Bakla 56

3.2K 141 9
                                    

Unedited

Harold's POV

Hindi ko alam kung ilang luha na ang nasayang ko simula pa kahapon hanggang ngayon.

Para narin ngang kinagat ng ipis tong mata ko sa kapulahan.

Pero natigil ang lahat ng pagtulo ng aking luha ng sabihin ni lucas na.

"Plano lang ang lahat , It's our plan to make you jealous , to hurt you, all what you have witnessed was just a plan, para marating natin ang lahat ng to, ang lahat ng set up na'to, It's our 7 months today Harold, pitong buwan na tayo, sa tingin mo ba ganon nalang kita kadali e-give up? , but it was a mistake na saktan ka ng sobra to the point na iwanan mo na ako, hindi kita masisisi dahil kasalanan ko rin, hindi ko naman alam na aabot ang lahat sa ganito e, pero mahal kita Harold, hindi ko kayang saktan o iwanan ka dahil mahal kita"

I'm shookt, tangina.

Naka-nganga lang ako habang nag papaliwanag sya, And it's very sincere my ghad.

I can't utter even a single word, depungal nasaan na ang pride ko, don't tell me pinan-laba na ni yaya bonie? As far as I remember ariel gamit namin a.

Hinawakan nya ang dalawa kong kamay habang diretsong nakatingin sa mga mata ko,

"I miss you Babe" sabi nya na nag pagaan ng loob ko.

Ngumiti ako habang lumuluha.

Kung iri-rate ko ang sarili ko kung gaano ako ka-swerte siguro 101%.

Napaka-swerte ko at binigay ng langit sakin ang lalaking to, napaka-swerte ko dahil sa milyon-milyong tao sa mundo, ako nagustuhan at minahal ng taong to.

"Namiss din kitang letche ka" sabi ko at saka ko sya sinunggaban ng isang halik.

Muling tumugtog ang violin ng perfect ni ed sheeran, sinabayan pa ng malamig na simoy ng hangin, parang isang music video na laging happy ending ang dulo.

Maya-maya pa ay nakarinig kami ng mga iilang palakpakan.

Naghiwalay ang mga labi namin at agad akong napatingin sa paligid.

"Wooo! Poreber natowww!" Sigaw ni pia habang kunwari naluluha.

Nakita ko din na katabi nito yung classmate naming nag panggap na kunwari M.U ng malanding lucas na'to na nakangiti ding pumapalakpak at yung apat na matchong lalaking sa tingin ko ay dumukot sakin, ay may ngiti rin sa kanilang mga labi habang pinapanuod kami.

Nabalik ang tingin ko kay lucas.

"Thank you" sabi ko.

"Lahat gagawin at ibibigay ko para sa'yo" sabi nito sakin saka nya ako ginawaran ng isang mabilisang halik sa labi.

"Let's eat first Babe, lalamig na ang mga pagkain" sabi nito saka ako inalalayang maupo sa upuan, at saka naman sya lumipat sa kabilang side para umupo rin.

Hindi ako sanay sa ganitong set up, mas sanay ako sa mga simpleng gawain lang ni lucas dati. Namimiss ko na yun.

Siguro gawin ko nalang yung dati naming ginagawa sa next chapter.

"Ano ba kasing nakain mo at may plano ka pang nalalaman?" Tanong ko agad dito habang sumusubo ng pagkain.

"It's actually pia's plan, nagustuhan ko naman kaya pinatos ko na" sagot nya.

So pakana lahat ni pia ang lahat ng to? Letcheng babaeng yon, makutusan nga minsan.

"Uwi ka na satin Babe ha?" Sabi nito na nagbigay ng mga kakiligan sa buo kong katawan , siguro kong babae lang ako kanina pa ako naglulupasay sa sahig, mabuti nalang hindi. At utang na loob din, hindi porque kinikilig ako bakla na agad, di ako bakla okay? Mga letse kayo maka-husga saking pagkatao.

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon