Bakla 31

4.7K 222 36
                                    

Unedited

Harold's POV

Walang kukurap,

Walang kukurap,

Tangina, kailangan kong magtiis para sa ikakaunlad ng pilipinas Lol!

Kahit masakit na kailangan kong panindigan to, kailangan kong ipanalo to.

Walang kukurap,

Tang ina, Masakit na talaga, sobrang hapdi na,pero ayoko, hindi dapat ako matalo, kailangan kong tiisin ang lahat.

Tang ina,

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon kaya nating manindigan, hindi sa lahat ng pagkakataon kaya nating lumaban, hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan nating ipakita sa lahat na malakas tayo, na kaya natin kahit sobrang sakit na,

Kung Masakit Na, Tama Na (New story ko po, Soon)

Kung masakit na, Tama na, kung di mo na kaya tumigil ka na, ayos lang ang umiyak, ayos lang ang madapa , hindi porque natalo ka na, hindi porque sumuko ka na ay ikaw na ang pinaka-duwag na nilalang sa mundo, ang pagsuko hindi ibig sabihin ay talo na tayo, minsan kailangan narin nating sumuko dahil yun ang tama, sumuko ka na kong masakit na, sumuko ka na kung di mo na kaya,

Sumuko ka hindi dahil mahina ka, sumuko ka kasi alam mong malakas ka at mas pinili mong wag nang mahirapan, at masaktan pa, ang pagsuko ibig sabihin ay isang pakikipag-laban.

"Yehey, you lose Babe"

Tuwang-tuwa nyang sabi saka nya ako hinalikan sa labi, napahawak naman ako sa mga mata kong maluha-luha na sa hapdi.

Tang ina naman kasi, naglaro kami nitong si lucas nang walang kukurap, ang sinumang kukurap ay hahalikan, pero ang twist, kung sino man ang hindi kukurap ay ibig sabihin mas pinapatunayan naming mahal namin ang isat-isa,

Kaya yan ang dahilan kung bakit ayaw kong kumurap, gusto kong ipakita kay lucas na mahal na mahal ko sya,

Kaso wala e,

Kumurap parin ako,

Tang ina nyo, kayo kaya ang sumakit ang mata?

O diba? Walang kukurap lang ang laro namin,kung makapag-hugot naman ako napaka-lalim.

Anyways,

"Ang daya mo naman e, nilalakasan mo yung paghinga mo para humapdi yung mata ko" reklamo kay lucas na ngayon ay nakatayo sa harap ko habang sumasayaw ng wala sa beat.

"Tanggapin mo nalang na mas mahal kita" nakangiti nyang sabi.

Syempre napangiti rin ako, sinong hindi?

Hays, tatlong araw na ang lumipas simula nung mangyari yung tangkang pangingidnap samin.

Pero hanggang ngayon bumabagabag parin sakin yung boses na pumasok sa isipan ko nun.

Ano kaya 'yun?

Isa kaya yun sa mga ala-ala ko na hindi ko na maalala?

Isa kaya yun sa mga ala-ala ko na pilit ko ng kinalimutan?

"Love, mahal na mahal kita"

Love?

Ibig sabihin may kasintahan ako dati? At isang lalaki rin?

Nako imposible,

Ngayon lang ako nag-mahal ng lalaki, at si lucas lang 'yun,

Pero ano yung mga boses na'yun? Kanino ang boses na'yun?

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon