Bakla 43

3.8K 225 23
                                    

Unedited

Harold's POV


Nandito ako ngayon sa labas ng 7/11 naka-upo sa isa sa mga bench na nakalagay sa harap ng store na'to, syempre mas pinili ko ring tumambay dito dahil free wifi mga dre, kaso saka lang nila ibibigay ang password kapag may bibilhin akong something sa kanila,

Bumili lang ako ng slurpee na regular size tapos isang chichirya, tapos ayon hiningi ko na yung password, depungal pa nga e, super pa-cute pa sakin yung babaeng nag bigay ng password.

Pero ang totoo talaga ay hinihintay ko na naman si lucas mula sa kung saan man sya galing, tinext ko sya kanina na dito nya ako susunduin sa 7/11 na malapit sa school namin,

Isang araw at kalahati kasi syang nawala dahil nahospital daw si mama nya dahil nalaglag daw ito sa ikalawang baitang ng hagdan.

Ghad! Two steps palang ng hagdan hospital agad? Hays, mga mayayaman nga naman o,

Habang hinihintay ko si lucas ay nag-open muna ako ng facebook ko, shocks! May facebook pala ako? Hanep! Add nyo ako Harold Santaigo WP.

2,000 friend request at 3,776 notifications, diba? Sabi sa inyo e, peymus ako.

Karamihan sa mga notifications ko ay mga likes at comments sa profile kong naka-topless lang na nag selfie sa cr matapos kong mag work out way back 2016.

3.8k likes at 1.5k comments tapos my 77 shares pa? Hanep! Ako na talaga!

Matapos kong mag-scroll ng mga walang kwenta kong news feed ay isang napakatalinong ideya ang pumasok sa utak ko.

Tangina! Di ko pa pala friend yung depungal na lucas na'yon.

Sinearch ko yung name nya, Lucas Linton WP. Add nyo din daw sya.

Kaso ang lumabas ay Lucas Samonte Linton.

Siguro ito na sya, kasi kita ko yung profile nya e, naka-damit sya ng v-neck shirt na kulay gray tapos sa fitting room sya nag selfie, hanep!

Tinignan ko yung mga likes nya.

5k likes at 3.7k comments at 356 shares?

So mas peymus pa sya sakin? Noooooo! Hindi maaari to.

Hinayupak na'yon, ma-add nga.

Nagulat ako ng makita yung mga suggested friends,

Alyana Zamora.

Diego Samonte Linton.

Teka? Ano to?

Base sa mga profile nila sina alyana at kuya diego to, ibig sabihin friends sila sa peysbuk? Hanggaling,

Pero natigil ako ng mabasa ko ulit yung pangalan ni kuya diego.

Diego Samonte Linton?

Tapos binasa ko din yung name ni lucas,

Lucas Samonte Linton.

Napatigil ako saglit.

Shit!

Wag mo sabihing mag ama sila? Char!

"Samonte linton?" Ang lumabas sa bibig ko.

Nag-isip ako ng mabuti, pina-singkit ko pa lalo ang mga singkit kong mata na wari'y ay ipinag-tatagpi-tagpi ang bawat pangyayari kung saan makaka-buo ako ng isang kasagutan.

Matagal na akong may kutob na magkapatid nga itong si lucas at kuya diego,

Tama nga ang kutob ko na mag kapatid silang dalawa, sabi ko na nga ba e, kasi magka-hawig sila pero mas gwapo si lucas ko syempre, tapos yung spicy chicken adobo na luto ng mama ni lucas at yung spicy chicken adobo na bigay sakin ni kuya diego nung kasagsagan ng midterm exam ay iisa ang lasa, yun pala iisa lang sila ng nanay?

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon