Bakla 25

6K 247 35
                                    

Unedited

Harold's POV

Not now.   .  . .

"Shit! Shit! Shit!"  Sigaw ko sa sobrang inis.

Pinilit ko.

Sinikap ko.

Ginawa ko ang best ko.

Matinding konsintrasyon pa nga ang ginawa ko e,

Pero bakit kulang parin?

Bakit di parin sapat?

Bakit kung kailan nasanay na ako saka mangyayari tong lahat?

"O? Anong nangyari sa'yo?" Takang tanong sakin ni lucas habang pinupunasan nito ang kanyang basang buhok, gamit ang paborito kong tuwalya na si boss baby ang naka imprinta.

"Wala, na-deads kasi ako sa Everwing na nilalaro ko, shit nga e, 156 lang score ko," malungkot kong sagot saka ako nahiga sa namiss kong kama.

Hays, nawalan tuloy ako ng gana ng ma-game over ako sa everwing na nilalaro ko, bwisit kasi yung mga kalaban e, di ko mawari kong palaka ba'yun O ano,

Hay, sabagay, ganyan naman talaga sa buhay, hindi sa lahat ng oras at pagkakataon ay panalo ka, darating at darating ang oras na matatalo at masasaktan ka, pero at least sinubukan mo, naging matapang kang sumubok, talo ka man sa huli, may mga bagay ka namang natutunan at na-realize, gaya ng ,wag na wag kang maglalaro kung alam mong sa umpisa palang dihado ka na, at paniguradong matatalo ka. Nagets? Okay,

Tumabi ng higa sakin si lucas, ramdam ko ang medyo basa nitong buhok ng bigla nito akong yakapin, at pagdating kay lucas, paniguradong wala akong talo sa taong 'to, dahil umpisa palang nanalo na ako, at si lucas ang gantimpala ko, changina! Kinikilig ako,

"Babe?" Tawag nito sakin.

"Umm?" Tipid kong sagot habang nakatingin sa labas ng veranda ng kwarto ko,

Oo, tama kayo ng basa , hindi kami umuwi ni lucas ng boarding dahil namiss kong matulog ulit dito sa kwarto ko, at saka linggo naman bukas kaya ayos lang.

"Masaya ako" sabi nya na ikinakunot ng noo ko, luh sya, di ko naman tinatanong, papansin ay,

"Bakit naman?" Okay, baka kasi sabihin nya ang killjoy ko,

Umupo sya at sumandig sa headboard ng kama ko.

"Masaya ako at nakilala kita, I think I'm the luckiest guy because I have you, and having you is the best gift of my life, wala na akong hihilingin pa, being with you is enough, your love is what I treasured the most ,you're my everything , mawala na ang lahat sakin, wag lang ikaw" napapansin ko lately napaka-sweet ng mga salitang binibitawan ng lucas na'to, all of a sudden kinilig ulit ako, shit!

Umupo rin ako at hinarap sya, " copy paste nalang, haha! Basta mahal na mahal kita, Iqaw lanq sh4p4T nH4" nahiga ako sa matigas nyang dibdib at binalot ko ng kamay ko ang katawan nya, shit! Mga galawang fuccboi.

Pero seryoso,

Ay wag nalang pala, di ko kaya mag seryoso e, paano ako seseryoso kung lahat ng sinasabi't ginagawa ko para sa kanya ay isa lamang biro? Hays,

Bumangon ako at bumaba sa kama saka ko kinuha ang kulay green kong gitara na nakasabit sa wall ko,

"Tara sa veranda , kanta muna tayo, di pa ako inaantok e,"

Labis naman syang napangiti, "kumakanta ka?" Tanong nya.

"Hindi, sumasayaw ako, heto O may gitara ako, tara sa veranda sayaw tayo, di pa ako inaantok e," humagalpak naman sya ng tawa ng barahin ko sya. Hinayupak na'to, sa inis ko kinuha ko yung vase na malapit sakin saka ko sya binato, swerte nya at naka-ilag sya, dyan naman sya magaling diba? Ang umilag sa lahat ng aking mga patama? Ang ilagaan ang lahat ng mga salitang binibitawan ko, hanggaling nya, to the point na gusto ko na syang ipalista sa Guinness book of world record,kung di lang ako busy. Hays,

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon