Bakla 48

3.8K 161 25
                                    

Undedited

Harold's POV

Napa-ngiti ako ng makitang nag-luluto si lucas ng aming hapunan ngayong chapter na'to, ang cute nya kasing tignan sa floral nyang apron tapos naka-sando at boxers lang sya,

Naka-upo lang ako habang pina-panuod syang nagluluto ng peborit naming pritong itlog, charot lang, nag luluto sya nang peborit naming adobong manok na mas marami ang sahog na patatas at pinya kesa sa mismong karne dahil ang totoo mas gusto talaga namin ng patatas, iniisip ko nalang na adobong patatas at pinya ang niluluto nya tapos karne ng manok lang ang sahog, kung hindi nyo na naitatanong, well, kahit hindi nyo pa tanungin, sasabihin ko parin na peborit namin ni lucas ang fries, so ayon lang, wala naman akong ipinag-lalaban, gusto ko lang i-share, mga depungal din kayo e,

"Matagal pa ba 'yan?" Tanong ko kay lucas habang kumakain ng fries na nabili namin kanina sa Mclibee, diba nga? Favorite ko ang fries?

"Bakit? Gutom ka na ba Babe?" Tanong nya naman saka nya inilagay ang patatas at pinya sa kaserola.

"Ay hindi pa, busog pa ako, tinatanong ko lang matagal pa ba 'yan, depungal ka , mag-tatanong ba ako kung busog ako?" Pambabara ko sa kanya, hays, nag iinit na naman ang ulo ko, naalala ko na naman kasi 'yung ginawa nya sakin kanina.

"Sorry Babe, galit ka parin ba? Sorry na please" pag-suyo nito sakin saka lumapit sakin at marahan akong hinalikan sa ulo.

"Hindi na ako galit, sige na ituloy mo na yung pagluluto mo" sabi ko naman.

Pero syempre medyo naiinis parin ako, kasi naman kanina , sabi ko sa kanya bff fries ang bilhin nya tapos ang binili regular size lang? Ayan ubos na tuloy yung fries ko, wala na akong ngangat-ngatin, sabi kasing bff fries ang bilhin para mas marami, ang shunga talaga, kunin nyo na nga bes, I mean yung lalagyan ng fries kunin nyo na, pakitapon nalang.

"Nako Babe, naubos na soy sauce natin, pwede ka bang bumili sa labas? Kulang pa kasi yung alat e," tinignan ko sya ng masama habang sya ay nagmama-kaawang nakatingin sa akin na sundin ko ang inuutos nya.

Napabuntong hininga nalang ako, dahil kung hindi ko sya susundin, bukas pa kami makaka-kain.

"Sorry Babe" sabi nya,

Ngumiti nalang ako ng pilit at lumabas nalang para makabili ng hinayupak na soy sauce na 'yan. And speaking of soy sauce, hanggang ngayon wala paring update 'yong "IANDBNS". Depungal na otor na 'yon, natapos na ang air strike sa Marawi City, pero hanggang ngayon wala pa s'yang update. Qiqil nya rin si aqou, e.

Pumasok ako sa isang malaking grocery store para bumili ng nag iisang soy sauce, pagpasok ko ay dumiretso ako agad kong saan nakalagay ang mga condiments, kumuha ako ng isang bote ng  silver duck para sa adobo namin, saka ako dumiretso sa mga linya ng chichirya at bumili ng dalawang malalaking Manang Juan.

After that ay dumiretso na ako ng counter para magbayad, panglima ako sa pila kaya nabanas na naman ako, ang ayaw ko talaga sa lahat 'yung pinag-hihintay ako e,

Maya-maya pa ay naging pang-apat na ako sa pila ang kaso naman yung nasa unahan parang binili na ata lahat ng klase sa grocery na'to sa sobrang dami, ayaw ko naman makipila sa ibang counter kasi nga stick to one,

Kaya heto, mag hihintay nalang ako hanggang sa maging turn ko na, kaso ang tagal ,bwisit!

Nakarinig kami ng isang malakas na sigaw malapit sa isang counter,

At dahil echosero ang lahat ay sabay-sabay din kaming napalingon sa pinanggalingan ng sigaw.

"Dumapa ang lahat, holdap 'to!" Sigaw ng isang lalaki na may hawak na babae habang nakatutok dito ang kanyang baril.

Uy, Di Ako Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon