Bakla 29

5K 213 15
                                    

Unedited

Harold's POV

~ Say you won't let go.

~ Say you won't let go. . Ohhhh,

Nagising ako hindi dahil sa ganda ng kanta, bukod kasi sa wala na sa tono ay napaka-panget pa ng boses, boset!

~ Say you won't let go.

~ Say you won't let go. . Ohhhh,

"Tangina! Titigil ka O sasapakin kita?" Irita kong sabi sa kanya na ikinatigil naman nya sa pagkanta,

Kasi seriously? Wala ba talagang talent ang lalaking 'to? Kahit simpleng step ng zumba di pa nya masundan,

"Kamusta na ang pakiramdam mo Babe" alalang tanong nito sakin, kinapa nya pa ang noo ko at leeg ko.

"Di ka na masyadong mainit, sa tingin ko okay ka na" o edi sya din ang sumagot sa sarili nyang tanong, hinayupak na'to.

"Alas dose na, bakit di ka pa natutulog? Saka bakit nandito ka sa kama ko?" Sabi ko dito.

"Binantayan kasi kita, para makatulog ka" sabi nya na ikinakilig ng kaloob-looban ko. Sorna! Di kasi ako showy.

"Pero ginising mo naman ako dahil sa panget ng boses mo" asar ko dito saka ko sya biglang niyakap, at ginawang unan ang dibdib nya.

"Ha? Panget ba? Bakit sa videoke laging 100 score ko?" Natawa ako sa sinabi nya, like seriously? Ako nga na, ehem,ehem, hindi sa pagmamayabang, pero kung 'yun ang sa tingin nyo, bahala ka'yo, kahit ako na magaling kumanta, nakaka-score pa ako ng 78 e, hanep!

"Hindi maganda ang tawag doon, maingay" asar ko sa kanya.

"ganon? Maingay pala ah" sabi nya,

Nagulat nalang ako ng bigla nyang iangat ang ulo ko at siniil ako ng halik.

Magkalapat ang aming mga labi, hanggang sa unti-unting gumagalaw ang kanya na sa di kalaunan ay sinabayan ko rin ang bawat kumpas nito.

Nagtagal ng ilang minuto ang halikan naming iyon ng bigla syang tumigil at tumingin ng diretso sa akin.

"I love you, Harold Santiago" nakangiti nyang sabi sakin habang titig na titig parin sya sa mga mata ko.

"Mahal na mahal din kita, Mr.Lucas Linton" sabi ko saka ko sya binigyan ng mabilisang halik.

"Tulog na tayo" sabi ko, saka ako muling nahiga sa dibdib nya, habang sya ay nakayakap sakin.

*****

School. . .

"Hi harold? Hi lucas?" Bati ng mga nakaka-salubong namin sa hallway ng department namin.

"They're so cute" dinig kong sabi pa ng isang babae.

Tinignan ko si lucas na nakangiti lang, marahil natutuwa sya sa mga naririnig nya,

Napatingin ako sa kamay naming magkahawak, napangiti ako, kaya siguro matibay ang samahan namin dahil hindi kami takot na ipagmalaki ang isat-isa sa madla, hindi gaya nung mga character sa "He's My Boyfriend" nasi Harvard, deneny nya si arci sa harap ng maraming tao, try nyo daw basahin 'yun, akda din yun ng baliw na author nasi HurryZone.

Pumasok kami ng unang subject namin na wala pang masyadong tao, nakita ko si pia na nakaupo sa isang gilid habang nangungulangot.

Napangiwi ako, shocks! Kababaeng tao, pero mas napangiwi pa ako ng bigla nyang ipunas ang daliri nya sa likod ng kaharap nya.

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon