Bakla 14

8.9K 365 20
                                    

Unedited

Harold's POV

"Koya! Koya!"

Kanina pa ako nagtitimpi sa papansin na'to, tinapik ko yung kamay nyang kanina pa sinusundot ang tagiliran ko,

Hinayupak sya, di ba nya alam na malakas ang kiliti ko doon? Ayan tuloy, medyo nekekeleg eke, pwe! Tunog bakla ako doon ah.

"Koya! Koya!" Sundot nya muli sa tagiliran ko.

"Hinayupak ka! Tigilan mo nga ako, kita mong nagrereview diba? Umayos ka nga, para kang bata" galit ko kunong sabi dito, naiinis parin ako sa kanya, ewan ko ba? Siguro kasi gusto kong e-ngud-ngod yung mga pagmumukha nila ni samantha sa toilet bowl. Mga pisti sila!

Tunog selos ba? Wuy, di ako nagseselos ah.

"May nag rereview bang baligtad ang libro?" Sabi nito,

Agad akong tumingin sa librong binabasa ko, ay Oo nga, bakit baligtad to?

"Lakampake! Ganito talaga mag review ang mga gwapo" sabay belat ko dito, itinuon ko ang pagbabasa sa baligtad kong libro, kailangan kong ipakita sa kanya na nagre-review ako kahit hindi naman talaga.

"Tss! Bibili lang ako ng makakain natin sa labas, " paalam nito sakin,

Hindi naman na ako sumagot pa kaya tuluyan na syang lumabas ng pintuan.

Isinara ko ang libro, hinayupak! Muntik pa akong maduling sa kababasa ng baligtad na libro. Yang lucas na kasi na'yan e, masyadong epal.

Nangalumbaba ako sa mesa,

Hays, naguguluhan na talaga ako, hindi ko alam kong pinaglalaruan lang ba ako ni lucas or seryoso ba talaga sya sakin.

Oo na, inaamin ko na, may gusto na ako kay lucas, mag seselos ba ako kung hindi? Pero uy, di ako bakla ah, consistent kasi ako sa title.

At dahil wala naman ng kwenta ang pagrereview ko kuno, ay minabuti kong maligo nalang habang hinihintay kong maka-balik si lucas.

Alas syete na ng gabi kaya mabilisang pagligo lang ang ginawa ko, after mga 20 minutes ay natapos narin ako,

Nahiga muna ako sa kama ko habang hinihintay syang bumalik,

30 minutes na wala parin sya, ano yun sa america pa ba sya bumili ng pagkain namin? Halos tinminits lang naman ang layo ng karinderya nila aling loka mula sa boarding namin ah?

Hays, pinag-hihintay ba nya ang gwapong tulad ko? Aba't isa iyong kalabisan.

Kinuha ko ang jacket ko saka ito sinuot, susundan ko nalang sya, baka kasi 100kls yung bigat ng pagkaing bitbit nya at di nya kayang buhatin.

Wala na masyadong tao sa labas, tanging mga nakabukas na street light nalang ang nakaka-agaw pansin ngayong gabi, bukod kasi sa mahina na ang mga ilaw, may patay-sindi pang ilaw, kaya ang sobrang creepy tuloy, feeling ko mag-isa ko nalang sa mundong ito.

Napayakap ako sa  sarili ng biglang umihip ang malamig na hangin,

Pero imbes na matakot, ay pinagpatuloy ko ang paglalakad.

Nakarating ako sa karinderya ni aleng loka, "manang, galing po ba si lucas dito?" Tanong ko kay aleng loka, kilala nya na kasi kami ni lucas bukod sa dito kami laging bumibili ng pagkain, ay ubod din kami ng kagwapuhan, kaya't mahirap kaming kalimutan. Puta! Bakit ba ang gwapo ko?

"Oo, galing sya dito, pero kanina pa sya naka-alis ah, hindi pa ba naka-uwi?" Bigla akong kinabahan sa sinabi ni aleng loka,

Anong kanina pa? E, kanina ko pa nga sya ina-antay e,

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon