Bakla 41

3.7K 167 21
                                    

Unedited

Harold's POV

11:45 pm na nang gabi, hanggang ngayon wala parin si lucas.

Sabi nya bago sya pumuntang hospital ay babalik sya agad.

Pero bakit hanggang ngayon wala parin sya? Ganon ba kalala ang kalagayan ng mama nya? Kung ganon. Sana nag text man lang sya na hindi na sya makaka-uwi. Hindi yung para akong tangang umaasa dito.

Hay nako!

Tumayo ako mula sa kama ko saka nag backflip. Joke lang ampota!

Hindi ko maiwasang di magdabog dahil sa inis. Bakit kasi hindi man lang mag text si lucas? Nagaalala na ako at naiinis na din.

Sa sobrang boring mga dude ay agad akong nag push ups sa floor, nagba-bakasakali akong pag dating ni lucas ay matitigas na ang mga muscles ko.

Push up one hand. O diba? Nakayaka ko? Kaso hanggang dalawa lang e. haha!

Matapos kong mag push up ng walang kwenta ay lupasay akong nahiga sa kama ko.

Hays.

Napatingin ako muli sa wall clock namin. Tang ina! 12:10 na ng gabi.

Nasaan na ba si lucas? Bakit wala pa sya?

Kabanas naman oh. Kanina pa naninigas yung etits ko na di ko malaman-laman kong anong koneksyon,

Tinapik-tapik ko si junjun.

"Jun, tiis ka muna ha, wala pa si daddy mo e" sa sobrang kaboringan ko ay kung ano-ano nalang ang pumapasok sa isip ko. Ching ina! Malala na ako mga dude.

Pero masisisi nyo ba ako? Kahit ilang oras ko palang hindi nakikita si lucas ay sobrang miss ko na sya, at ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagka-hiwalay kami ng matagal. Remember?

Napapikit ako sa inis at pagka-yamot.

Bwisit talaga,

Maya-maya pa ay biglang nag ring ang phone ko, agad ko itong kinuha sa ibabaw ng mini table namin at agad na tinignan ang caller.

(Hello Babe?) Sabi nya sa kabilang linya.

Di ako sumagot kasi naiinis ako.

(Babe sorry na kung di ako makaka-uwi) nanlaki ang mga chinito kong mata sa aking narinig.

(Ano? Di ka makaka-uwi? Ano ba'yan, sana nag text ka ng maaga para hindi ako parang tangang nag-----") hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang mag crack ang boses ko.

Tang ina! Bakit ako naiiyak?

( naghihintay sa'yo) dugtong ko sa naputol kong sasabihin.

(Babe, I'm sorry) sabi nya na may kasamang buntong hininga.

(Sige na, matutulog na ako) may inis kong sabi saka ko pinatay agad ang tawag.

Pinahid ko ang luha ko, tang ina naman e, para naman akong bakla neto,

Paano naman kasi mga dude, halos mabaliw na ako kanina kahihintay sa kanya, tapos hindi pala sya makaka-uwi? Owediwaw! Badtrip!

Nahiga na ako ng tuluyan at agad ko ng ipinikit ang aking mga mata, hanggang sa di ko na namalayang nakatulog na ako.

Pero wait lang ah, tanong lang.

Kailan pa ba natin namalayang nakatulog na pala tayo?

Hays,

*****

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon