Bakla 30

4.8K 207 17
                                    

Unedited

Dedicated to:

BleuHunter

yukiteru19

-------

Harold's POV

"THIS IS THE SONG FOR THS BROKEN HEARTED, TENG-TENG,TENENENENG-NENG!"

napayuko nalang ako sa kapangitan ng pagkanta ni lucas.

Dito kami ngayon sa loob ng videokehan, katatapos lang namin sa just dance,

Nakakahiya pa nga yang lalaki na'yan kanina e, pinagtatawanan na sya ng mga tao dahil hindi sya makasabay-sabay sa step, tapos heto na naman ngayon, naisipan naming mag videoke. Ang kaso di ko maintindihan kong nagtutula ba ang lucas na'to o nagiingay lang, shout out sa mga taong mahal nila ang musika, pero galit ang musika sa kanila.

"ITS MY LIFFFEEE! IT IS NOW OR NEVER, I DONT WANNA LIVE FOREVER!" Gusto ko ng ibato sa kanya ang songbook na hawak ko,

Depungal sya, bukod sa parang nagiingay nalang sya ay walang-wala na sya sa tono.

"ITS MY LIFE!!"

"TAMA NAAAA!" sigaw ko, tumingin sya sakin pero hindi sya huminto sa pagkanta, sa halip kinindatan pa nya ako na animoy sya na ang pinaka-gwapo at pinaka-astig na rocker sa mundo.

"ITS MY LIIIFFFFEEEE!! WOOOO!" Pagtapos nya sa kanyang kanta na ibinirit pa sa dulo na halos pumiyok-piyok pa,

Tapos biglang lumabas yung score nya na ikina-face palm ko.

100.

"Babe, kita mo 'yun? Sabi ko sayo e, magaling ako kumanta," tuwang-tuwa na sa pagmamalaki nya agad syang lumapit sakin at mabilisan akong hinalikan sa labi. Tapos nagtatatalon sya ulit sa tuwa.

"Wooo, naka-100 ako" sabi nya.

"Oo na, tama na yan, umuwi na tayo" sabi ko sa kanya, inakbayan nya ako saka ako hinalikan sa pisngi.

Langyang hinayupak na'to, iba din ang mga galawan e,

"Lets go Babe" nakangiti nyang sabi saka kami lumabas ng videoke room na'yun.

"Para kang tanga dyan" sabi ko ng mapansin kong naka-ngiti parin sya habang naka-akbay sakin.

"Masaya lang kasi talaga ako, bukod sa kasama kita, ay naka score ako ng 100 kanina" pagmamalaki nyang lubos.

"E, kung hiwalayan kaya kita ng mawala yang ngiti mo" pananakot ko dito.

Bigla nya akong hinalikan ulit sa pisngi ng mabilisan, nahimatay pa yung babaeng nakasalubong namin,nagpapa-cute kasi ito samin ni lucas, di ata makapaniwala.

"Yan ang hinding-hindi ko hahayaang mangyari" lakas loob nyang sabi na ikinatuwa ko naman.

Kumalas sya ng pagkaka-akbay sakin, at agad na hinawakan ang kamay ko at pinag-intertwined ito, kaya halos lahat ng makasalubong namin ay nakatingin samin ni lucas habang palabas kami ng mall na'yun.

"Ayan, sa sobrang panget mo kumanta, mukhang uulan pa ata" sabi ko sa kanya ng tuluyan na kaming makalabas ng mall, makulimlim na naman kasi yung kalangitan, at ano mang oras ay babagsak na naman ang ulan,

Nakakabanas nga ang buwan na'to e,puro nalang ulan.

Maya-maya pa ay, isang pink? Na van ang bigla nalang tumigil sa aming harapan, at lumabas doon ang limang armadong kalalakihan at bigla nalang kaming sapilitang isinakay sa loob ng van.

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon