-konti nalang lalapat na sana ang labi ko ng bigla nalang syang napamulat.

"Waaaaaahhhhhhhh!" Sigaw ko saka agad ko syang tinulak kaya nalaglag sya mula kama ko.

Narinig ko pa ang pag-daing nya sa sakit dahil sa pagkakabagsak nya sa sahig.

Kaya naman agad akong tumayo para alalayan syang tumayo.

"Tangina mo! Bakit ka ba nanunulak?" Sabi nya habang dahan-dahan ko syang pina-paupo sa sarili nyang kama.

"Ikaw kasi! Bakit ka nakayakap sakin" sabi ko nalang, kahit ang totoo ay muntik na nya akong mahuling hinahalikan sya.

At shit lang! Bakit ko ba sya gustong halikan?

Hindi pa ako bakla ah! Promise sabi ni author.

"Ang taas kasi ng lagnat mo kagabi, tapos giniginaw kapa kaya binigyan kita ng init mula sa katawan ko, okay na ba pakiramdam mo?" Naguilty bigla ako dahil sa sinabi nya.

"Ganon ba, pasensya na, saka salamat" sabi ko sa kanya habang himas himas nya yung kamay nyang nasaktan ata sa pagkaka-bagsak nya kanina.

"Iwan muna kita dito, bibili lang ako ng makakain natin" sabi nya saka sya tumayo.

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon