Bakla 44

3.5K 180 16
                                    

Unedited

Harold's POV

Isinabit ko sa likod ng pintuan ang backpack ko, saka ko agad na tinanggal ang sapatos ko at agad na nahiga sa kama.

Napabuntong hininga ako ulit.

Masyado akong nadismaya sa mga nalaman ko ngayong araw, hindi ko matanggap na nagawa akong paglihiman ni lucas,

Ang hindi ko lang lubos maisip kong bakit kailangan pa nilang ilihim ang lahat sakin, di ko magets yung nais nilang puntuhin.

Napalingon ako ng bumukas ang pintuan nun at iniluwa ang bulto ni lucas.

Nagkatitigan kaming dalawa pero agad ko rin s'yang inirapan,

Nababanas talaga ako sa kanya.

Lumapit sya sakin at umupo sa kama ko saka nya hinawakan ang kamay ko na tinabig ko naman agad saka ko sya tinalikuran.

"Babe, I am so sorry, hindi ko naman ginustong mag lihim sa'yo e" sinsero n'yang sabi na ikinatawa ko lang lalo sa inis.

"Di ginusto? Lokohin mo lelang mo, depungal ka" galit kong sagot dito.

Naramdaman kong humiga sya sa tabi ko at agad akong niyakap mula sa likod ko, ang hinayupak na'to, nag lambing pa!

"Babe, sorry na please, sasabihin ko rin naman talaga sa'yo e, humahanap lang ako ng tiyempo" sabi nya na ikina-ikot lang ng mata ko.

Hays, ang dami nyang sinasabi,

Ang punto ko lang naman dito ay kung bakit pa nya inilihim sakin, di ko talaga gets e, maliban nalang kung may malalim pang dahilan, at baka nga wala pa sa kalingkingan tong nalalaman ko e, baka bukas malaman ko nalang alien pala talaga si lucas, hays, banas talaga.

Bumangon ako kaya napabitaw sya ng pagkakayakap sakin, galit akong bumaba ng kama ko.

Pagkatayo ko ay agad n'yang hinawakan ang kamay ko.

"Please, harold, sorry na please," pag-mamakaawang hingi nya ng tawad sakin.

"Sabihin mo nga sakin lucas, ano bang dahilan at bakit nyo itinago sakin ang lahat?" Direkta kong tanong sa kanya,

Pero hindi nya ako sinagot at yumuko lang sya.

"Pinag-mukha nyo akong tanga lucas e, para akong tangang nakikipag-salamuha sa inyo pero all this time may itinatago pala kayo?" Sabi ko sa kanya.

Tumayo sya at hinarap ako saka nya hinawakan ang dalawa kong kamay.

"I'm sorry Babe, please, hindi ko----"

"Ano ba ako sa'yo lucas ha?" Pag-putol ko sa sasabihin nya,

"Ikaw ang mahal ko, mahal kita, ano bang-----"

"Kung mahal mo ako, ano pa bang hindi ko alam sa'yo?" Tanong ko sa kanya na ikina-bigla nya.

"Alam mo na ang lahat ng tungkol sakin, pero bakit ako? Bakit hindi ko pwedeng malaman ang lahat ng tungkol sa'yo?" Sabi ko na ikina-yuko nya.

"I'm sorry" mahina nyang sabi.

Tinanggal ko ang kamay kong hawak-hawak nya.

"Total mukhang wala ka naman talagang balak sabihin ang totoo sakin, naiintindihan kita, siguro kasi iba parin talaga sa'yo, " sabi ko saka ako agad na umalis ng kwartong iyon.

*****

"My ghad! Totoo ba 'yan lahat?" Gulat na tanong ni pia sakin, sinamaan ko nga sya ng tingin.

"Mukha ba akong story maker ha?" Inis na sabi ko sa babaeng to,

Nandito kami ngayon sa eluste's bar para maglabas ng sama ng loob, at tinawagan ko rin si pia para may makasama ako, saka buddies kami n'yan pag dating sa inuman.

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon