Bakla 62

2.8K 107 3
                                    

Unedited

Warning: This chapter is sabaw. Kung ayaw mo ng sabaw. You can skip this chapter and wait for the next intense chapter huehue😂

*****

Diego's POV

Pareho kaming napalingon ni alyana ng biglang bumukas ang pintuan. At iniluwal nun si lucas na parang wala sa sarili. Pula rin ang kanyang mga mata na halatang kakagaling lang sa pag-iyak. Napakunot noo ako at nagkatinginan pa kami ni alyana.

"what happened? Where is harold?" tanong ko agad.

Malakas ang kutob ko na may nangyaring hindi maganda. Lucas' look so devastated right now.

Nakaramdam ako ng awa ng mag-umpisang yumugyog ang kanyang mga balikat at nag-umpisang umiyak.

Nakatitig lang ako sa kapatid ko habang patuloy sa pagbuhos ang kanyang mga luha.

"A-alam na ni harold lahat... At isa lang ang pinaniniwalaan nya... Y-yun ay, ... G-ginamit ko daw siya" mas lumakas pa ang pag-iyak ni lucas.

Agad namang umupo si alyana sa tabi nya at agad syang niyakap.

Napayuko ako. Kamusta na kaya si harold? Sigurado akong mas nasasaktan 'yun sa lahat ng kanyang mga nalaman.

"saan ka pupunta, diego?" napalingon ako kay alyana ng bigla itong magtanong.

"may pupuntahan lang ako" sagot ko saka ako lumabas ng pintuan.

Hindi pa ako nakakalayo ng biglang marinig ko ang boses ni alyana sa aking likuran na ikinalingon ko ulit.

"pupuntahan mo si harold. Tama ba ako?" tanong nito. At bakas sa mukha nya ang galit.

"O-oo, bakit?" tanong ko.

Natawa sya ng bahagya. "diego mas kailangan ka ng kapatid mo ngayon. Sa kanilang dalawa si lucas ang mas nasasaktan!" galit na sabi nito sa'kin.

"Y-you can comfort him" utal na sabi ko. Medyo nagtataka kasi ako sa mga ikinikilos ni alyana.

Tinitigan lang nya ako."Aalis na ako" paalam ko saka ako tumalikod. Hindi pa ako nakakagawa ng hakbang ng bigla syang magsalita na ikinalaki ng mga mata ko.

"M-mahal kita diego" hindi ako agad nakakilos sa sinabi niyang iyon.

Narinig ko pa ang kanyang pagtawa na may kasamang paghikbi.

"Kailan ba nag-umpisa 'tong nararamdaman ko sa'yo? Di ko na nga maalala e, sobrang tagal na kasi. Sobrang tagal na kitang mahal" napayuko ako. Pero di ko parin sya hinaharap.

"alam mo ba ang dahilan kung bakit mas pinili kong makulong si Dad? Dahil ayaw kong makasal kay lucas. Dahil sa'yo diego. D-dahil mahal kita. I sacrificed everything and hoping na baka makita mo rin ako. Na baka maramdaman mo ring nandito ako na nagmamahal sa'yo." lumakas na ang kanyang bawat paghikbi.

Na-guilty ako sa mga sinabi niya. All this time, lahat pala ng mga sacrifices na ginawa nya ay para sakin.

Natawa ako ng bahagya. Ganon na ba ako ka-manhid?

"pero hanggang ngayon si harold parin pala ang laman ng puso mo" sabi niya na ikinayuko ko.

"araw-araw iniisip ko. Sige lang alyana. Gawin mo lang ang tama. Bukas makikita rin ng taong mahal mo ang halaga mo. Bakit diego? B-bakit si harold parin? Ano bang meron kay harold? At patay na patay kayong magkapatid sa kanya?" huminga ako ng malalim saka ko sya hinarap.

"alyana. Magpahinga ka na muna" sabi ko. Alam ko emotional lang sya dahil sa nangyari sa pamilya niya.

Natawa siya ng bahagya tapos bigla nalang syang napa-upo at umiyak ng umiyak.

"ang tanga ko. B-bakit ba ang tanga ko?" sabi nya na mas lalong nagpabigat ng dibdib ko.

"I'm sorry, 'di ko alam" ang tangi ko nalang nasabi.

Tumayo sya habang patuloy parin sa pagbuhos ang kanyang mga luha.

"You can go now, puntahan mo na siya" mahina nyang sabi. Tapos tumalikod na sya at muli ng bumalik sa loob.

Napapikit ako ng madiin. Ganon na ba ako ka-manhid pag dating sa ibang tao? Ganon na ba ako katanga pagdating kay harold? To the point na di ko na mapansin ang ibang tao sa paligid ko?

Napasandal ako sa wall at napa-upo.

*****

Harold's POV

Napapikit ako ng mata ng humampas sa katawan ko ang malamig na simoy ng hangin mula dito sa veranda ng aking kwarto.

Napabuntong hininga ako. Tapos narin akong umiyak. Pero hanggang ngayon napakabigat parin ng dibdib ko.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa lahat. Ginamit at niloko lang pala ako.

Natawa ako ng bahagya sa aking mga isipin.

Kailan kaya yung panahong mamahalin naman ako ng buo? Lagi nalang akong nagagamit, at lagi nalang akong iniiwan.

Bahagyang napalingon ako sa labas ng gate. Nagulat ako ng makita ko ang isang taong nakatingin din sa kinatatayuan ko.

Anong ginagawa n'ya dito?

Agad akong lumabas ng bahay para puntahan s'ya. Pagka-bukas ko ng gate ay tumambad sa'kin ang naga-alala n'yang hitsura.

"D-diego?" banggit ko sa pangalan nya. Lumapit ako ng bahagya sa kanya. Saka s'ya tinanong. "A-anong ginagawa mo dito? Gabi na a?" sa halip na sumagot sya sa mga tanong ko. Ay agad n'ya akong niyakap ng mahigpit na ikina-gulat ko.

"Are you okay?" tanong nito sa'kin.

Kinalas ko ang mga bisig n'yang naka-akap sa'kin.

"Hindi ako okay diego, pagkatapos ng mga nalaman ko?" diretsahan kong sagot dito na ikina-yuko lang n'ya.

"I'm sorry" mahina nitong sabi.

"tapos na e, ano pa bang magagawa ko?. Niloko n'yo akong lahat. Pinakita n'yo sa'kin na ayos lang ang lahat. Pare-pareho lang kayo diego. Pareho lang kayo ng kapatid mo" may galit na sabi ko dito.

Wala s'yang nasagot sa mga sinabi ko kaya nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Umuwi ka na. Gabi na. Gusto ko na munang mapag-isa at magpahinga" sabi ko ilang saglit pa. Tumingin s'ya ng diretso sa mga mata ko.

"I know its a wrong timing to say all of this harold. But I still loved you. 'di ka nawala dito sa puso ko. Araw-araw uma-asa parin akong tayo parin hanggang huli." sabi nito na di ko na ikina-bigla pa.

"alam ko" walang buhay kong sabi. "alam ko diego. Pero kahit alam ko 'yun. Si lucas parin ang pinili ko, kasi ganon ko s'ya ka-mahal. Pero anong ginawa n'ya? Anong ginawa n'yo sa'kin? Sinaktan n'yo ako at pinag-mukha n'yo akong tanga!" galit na wika ko. Pinilit kong 'wag maiyak sa harap n'ya. At nag-tagumpay naman ako.

"kaya please diego. Umuwi ka na. Ayoko muna kayong makita" wala na akong pakialam kahit masaktan man sya sa mga sinabi ko. Dahil ganon din naman ako.

Tumalikod na s'ya at nag-umpisa ng humakbang palayo. Hanggang sa marating n'ya ang kanyang sasakyan saka nya ito pinaharurot ng mabilis.

Agad akong napahagulhol ng iyak matapos maka-alis ni diego.

Umiyak na naman ako.

Bakit ako 'yung napili sa gan'tong sitwasyon?

Ilang minuto pa akong nag-stay sa kina-tatayuan ko. Hanggang sa naisipan ko naring pumasok sa loob at mag-pahinga.

*********

Nagustuhan n'yo ba ang sabaw na'to? Haha.

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon