Bakla 26

5.4K 213 20
                                    

Unedited ⬅⬅⬅

Harold's POV

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko, yung pakiramdam na malapit na ang monthly period mo kaya sobra kang magagalitin,

Well hindi ko alam 'yun, dahil hindi ko naman naranasang magkaroon ng monthly period, saka wala narin kasi akong ibang masabing example, mema lang.

"Babe aray! Ang sakit aray!" Daing nya sa sakit habang pingot-pingot ko sya sa tenga palabas ng bahay, hinayupak sya, Qiqil nya si aqouh.

"Kingina ka! Umalis ka na!" Beast mode si aqo.

Agad nya akong hinawakan sa braso habang todo paliwanag sya.

"Babe naman, maniwala ka, hindi ko talaga kilala 'yung babaeng tumawag, unregistered number nga diba? Baka na wrong dial lang" mga pangatlo na nyang paliwanag 'yan.

Tinignan ko sya sa mata, at bakas dito ang sinseridad, para syang isang nilalang na napagbintangang gumagamit ng droga, kahit hindi naman.

"Babe, maniwala ka naman o, hindi ko kayang gawin 'yun sa'yo, sa loob ng apat na buwang lagi tayong magkasama, wala kang nakitang ibang kasama ko kundi ikaw lang" para bagang hinaplos ng mga nagmamakaawa nyang tinig ang aking puso,

Naramdaman ko nalang ang biglaan nyang pagyakap sakin,

"Babe sorry na," napangiti ako.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling mayroon kang iba"sabi ko sya niyakap, mas napahigpit ang pagyakap ko sa kanya ng umihip ang malakas at malamig na simoy ng hangin.

"Ikaw lang ang mahal ko tandaan mo yan, kaya please, pumasok na tayo sa loob, ang lamig na dito" bahagya kaming natawa.

Hawak kamay kami habang papasok ng bahay, ng bigla nya akong buhatin ala bagong kasal paakyat ng kwarto namin.

"Kingina mo, ibaba mo ako," sabi ko but deep inside gustong-gusto ko naman, shocks! Mga dude, kinikilig ako, pero uy, di ako bakla a,

"May utang ka sakin Babe, pagkatapos mo akong pingutin kanina, ngayon kakagatin naman kita"

Pilyo nyang sabi ng maka-pasok na kami ng kwarto ko, agad nya akong ibinaba ng kama ko pero agad din nya akong dinaganan at siniil ng halik.

Gumanti ako.

Kung ang mga halik lang namin ang magkapag-papatunay na akin lang sya at ako'y sa kanya lang.

Kahit araw-araw pa kaming maghalikan, 5 hours straight walang mintis, gagawin namin, ayos lang.

*****

Lunes.  .

"Bes!" Napalingon ako sa babaeng pamilyar ang boses na daig pa ang nakalulon ng sampong mikropono.

"Hi? Kamusta?" Saad ni pia sakin saka umupo sa tabi ko.

"Ayos lang, kaso dumating ka" pang-aasar ko dito.

"Heee! Nga pala, nasaan si fafa lucas? Ba't di mo kasama?" Tanong nito.

Oo nga, hanggang ngayon wala pa ang hinayupak na lucas na'yon, limang minuto na akong naghihintay dito, sabi nya bibili lang sya ng makakain namin, pero hanggang ngayon wala pa sya.

"Bumili lang ng makakain namin" sagot ko dito,

Dito kami ngayon sa field ng school namin naka-upo sa isang bench,

Hay, naalala ko pa, dito rin mismo sa upuang ito ako umupo noon nung makita ko si lucas na kahalikan yung malandi kong classmate sa cr dati.

Hanep na babaeng 'yun, inunahan pa ako kay lucas, mabuti nalang at wala na'yun, balita ko kasi doon, uy, hindi sa tsismoso ako a, narinig ko lang sa tabi-tabi, nabuntis daw ng isang porener, ayan, kalandian kasi.

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon