Bakla 23

6.2K 251 27
                                    

Unedited

Harold's POV

"Aww, aww, tangina mo ang sakit!" Daing ko ng pindutin nya yung nag-iisa kong pimple sa gilid ng noo ko.

Sinuntok ko nga sya sa braso, at ang hinayupak tawa pa ng tawa,

Juskong mahabagin, patawarin nyo po ang nilalang na ito dahil mapanakit sya ng iyong nilikha, at hindi nya po alam ang kanyang ginagawa.

Dahan-dahan kong hinimas-himas ang pimple kong muntik ng ma-tegi, saka ko sya tinignan ng masama.

"Hayop ka! Paano pag napisat mo sya! Para mo naring pinatay ang sarili mo!" Drama ko dito na ikina-hagalpak nya ng tawa.

"Hahahahahah! Seriously? Ako yan?" Sabay turo sa cute kong pimple,

Tinapik ko nga yung hintuturo nyang walang galang kung makaturo,

"Oo nga, ikaw 'yan, kaya nga hinahayaan ko lang sya dyan e," natawa na naman sya sinabi ko.

Tss! Wala namang nakakatawa, bwisit 'to.

Inirapan ko sya as if naman may matris ako, may konek 'yan.

Tumagilid ako ng higa, matutulog nalang ulit ako total sabado naman ngayon, saka alas syete palang ng umaga, nakakatamad pang bumangon.

Naramdaman kong niyakap nya ako mula sa likod ko.

"Babe, sorry na ha, binibiro lang naman kita e, ang cute lang kasi tignan nung pimple mo, nag iisa sya," malambing nyang sabi na ikina-ngiti ko ng palihim.

"Hindi 'yun pimple, si lucas 'yun" sabi ko dito.

"So mukha akong pimple?" Natatawa nyang sabi na bahagya ko ding ikinatawa.

"Bakit hindi ba?" Pang-asar ko dito.

"Ah ganon" sabi nya, saka nya ako pinaghahalikan sa leeg.

Naku! Naku! Landi ang hayop!

"Tumigil ka nga," sabi ko dito.

Tumigil naman sya saka ako muling niyakap. "Kawawa naman ako, nagiisa lang ako dyan sa noo mo, ayaw mo bang dagdagan?" Sabi nya hinampas ko sya sa braso.

"Sira!" Sabi ko saka kami natawa ng sabay.

Sa dinami-dami ng pwedeng pag tubuan ng pimple ko sa gilid pa ng noo ko, nahiya siguro syang tumubo sa makikinis kong pisngi, naks! Buti pa 'tong pimple ko may kahihiyan samantalang 'tong katabi ko , wala! Lol!

"Ready ka na ba?" Tanong nya sa akin.

"Kagabi pa" sagot ko naman.

Ngayon na kasi yung araw na ipapakilala na nya ako sa mga parents nya, at napag-usapan naming ano man ang mangyari walang susuko at walang mang-iiwan.

After naming magyakapan at maghalikan, Oo, 'yun lang, wala ng ibang nangyari, may mga bata pang readers si author,napagkamalan pa tuloy syang may sakit na paedophilia, lol!

Nag almusal na kami saka sabay na naligo.

"Sige manong salamat!" Paalam ni lucas sa katawag nya sa phone.

"Sino 'yon?" Tanong ko.

"Yung driver namin, nag pasundo ako dito" paliwanag naman nya.

After ng mga 45 minutes na pag hihintay isang itim na kotse ang tumambad sa aming harapan at bumaba doon ang isang lalaking may edad na.

"Sir, heto na po" sabi nya kay lucas.

"Lets go?" Hinawakan nya ang kamay ko saka nya ako iginaya sa front seat at sa likod naman sumakay si manong so it means si lucas ang mag da-drive, may iba pa ba?

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon