Bakla 54

3.5K 155 57
                                    

Unedited

Harold's POV

Malamig na ang simoy ng hangin , napapa-akap nalang ako sa sarili ko sa sobrang lamig , nandito ako ngayon sa isang park naka-upo sa isa mga bench na nakalagay doon.

Hindi ko napigilang hindi mapa-luha ng maalala ko na naman ang biglang pagbabago ni lucas, tangina kasi e, parang kagabi lang nagpu-push up pa kami, tapos kinabukasan bigla nalang nangyari ang lahat ng ito.

Yoko na! Stress nya si ako.

"Harold?" Napalingon ako sa lalaking tumawag ng pangalan ko.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at agad akong lumapit sa kanya at agad syang niyakap ng mahigpit.

"Ang sakit diego" umiiyak kong sabi sa kanya habang naka-salampak ang mukha ko sa dibdib nya.

"We'll talk about it, tara sa bahay" sabi nya at agad naman akong sumama.

*****

Nakayuko lang ako habang pinapanuod na nag titimpla ng gatas si diego, hindi ko rin alam kung paanong napapanuod ko sya ng naka-yuko. Pauso din si author e.

"Here, drink it" inilapit ni diego sakin yung isang basong gatas na agad ko naman ininum.

Sarap, anong gatas kaya ito? Pero wala paring tatalo sa sarap ng gatas ni lucas, well if you know what I mean,

And speaking of lucas,

Muli akong napayuko at parang naiiyak ng maalala ko ang biglaang pagbabago ng pakikitungo  ni lucas sakin.

"So, what happened?" Tanong ni diego na nag paangat ng ulo ko.

"Di ko din alam e," sagot ko sabay inom ng gatas.

"Hindi mo alam?" Takang tanong nya, well ako din naman nag tataka e,

"Bigla nalang kasi syang nag-iba, hindi nya ako kina-kausap, hindi nya ako pinapansin, hindi na kami sabay kumain at may iba na syang kasama araw-araw, ang totoo hindi ko rin alam kung anong nangyari" mahaba kong sagot, sabay inom ulit ng gatas.

"Maybe you did something na nag patampo sa kanya, I know lucas, hindi yun basta-basta gagawa ng mga bagay na makakasakit sa kapwa nya kung hindi sya sinaktan" depensa ni diego sa depungal nyang kapatid.

Napa-irap ako, hinayupak, akala ko ako ang kakampian ng lalaki nato.

Saka, wala naman akong masamang ginawa na ikakagalit nya e,

Dahil ba sa tinulugan ko sya nung nag  pu-push up kami? Napaka babaw namana na rason 'yun.

"So, what's your plan?" Tanong sakin ni diego,

Natahimik ako.

Ano nga bang plano ko? Pipilitin ko bang kausapin si lucas? O hayaan ko nalang na mangyari ang lahat ng ito?

Napa-igtad ako ng biglang hawakan ni diego ang kamay ko dahilan para magka-tinginan kaming dalawa.

Akmang tatanggalin ko na sana ang kamay ko ngunit mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak dito.

"D-diego" nagtataka kong sabi.

"Harold, kung ayaw na-------" hindi na natapos ni diego ang kanyang sasabihin ng biglang may isang pamilyar na boses ang nagsalita mula sa aking likuran.

"Harold?" Napalingon ako at tama nga ako na boses iyon ni lucas.

"Lucas?" Agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya.

"Depungal ka, akala ko kaya mo na akong tiisin e" sabi ko na halos mangiyak ngiyak pa.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla syang kumawala sa mga yakap ko.

"May kukunin lang ako sa kwarto ko kaya ako nandito" sabi nya saka sya tuluyang umakyat ng kwarto nya.

Natulala ako sa sinabi nya, di ko na nga alam kong gumagalaw pa ako e, alam nyo yun? Yung unti-unting nadudurog yung puso mo?

Ano ba kasi talagang problema nya?

Umakyat ako agad ng kwarto nya para kausapin sya ng maayos, pag pasok ko agad kong nilock yung pinto.

Nagulat pa sya ng makita akong sumunod sa kanya.

"Lucas ano ba tong ka-shitan mo ha?" Bungad ko agad sa kanya habang umiiyak, ang shit lang, nag mumukha tuloy akong bakla dahil sa mga depungal kong luha.

"Ano bang sinasabi mo?" Sabi lang nya na mas lalong nag paiyak at nag pagalit sakin.

"Lucas, bakit ganyan ka na makitungo sakin ha? Bakit bigla kang nagbago?" Sabi ko sa kanya.

"I don't know what you're talking about" sabi lang nya habang nag liligpit ng kung ano-ano.

"Yung babaeng lagi mong kasama? Sino sya? Sya na ba yung pinalit mo sakin?" Diretsa kong tanong sa kanya, okay na rin malaman yung totoo diba? At least kung ayaw na nya, di wag ng ipilit.

"Sya ba yung bago mo?" Ulit kong tanong sa kanya ng di nya ako sagutin.

"Sumagot ka lucas! Sya ba?"

"OO! sya yung bago ko! Ano okay ka na?" Natahimik ako bigla.

Teka! Teka! Halla! Totoo ba?

Natawa ako ng hilaw.

Napapikit ng madiin saka yumuko,

Kasi tangina! Bigla-bigla?

"Okay?" Mahina kong sabi.

"Naiintindihan ko" sagot ko saka ko sya nginitian.

Lumapit ako sa kanya at bigla syang binigyan ng isang malakas na suntok na ikinatumba nya sa sahig.

"Kulang pa yang suntok na yan sa sakit na nararanasan ko ngayon" sabi ko sako ako lumabas ng kwarto nya.

Bumaba na ako ng hagdan ng bigla akong salubungin ni diego, pero hindi ko na sya pinansin pa.

Tuluyan na akong nakalabas ng bahay nila at agad na pumara ng taxi pauwi ng boarding house.

Pagka-uwi ko ng boarding, niligpit ko agad lahat ng mga gamit ko, ano pang rason para manatili dito?

Nakaka shit lang kasi talaga isipin e. Yung kinaumagahan pag gising ko bigla nalang nag bago ang lahat?

Inabot ako ng halos isang oras sa pagliligpit, bumuntong hininga muna ako bago ako tuluyang lumabas ng kwartong iyon.

Pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang bulto ni lucas.

Nanlaki ang mga mata nya ng makita ang mga bagahe ko.

"Teka! S-saan ka pupunta?" Takang tanong nya na ipinag taka ko din.

Tangina nito, matapos akong saktan magtatanong pa kung saan ako pupunta? E, kung suntukin ko kaya sya ulit.

"Aalis na,baka kasi gusto mong dito nalang din tumira yung babae mo" matigas kong sagot saka ako tuluyan ng lumabas ng kwartong yun.

LUCAS' POV

Shit! Hindi ko naman inaasahang aabot sa ganito ang lahat e,

Ano ng gagawin ko?

*******

A/N: sorry sa maikli at mabagal na update.

Sana maintindihan nyong busy din po ako.

Salamat parin po sa mga readers kong patuloy na sumusubaybay ng kwentong to.

Pasensya na po talaga kayo.

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon