Bakla 39

3.5K 158 13
                                    

Unedited

Harold's POV

"Lucas sandali!" Pigil ko sa kanya ng maka-labas na kami ng Mclibee restaurant na'yun.

Hinawakan ko ang braso nya para pigilan sya sa pag-lalakad.

"Lucas mag papaliwanag ako" sabi ko sa kanya,

Galit naman s'yang lumingon sakin " pabayaan mo nga ako, bumalik ka na doon sa loob, makipag-date ka doon sa samuel santillian na'yun" sabi nya saka sya muling tumalikod at nag umpisa na namang humakbang.

Hays naman,

"Lucas sandali kasi, hindi ko naman ginusto 'yun e," sabi ko habang habol-habol ko sya, king ina, bakit ba kasi ang bilis nyang maglakad?

"Lucas sandali lang!" Tawag ko ulit sa kanya pero di parin nya ako nililingon.

Asar naman oh,

"Luc---A-aray! Aray ko po! Awww! Help ang sakit!" Kunwaring daing ko sa sakit baka sakaling lingunin na nya ako, kaso diretso parin sya sa paglalakad.

Kahit hingal na ako, no choice na ako kundi ang habulin sya para makapag-paliwanag,

Si samuel naman kasi e, may pakidnap-kidnap pang nalalaman sakin.

Buset talaga!

****

"Lucas mali 'yang iniisip mo!" Sigaw ko sa kanya,

Dito na kami ngayon sa boarding house at nagtatalo kami sa loob ng aming kwarto ukol sa naganap na pangyayari kanina.

"Anong mali ng iniisip? Wag mo ako gawing tanga harold!" Sigaw din nya pabalik sakin.

"Mali ka naman kasi talaga e, sapilitan akong isinama ng mga kaibigan ni samuel para makasama nya ako sa dinner nya 'yun lang 'yun!" Nabu-bwisit na ako, kanina pa ako nagpapaliwanag sa kanya, alam kong nagseselos sya pero sana pagkatiwalaan naman nya ako.

"Yun na nga, pinilit ka na ngang makipag-dinner sa kanya pero di ka manlang nagalit, sa halip tuwang tuwa ka pa. Bakit? Kasi inenjoy mo rin?"

Gusto ko sana s'yang suntukin mabuti nalang at nakapag-pigil ako.

Huminga ako ng malalim at pumikit ng madiin.

"Okay, kung 'yan ang gusto mong paniwalaan wala akong magagawa" sabi ko sa kanya sa malumanay na tono,

Sabay talikod para humiga na sa kama ko.

"Ganyan, d'yan ka naman magaling e! Ang talikuran ako at ang mali mo!" Napahinto ako sa sinabi nya.

Tss! Ako pa ang maling-mali ngayon?

Pumikit ako at naramdaman ko nalang 'yung pag bagsak ng luha ko.

Kasi naman e, ito 'yung kauna-unahang pag-aaway namin ni lucas na sobrang nag selos talaga sya, Oo inaamin ko masaya ako pag nagseselos sya, pero ngayon sobra akong nasasaktan kasi hinuhusgahan ako.

Humarap ako sa kanya at halatang nabigla sya ng makitang umiiyak na ako.

"E, ano pa bang gusto mong ipaliwanag ko?" Nag crack yung boses ko.

"Diba sabi ko sa'yo, pinilit lang ako? Oo, tumatawa ako ng mga oras na'yun but as a sign of respect, kahit nung mga time na'yun gustong-gusto ko ng suntukin 'yung samuel na'yon, pero nirespeto ko sya, kahit ikaw 'yung nasaisip ko nun," pinunas ko yung luha ko.

"Ayos lang naman lucas kahit wag mo akong paniwalaan e, pero sana lang wag mo akong husgahan"

Natahimik sya sa mga sinabi ko,

Tumalikod na ako para mahiga na sa kama ko ng bigla kong maramdaman ang mahigpit nyang pagyakap mula sa likod ko.

"I'm sorry Babe, ayaw kong nakikita kang umiiyak, I'm sorry" sabi nya habang naka-patong ang kanyang baba sa balikat ko.

"Ikaw naman kasi e" drama ko naman kuno.

Iniharap nya ako sa kanya saka nya hinawakan ang mukha ko.

"Sorry Babe, nag selos lang kasi talaga ako, alam mo naman kung gaano kita kamahal diba?" Sincere nyang sabi sakin habang haplos-haplos ang mukha ko.

"Diba sabi ko naman sa'yo, wala ka dapat pagselosan? Ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yo na, Iqhaw Lhanq Sh4p4t nH4" jumejemon ko pang sabi sa kanya.

Saka ko sya mahinang sinuntok sa braso na mas lalong ikina-ngiti nya.

"Gago ka e, pina-iyak mo ako" sabi ko sa kanya saka nya ako niyakap ng mahigpit.

"Sorry na po Babe, simula ngayon, di na ako mag seselos, dahil alam kong ako lang ang mahal mo, sorry for making you cry, I won't let it happen again" sabi nya habang magka-yakap kaming dalawa.

Third Person's POV

"Successful ba ang ginawa mong plano?" Ani ng isang ginoo kay samuel,

Napangisi naman si samuel sa utos ng kanyang boss.

"Yes, boss, sigurado ako sa mga oras na'to ay nag aaway na ang dalawang couple na'yun" sagot nya sa kanyang boss.

"At di magtatagal magiging akin ka narin harold" ang nai-satinig na samuel sa kanyang isip.

"Magaling kong ganon, ipag-patuloy mo 'yang ginagawa mong paninira sa kanilang relasyon, at nang saganon mas mapapadali natin ang isang kasalang magpapalakas sa aming angkan" sabi ng ginoong may imaginary balbas.

Samantala. . .

"Shit! Sino na naman yung samuel santillian na'yun? Bakit ba ume-epal kay harold 'yun?" Labas ni diego ng kanyang hinaing sa kababatang si alyana.

"Tauhan sya ni Dad, at sa tingin ko may plano sila para masira ang relasyon ng dalawa, at sa tingin ko rin sina dad din ang dahilan ng mga kapahamakang nangyayari kay harold, pero sa ngayon wala pa akong proweba" mahabang paliwanag ni alyana sabay inom ng alak na itinagay ni diego sa kanya.

"So you mean, your dad is making some plans to ruin their relationship at nang saganon, mapadali ang kasal nyo?" Natawa ng bahagya si diego sa kanyang conclusion,

"Tama ka" sagot ni alyana.

"Kung ganon, mas pabor sakin ang nais ng daddy mo" sabi ni diego na sabay labas ng isang ngisi.

"Fuck! Ano bang problema mo?" Asar na tanong ni diego kay alyana ng bigla nalang syang batukan ng dalaga.

"Will you please stop sounding like you are the villain here, lumaban ka ng patas sa kapatid mo, kung mahal mo si harold, kunin mo sya sa magandang paraan" makabuluhang sabi ni alyana, pero para kay alyana masaya syang nakikitang masaya sina lucas at harold, ang dalangin lang nya, ay sana malagpasan ng dalawa ang mga pagsubok na darating sa kanila.

"Hindi mo ako masisisi alyana, matagal kong hinanap si harold, at masakit sakin na ngayon ay hindi na nya ako maalala dahil sa nangyari, at ang mas masakit, ay yung mas pinili nyang kalimutan ang lahat habang ako umaasa paring maibabalik ang lahat sa dati" malungkot na saad ni diego.

Naiintindihan naman ni alyana si diego pero di nyo masisisi si alyana kung maka #TeamBabe sya.

******

A/n: Sorry sa maikling update. Promise! Bawi ako sa next chap!

Dont forget to vote and please comment!

Gamsahamnida!

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon