Bakla 45

3.5K 190 21
                                    

Unedited

Harold's POV

King ina, gumawa pa ng kwento ang depungal na'to.

"Kuya diego is your ex-boyfriend"

Pota, di ko tuloy maiwasang hindi mag mura, hinayupak ang pota, o yeah! Pag mumura is life.

Depungal, anong pinag-sasabi nyang ex ko si kuya diego?

"Gina-gago mo ba ako? Ha lucas?" Badtrip kong sabi dito, grabe di ako makapaniwala, pinag-lihiman na nga nya ako tapos gagawa pa sya ng kwento,

"Totoo ang sinabi ko harold, sa ngayon ay may amnesia ka kaya hindi mo maalala ang lahat, kaya ko itinago sayo na kapatid ko si kuya diego dahil natatakot ako na,...." Pinutol nya ang kanyang sasabihin at saka yumuko.

"Na baka, pag naalala mo sya, ay baka iwanan mo lang ako" nakayuko nyang sabi.

Napatawa ako sa sinabi nya saka ako napahilamos sa mukha.

Dafak!

Si kuya diego ex ko? Tapos may amnesia ako? Edi shing. Depungal na'to,  dami-daming sinasabi.

Di ko nalang sya pinatulan at nag-umpisa nalang akong maglakad pauwi.

"Harold, sandali!" Sigaw nya sakin ramdam kong hinabol nya ako hanggang sa yakapin nya ako bigla mula sa likod ko dahilan para matigil ako sa paglalakad. Ayon, hanggaling!

"Harold, please, ayusin natin to, sorry talaga kung naglihim ako sa'yo, pero totoo lahat ng mga sinabi ko, natatakot ako na baka mawala ka sakin, mahal na mahal kita harold" sabi nya habang umiiyak.

"Let's fix this Babe, ayaw kong magtapos tayo sa ganito" dugtong pa nya, napa-ikot ako ng mata na labis kong ikina-gwapo.

Hinayupak na'to, sino bang nagsabi sa kanyang magtatapos na kami? Di ba pwedeng nagtatampo lang talaga ako kaya ako nag dadrama?

At dahil nga nag tatampo ako, tinanggal ko ang mga kamay nyang naka-akap sa bewang ko saka ako nag-umpisang maglakad, patawid ako sa kabilang daan ng di ko napansin ang isang sasakyan na mabilis ang patakbo habang mabilis din itong papalapit sakin.

"HAROLD!!" dinig kong sigaw ni lucas

Napa-pikit ako sa takot, at hinintay nalang ang pagbangga sakin ng depungal na sasakyan na'to, nako! Lintek lang ang walang ganti, mumultuhin kita forever, hinayupak ka!

Ngunit naramdaman ko nalang na may biglang yumakap sakin at tila ba lumipad ng bahagya ang aking katawan at nagpagulong-gulong ako sa daan.

Ramdam ko ang sakit ng katawan ko mula sa pag-gulong-gulong pero hindi sya ganon kasakit dahil may isang bisig na nakayakap sakin at umalalay sakin mula sa pag-gulong-gulong.

Ramdam kong ligtas na ako pero nakapikit parin ako sa sobrang takot.

"A-are you O-okay? B-babe?"

Napamulat ako ng marinig ang boses ni lucas,

Bumungad sakin ang nakangiti nyang mukha habang naka-ibabaw ako sa kanya, nakita ko rin ang dugo mula sa noo nya, gawa marahil ng pagligtas nya sakin.

"Ayos lang ako" naiiyak kong sabi,

Nginitian nya ako, "I'm happy that you're okay" mahina nyang sabi hanggang sa bigla nalang syang nawalan ng malay.

"Ay shit!" Bulalas ko.

Umupo ako saka sya niyugyog-yugyog.

"Lucas, gumising ka! Hinayupak ka! Gumising ka! Isa!" Sabi ko dito na umiiyak.

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon