Bakla 50

3.6K 196 59
                                    

Undited

LUCAS' POV

Shet!

Bakit ba ang tagal bumili ni harold ng soy sauce? Wag mo sabihing binili na nya yung buong store?

Hays, masundan na nga.

Sa di kalayuan ay nakarinig ako ng mga wangwang ng mga pulis, agad naman akong kinabahan sa mga isiping baka na sa loob ng store na'yun si harold.

Pagpunta ko sa store ay nag sisilabasan na ang lahat ng mga tao , marahil natapos na kung ano man ang masamang nangyari.

Pumasok ako sa store para hanapin si harold

"Harold!" Sigaw ko.

"BABE!"

Hinanap ng mata ko kung saan man sya naroroon hanggang sa makita ko sya malapit sa counter na naka-upo habang hawak-hawak nito ang kanyang ulo.

"Harold? Fuck!" Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan sya sa braso.

"Babe? Are you okay?" Alalang tanong ko dito.

"Babe, mag salita ka, are you okay?"

Tanong ko ulit dito, pero nakatingin lang sya sakin habang patuloy ang pag tulo ng kanyang mga luha.

Ano bang nangyayari?

"Babe? Please mag salita ka, nasaktan ka ba?" Naiiyak ko ng tanong sa kanya.

Binigyan nya ako ng isang ngiti hanggang sa tuluyan na syang mawalan ng malay.

*****

Dalawang oras na akong naka-upo dito sa sofa, habang pinagmamasdan ang natutulog na si harold sa hospital bed.

Kinakabahan ako hanggang ngayon.

Ano bang nangyari sa kanya kanina? Bakit sya umiiyak? Bakit sya nawalan ng malay?

Bigla syang gumalaw ng bahagya kaya agad-agad akong lumapit sa kanya.

"Babe? Babe? Ako to si lucas? Are you okay?" Tanong ko dito.

Nagkatinginan kaming dalawa, napangiti ako ng muli ko na naman syang nasilayan.

Di lang nya alam kong gaano ako natakot para sa kanya kanina.

"Nagugutom ka ba? May masakit ba sayo?" Tanong ko dito pero nakatingin lang sya sakin.

"Sabihin mo lang kung gutom ka na at iku--------"

"Si diego? Nasaan si diego? Lucas?" Parang huminto ang mundo ko ng bigla nyang hanapin sakin si kuya diego.

At bakit diego nalang ang tawag nya?

Pinilit kong ngumiti kahit parang madudurog na ang puso ko.

"Ha? Di ko alam e, bakit mo ba sya hinahanap?" Malumanay kong sabi dito.

"Lucas, kailangan kong makita si diego, kailangan ko syang maka-usap"

Tuluyang nawala ang mga ngiti ko dahil sa sinabi nya, wag mo sabihing naalala na nya ang lahat?

"Lucas, naaalala ko na ang lahat" umiiyak nyang sabi.

Natulala ako, pero di ko napigilan ang mga luha ko sa pagbuhos.

Naaalala na nya?

Paano na ako?

Ibig sabihin si kuya diego na ang pinipili nya?

Umatras ako ng bahagya palayo sa kanya.

"Ano, saglit, tatawagan ko lang sila" sabi ko saka ako tumalikod at lumabas na ng kwartong iyon.

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon