Bakla 59

2.9K 129 5
                                    

Unedited

Lucas' POV

Alas syete ng gabi na ako naka-uwi ng boarding house, pag bukas ko ng kwarto ay tumambad sakin ang mahimbing ng natutulog na si Harold.

Dahan-dahan kong isinara ang pinto at agad na lumapit sa higaan nya at agad syang tinabihan at niyakap.

Napakasaya ko, malapit narin matapos ang lahat, mabubunutan na ako ng tinik sa lalamunan, kapag naka-hanap na kami ng matibay na ebidensya ukol sa lahat ng kapa-hamakang nangyari samin, ipapaliwanag ko na kay harold ang lahat.

**FlashBack**

"Anong sabi mo? Sigurado ka na ba dyan?" Gulat kong tanong kay alyana.

"Pagod narin ako lucas, gusto ko na rin matapos ang lahat ng kahibangan ng pamilya ko lalo na si Dad." Naiiyak nyang sabi.

Alam kong mahirap para sa kanya ang lahat ng mga nangyayaring ito, pero kailangan narin naming kumilos bago pa mas may pamahak sa isa sa amin, lalo na si harold na lagi nalang nadadamay sa gulo.

"So anong plano natin?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Hahanap ako ng ebidensya na nag papatunay sa pinag gagawa ni papa kasama si samuel" sabi nito.

"Samuel?" takang tanong ko.

"Oo si samuel, tauhan sya ni papa, at sa tingin ko may iba syang plano sa inyong dalawa para matuloy ang plano no dad , magka-sabwat silang dalawa" paliwanag ni alyana.

Kaya pala mainit ang dugo sa lalaking yun e.

"At kapag may ebidensya na, handa akong tumistigo laban sa kanila" sabi ni alyana.

Hindi ko alam kung paano iko-comfort si alyana, pati sya ay naiipit sa gulong ito.

"I think you need to go home na, baka kanina ka pa hinihintay ni harold" parehas kaming napatingin kay kuya diego.

"Okay, I need to go now" tumayo na ako at nag pa-alam na sa kanila

****End Of Flashback*****

Harold's POV

Nagising ako ng maramdaman kong tila ba ay may parang nakatitig sakin, at dahil gwapo ako at conscious sa lahat ng bagay ay napag-desisyonan kong imulat ang aking mga mata,  pag mulat ko ng mata tumambad sakin ang matatamis na ngiti ni lucas.

"Hi Babe?" Nakangiti nitong sabi sakin.

Tinignan ko ang oras sa aking relo bago ko sya sinagot.

"Alas nuebe na pala, kanina ka pa ba dumating?" Tanong ko habang nakatitig parin sa kanya.

"Kanina pa, at kanina parin kita pinagmamasdan matulog" sabi nya saka sya tumawa ng bahagya.

Inikutan ko sya ng mata kasabay ng pagkalam ng aking sikmura na mas lalo nya pang ikinatawa.

"Hinayupak ka, ayan nagutom ako, ang tagal mo kasing umuwi" reklamo ko sabay upo saking kama.

"Tara kumain sa labas" umupo din sya sa kama at hinarap ako saka ako muling tinitigan.

"Wag mo nga akong titigan" sabi ko dito na mas lalo lang ikinalawak ng mga ngiti nya.

"Bakit masama ba?" Litanya pa nito.

"Oo, dyan ka na nga muna, toothbrush lang ako" saad ko saka akmang tatayo na sana sa kama ng bigla nya akong hilain dahilan para mapa-upo ako ulit, kaso ang mokong humiga ulit at dahil hila-hila nya ako napahiga din ako hindi sa kama, kundi sa dibdib nya.

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon