Bakla 58

3.1K 133 23
                                    

Unedited

Harold's POV

"Ayoko dyan!" Sabi ko matapos akong dalhin ni lucas sa harap ng jollibee. Napa-pout ako ng labi dahil feeling ko ang cute ko sa part na'yun.

"Saan mo gusto?" Tanong nito sakin habang tumitingin sa rebulto ni jollibee, bakas sa mukha nya ang pagkatakam sa chicken joy ni jollibee.

"Mas gusto ko sa mcdo" sabi ko habang nag pa-pout parin ng labi, napalingon sya habang salubong ang kilay.

"Pareho lang naman sila ng sini-serve bakit ayaw mo dito?" Tanong nito sakin, tapos nag pout rin sya ng labi nya.

Pero di hamak na mas cute parin ako sa kanya.

"Yun na nga e, pareho lang din naman sila ng sini-serve bakit ayaw mo sa mcdo?" balik na tanong ko sa kanya ,o diba? Ang talino ko sa part na'yun, malamang di nya naisip na tatanungin ko din sya ng ganong klaseng tanong.

"Ehhh, dito nalang kasi, total nasa harap naman na tayo ni jollibee e, saka mas malinamnam ang chicken nila dito tagos hanggang buto, diba jollibee?" sabi nya sabay baling sa rebulto ni jollibee na di napapagod sa kangingiti.

Napa-roll ako ng mata, shet. Sana lang di ako mag mukhang bakla sa part na'yun.

"Mas masarap ang chicken sa mcdo, lalo na yung gravy nila" panlaban ko naman.

"Iisa lang naman yung lasa ng gravy e, dito nalang tayo" sabi nito sabay hawak sa braso ko at pinilit akong hinila papasok ng jollibee.

"Ayoko nga dyan!" pag-pupumiglas ko naman.

"Halika na dito nalang tayo!" pamimilit nya parin sakin.

"Ayoko! Help!" sigaw ko. Haha bahala sya basta ayaw ko dito.

"Babe , dito nalang tayo please" maka-awa nya habang hila-hila parin ako.

"Ayoko nga e" pagmamatigas ko.

"Please?" Patuloy nyang maka-awa.

"Excuse me? Kung ayaw nyo kumain dito, tumabi kayo sa daanan ,dahil papasok kami para kumain" napatingin kami sa isang pamilyar na boses.

"Sarah?" Sabay naming bigkas ni lucas.

"Aha? Ako nga" sagot nito sabay kanta ng.

"Mag bigay ng joy ngayong pasko~ mag bigay ng joy ngayong pasko~mmmm" di na naituloy ni sarah ang kanyang kinakanta ng pasakan ko ng joy dish washing liquid pack ang bunganga nya.

"Lets go Babe, mag mang inasal nalang tayo" sabi ko sabay hila sa natulalang si lucas.

*****

"Have a nice day sir, welcome to mang inasal, ano pong order nyo?" Maligalig na bati samin ng babaeng cashier.

"Ate dalawang order ng pm2" sabi ko sa cashier na tulalang nakatingin sakin habang nakangiti.

"Ate? Hoy, halla! Dalawang order ng pm2 po" sabi ko.

Mukhang na-realize naman ni ate yung katangahan nya kaya bigla syang nag ayos ng composure.

"Extra rice po ba?" Tanong nya habang busy na sa machine na kaharap nya.

"Yes po"

"Ano pong drinks nyo?" Tanong ulit ng cashier na hindi na makatingin sakin.

"Anong drinks daw Babe?" Tanong ko kay lucas.

"Kahit ano" sagot ni lucas habang kumakain ng chicken joy ng jollibee, langya to, nagdala ng chicken joy dito sa mang inasal.

Ibinalik ko ang atensyon ko kay ateng ngayon ay umiiyak na. Ay halla, anong nangyari dito.

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon