Bakla 36

4.3K 203 18
                                    

Unedited

Enough muna tayo sa kabaliwan ng dalawang mag-jowa.

Third Person's POV

Himas-himas nya ang kanyang imaginary balbas ay nag-iisip ang isang ginoong wala namang isip, kaya't halos limang oras na ang kanyang iginugugol ngunit sadyang wala talaga syang maisip na plano kung paano papatayin si harold nang sa ganon ay matupad ang kanyang layunin,

"May naiisip na po ba kayong plano?" Tanong ng isang maputi, matangkad ,maganda ang pangangatwan ,maganda ang pagkaka-hulma ng mukha in short gwapong-gwapo nyang tauhan.

"Wala pa, bigyan mo pa ako ng sampong oras para makapag-isip" sagot ng walang isip nilang boss.

Napa-kamot ulo naman si kuyang pogi at dahil bukod sa hindi lang sya gwapo ay isa rin syang matalino at mabilis mag-isip kaya naman hindi na nya nakayanan pang hindi maibahagi ang kanyang naisip na plano, planong para sa sarili lamang nya.

"Boss may naisip akong plano" manghang napatingin sa kanya ang kanyang boss na wari'y sya na ang pinaka-matalinong nilalang na kanyang nakilala.

"What is it?" Tanong ng kanyang boss na patuloy parin sa pag-himod ng kanyang imaginary balbas.

"Paano kung, wag nalang natin patayin si harold? He's too handsome and cute para mamatay lang sa mundong ibabaw ng hindi manlang napapakina-bangan" sabi ni kuyang gwapo na may mapula at mamasa-masang labi na parang ang sarap lang halikan. Depungal.

"Sabagay tama ka, masyadong gwapo ang batang 'yun, so ano nalang ba ang dapat nating gawin?" Tanong ulit ng walang isip na boss.

"Ako ang gagawa ng paraan para maghiwalay sina lucas at harold, sisirain ko ang kanilang relasyon" napa-kunot noo naman ang boss sa naisip na plano ng gwapong nilalang na iyon.

"Ang panget ng plano, masyadong clichè ,what if , ikaw nalang ang gumawa ng paraan para magkahiwalay sila, dapat masira mo 'yung relasyon nilang dalawa ng sa ganon ay matuloy parin ang tradisyon" napa-kamot ulo lang si kuyang gwapo na mas lalong nag-pacute sa kanya.

"Maganda nga 'yang naisip nyo boss, hihi!" Nasabi nalang nung gwapo sabay labas ng isang alanganing ngiti.

"Diba? Sabi ko sa'yo magaling ako mag-isip" pag-mamayabang pa ng boss nila.

'Sisirain ko ang relasyon nila , at kukunin kita harold, dapat akin kalang'

Turan ng gwapo sa kanyang isipan sabay labas ng isang makalaglag panty na ngisi.

Maya-maya pa ay , isang dalaga ang galit na pumasok sa loob ng kwartong iyon.

"Dad!" Galit na sigaw ng dalaga sa kanyang ama.

"Yes daughter?" Sabi ng ginoo sabay labas ng isang ngiti.

"Ano yung mga narinig ko sa mga tauhan mo na ikaw ang may pakana ng lahat ng mga kapahamakang nangyayari kay harold?" Galit na sabi ng dalaga.

"Dahil 'yun lang ang paraan para------"

"Para matuloy yang ambisyon nyo?" Putol nya sa sasabihin ng ama.

"Para sa ambisyon nyo, mas pipiliin nyong pumatay ng tao para manatili kayong mataas?" Di na mapigilan ng dalaga ang kanyang hinaing dahil sumo-sobra na talaga ang kanyang ama,

"Para sa'yo naman tong ginagawa ko e, para sa kinabukasan mo" paliwanag ng kanyang ama.

"No! This is not all for me, this is not about me , this is all about the bass ,'bout the bass, 'bout the bass no trouble, para ito sa inyo ,para sa kayamanan nyo, para manatiling malakas 'yang karangyaang tinatamasa nyo, kung talagang para sakin 'to, hahayaan mong ako mag decide para sa sarili ko, at hindi ikaw!" Nag-habol ng hininga ang dalaga dahil sa mahaba nitong pagsisiwalat,

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon