Bakla 9

11.2K 461 51
                                    

Unedited

Harold's POV

Pinilit ko ang aking sarili na wag na wag gumawa ng kahit konting ingay, maingat kong inihahakbang ang mga paa ko patungo sa may pintuan,

Buong lakas kong pinipigilan ang sarili na wag huminga ng malakas, tumawag narin ako sa mga santo na sana wag magising si lucas, at ang aking mga mata'y nakatitig sa mga langgam, ipis at butiki habang nakiki-usap na sana'y wag mo na silang gumawa ng kahit ano mang kaluskos,

paminsan-minsan ay sinusulyapan ko si lucas na mahimbing na natutulog sa kama nya. At salamat naman sa mga butiki at ipis na mukhang nakisama naman sa balak kong pagtakas, dibale, papa-salubungan ko nalang sila mamaya ng isang boteng beer.

Ng makarating na ako ng tuluyan sa may pintuan,hinawakan ko ang doorknob at dahan-dahan as in super duper dahan-dahan ko itong pinihit, hanggang sa bumukas na ito ng tuluyan. Grabe, daig ko pa ang tumatakas sa bilangguan ah.

Akmang ihahakbang ko na sana ang mga paa ko palabas ng kwarto ng biglang.

"At saan ka pupunta?"

Ma-awtaridad nyang tanong na ikinalunok ko ng laway,

Hays, bwisit naman oh, nahuli pa, akala ko ba tulog na ang isang 'to?

Ngumiti ako ng napakalaking ngiti pero peke saka ako humarap sa kanya.

"Ha? Ah, ano! Dyan lang sa labas magpapahangin lang.Ha-ha!" Awkward kong tawa na ikina-kunot ng noo nya.

Umupo sya sa kanyang kama habang salubong ang kilay na nakatingin sakin.

"Magpapahangin lang, kailangan naka-porma?" Nagulat ako sa sinabi nya kaya napatingin ako sa suot ko.

Ay Oo nga! 

"Hihi!" Awkward kong tawa sabay lagay ng mga kamay ko sa likod,

Pakyu ka! I-inom lang naman kasi talaga ako ng beer sa labas, syempre kasama na doon ang mag girls hunting, pakiramdam ko kasi nahahawaan na ako ng kabaklaan ng lalaking 'to, kaya kailangan ko namang libangin ang sarili ko kahit papaano.

"Magbihis ka na ulit, at matulog ka na" sabi nya na ikina-inis ko,

"Hoy, akala mo kung sino ka ah, sino ka ba para pigilan akong lumabas ha?" Sumbat ko dito.

Okingina nito, uutuin pa ako? Na ah! Don't me braduh!

"Pag sinabi kong hindi, hindi! In case nakalimutan muna, ipapa-alala ko sa'yo ulit, lahat ng sasabihin ko ang dapat na sundin mo sa loob ng isang buwan, or else, babayaran mo ang halaga na sinisingil ko sayo"

Napakagat kuko with matching twerk ako sa paalala nya, pero na-realize ko na masyado akong gwapo para sumunod sa lahat ng gustuhin nya.

Kaya naman.

"Lampake bro, aalis ako sa ayaw at sa gusto mo" matigas kong pagkakasabi na kasing tigas ng jr. Ko, shet! Bunganga ko!

Pinakyuhan ko muna sya saka ako lumabas ng kwarto, ngunit napatigil muli ako ng bigla na naman nya akong pigilan.

"Hutang ina! Ano na naman ba?" Inis na sabi ko dito.

"Kung ayaw mo talagang papigil. .

I'll go with you. . Baka mamaya mapahamak ka na naman"

Napatigil ako sa mga sinabi nya at heto na naman ang puso kong OA kung makatibok,

I'll go with you. . Baka mamaya mapahamak ka pa.

Nag echo sa akin yung mga sinabi nya, ano yun mga bro? Concerned ba sakin ang baklang 'to? Eh bakit parang kinikilig ako?

Oh no! Kinikilig ako?

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon