Bakla 37

4.6K 211 10
                                    

Dedicated to xxEthanKentxx
Lab yu pare, Haha! Lol!

Unedited



Harold's POV


"Alam mo bes, inggit much ako sayo" may kung anong kadramahang wika ni pia sakin, habang lumalafang este kumakain kami dito sa foodcourt ng building namin.

"Bakit naman?" Taka kong tanong dito,saka ako sumubo ng fries na inorder ko.

"Kasi naman, buti ka pa may love life samantalang ako heto at virgin parin" naibuga ko ang iniinum kong juice dahil sa sinabi nya.

"Ang bad mo bes" reklamo nya ng naibuga ko pala ito sa mukha nya,

"Nambibigla ka e," depensa ko which is true naman talaga.

"Totoo naman e, virgin pa ako" sabi nya sabay pout, imposible namang walang magtangkang manligaw sa babaeng to, maganda naman si pia a,

"Gusto mo ako nalang? Dadalhin kita sa langit" sabi ko sabay labas ng isang ngisi.

Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng isang matinding pingot mula sa aking kanang tenga.

"Aray! Aray! Masakit!" Hinaing ko habang pilit na tinatanggal ang kamay na naka-pingot sa tenga ko.

"Gusto mo ako ang magdala sa'yo sa langit ha? Hinayupak ka!" Galit nyang sabi sakin,

Mabuti nalang tinanggal nya rin agad, kasi kung hindi mawawalan ako ng right ear, at pag-nawalan ako ng right ear mababawasan ng 1% ang aking kagwapuhan at 2% ang aking ka-kyutan, at kapag nangyari 'yun,iiyak ang mga girls at gays, diba? Diba?

"Wag na wag mong papatulan 'to pia ha, jutay lang 'yan" nabigla ako sa sinabi nya,

Anong karapatan nyang ibulgar ang katotohanan?

"Hoy, hinayupak ka, mamaya maniwala talaga yan, saka as if naman papatulan ko yan, e, boobs nga wala yan e," sabi ko,tapos tinignan ko si pia na kulang nalang kainin ako ng mga tingin nya, nag peace sign nalang ako kasi gwapo ako.

"Teka nga, saan ka ba galing ha?" Tanong ko kay lucas.

"Napadaan kasi ako sa dean's office, langyang babaeng 'yun, ako pa ang napiling utusan"reklamo nya sabay inom ng juice na dapat ay para sakin.

"Babe, napagod ako" sabi nya sakin sabay nguso, tse! Nag papa-cute ba'to sakin?

"O? Anong gusto mong gawin ko?" Tanong ko naman dito, mas lalo nyang pinout 'yung lips nya,

"Ano nga?" Irita ko ng tanong dito, kasi naman di ko sya gets, puro sya nguso at pacute.

"Kiss mo ako para mawala yung pagod ko" pabebe nyang sabi,

Nag salubong ang kilay kong nakatingin sa kanya habang todo pout parin sya ng lips nya,

"Kiss mo na 'yan, bago ko pa sabitan ng sandok 'yang nguso nya" sabi ni pia.

Binigyan ko naman sya ng limang segundong halik sa labi na ikina-hiyaw na naman ng madla.

"My ghad! Yaoi live!" Dinig kong sigaw ng isang babae.

Sanay na kami sa mga taong nasa paligid namin, actually, peymus kami ni lucas sa school na'to, at may fans club narin kami dito na si pia mismo ang president. Nayupak na babeng 'to, daming alam.

"Ang lalandi n'yong dalawa" may pagka-bitter na sabi ni pia saka ito nag walk out, taray mga bes, este mga dude.

"Anong nangyari doon?" Takang tanong ni lucas sakin.

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon