Bakla 33

4.2K 224 13
                                    

Unedited

Harold's POV

"Nako Babe, nakalimutan ko sa room yung notes ko, may long quiz pa naman tayo bukas, nag take down ka ba sa mga diniscuss ni ma'am kanina?"

Napakamot ulo ako sa tanong nya "a,hihi! Hindi nga ako nakikinig kanina e" sagot ko sabay labas ng isang pilit na ngiti.

"Hays, bakit kasi hindi ka gumagawa ng mga notes mo? Sige, hintayin mo lang ako dito at babalikan ko 'yun" sabi nya na tinanguhan ko lang.

6:30 pm na. Madilim narin at nandito ako sa labas ng gate ng university namin,

Nagpalinga-linga ako sa paligid ko, halos mga sasakyan ang mga nakikita ko, may mga taong naglalakad ngunit mangilan-ngilan lang.

Hanggang sa maka-aninag ako ng limang lalaki na papalapit sakin in slow motion.

Wow! Hanep sa effect.

Pare-parehas silang naka-itim at naka shades, Eh? Gabing-gabi naka-shades?

Nang tuluyan na silang nakalapit sakin, Pinalibutan nila akong lima na ipinag-taka ko, napakapit tuloy ako ng mahigpit sa hawakan ng bag pack ko.

Hindi ako takot, marunong naman ako dumipensa, kaso nakakatakot lang ang mga aura ng limang to e, para bagang mangangain sila ng tao, feeling ko tuloy mga bampira sila sa la luna sangre, nakadagdag pa yung mga shades nila na animoy tirik na tirik ang araw.

"Yes?" Tanong ko sa kanila.

"Sumama ka sa amin" sabi nung lalaking nasa harapan ko.

"Ah eh, sorry hindi pwede e," sagot ko naman sabay tawa ng pilit.

Tapos bigla akong hinawakan ng isang lalaki sa right side ko, at dahil alerto ako ay agad kong sinuntok yung humawak sakin, napa-atras sya sa ginawa ko.

Naramdaman kong gumalaw yung lalaki sa likuran ko kaya ang ginawa ko ay agad akong bumwelo pasipa sa lalaking nagtangkang sumugod sakin, napa-upo naman sa sahig yung sinipa ko.

Hanggaling ko no?

Ang kaso mga dre, badtrip di ko nabantayan yung sa harap ko at bigla ako nitong sinuntok dahilan para matumba ako sa sahig at dahilan din para magkaroon sila ng chance na hawakan ako sa magkabilaan kong kamay.

Shit! Bakit ba kasi ang tagal ni lucas.

"Bitiwan nyo ako, mga depungal kayo" sigaw ko sa mga 'to,

"Wag ka ng pumalag bata, kung ayaw mong masaktan" medyo mayabang na sabi nung may katangkaran.

"Gago, mga dugaw ba kayo? Kung gusto nyo one on one nalang oh, ano ha? Ano ha?" Aksyon ko pa na wari ay maninipa na as if matatamaan ko sila.

"Tangina nyo bitiwan nyo ako!" Sigaw ko,

Nabigla ako ng bigla nalang matumba padapa sa sahig yung nakahawak sa right arm ko,

Pagtingin ko sa likod isang lalaki ang nagpakabayaning tulungan ako sa kamay ng mga shades man na'to.

Nakipag-suntukan na sya sa sa ibang lalaki at dahil free na ang kanang kamay ko ay ubod lakas akong bumwelo para bigyan ng malakas na suntok yung lalaking nakahawak sa kaliwang kamay ko,

Ramdam ko pa ang sakit ng dumapo ang kamao ko sa mukha nya at boom, tulog ang gago,

Tinulungan ko ng makipag-laban yung tumulong sakin hanggang sa mapatulog namin ang limang gunggong na'to.

Hindi ko masyadong maaninag yung lalaking tumulong sakin dahil may kadiliman ang lugar kung saan kami ngayon.

Dali-dali syang lumapit sakin at nabigla ako ng agad-agad nya akong yakapin.

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon