CHAPTER 2

24.1K 435 26
                                    

5 Months Later ..

"Xhin, tapos na ikaw? Breakfast is ready!" kinatok niya ang pinto sa kwarto ni Xhinia.

Siya kasi ang nauunang magising sa kanilang dalawa. Sa loob ng limang buwan nakaka-adjust na siya. Nasasanay na siya na kasama si Xhinia. Iyong akala niyang mananatili lang siya ng tatlong buwan sa condo ni Xhinia pero ang inaasahang tatlong buwan ay naging lima. Masaya siya at walang mapaglagyan ang saya niya. Lalo na at sa susunod na buwan na magsisimula ang klase nila.

Excited na siyang pumasok at makakilala pa ng ibang kaibigan.

"You looked puyat? Natulog ka ba ng maayos?" tanong niya kay Xhinia ng makababa ito.

"As always, tinapos ko iyong pinapanood kong kdrama." tamad na tamad itong umupo.

"Coffee?"

"Yes please, Thank you Manang."

"Aish! You always call me Manang." nakangiwing sabi niya pa kay Xhinia.

"Yes you're Manang. Tingnan mo nga damit mo masyadong makaluma" lagi na lang siyang sinusuway ni Xhinia sa pananamit niya. "Oh please, removed that glasses. Hindi bagay sayo maging Nerd look" dagdag pa nito.

"Makaluma?"

"Old fashion gan'on te!"

"Ang judgemental mo Xhinia. I love wearing this kind of dress. And I'm not comfortable wearing a dress like that!" taas kilay niyang tinitigan ang damit na sinuot ni Xhinia.

"Whatever, just sit and let's eat." ganoon nalang sinabi ni Xhinia para hindi na sila magtalo pa.

Habang tumatagal ay nakikilala niya ugali nito. Hindi lang ito maarte masyado pang prangka. Iyong tipong pinupuna niya ang mga ayaw niya at paprangkahin ka. Kasi nga mas mabuti na daw iyong sa kaniya manggaling ang pamumuna sa kaniya kaysa iba pa ang magsabi. Mas mabuti iyong aware siya. Hindi naman niya masisisi si Xhinia dahil doon. Kagustuhan niyang huwag tumulad sa ano mang nauusong kasuotan sa bansang ito. Hindi rin dahil gusto niyang ipahiya ang sarili sa lahat. Kundi dahil kailangan niya muna itago ang pagkatao sa iba lalo na kay Xhinia. Pero wala naman siyang balak itago talaga habang-buhay ang tungkol doon. Gusto niya lang mas mabuo iyong tiwala niya kay Xhinia saka niya sasabihin kung sino talaga siya at ano ang dahilan niya sa lahat ng ito.

Matapos nilang mag-agahan ay nagpaalam si Xhinia na uuwi muna sa bahay nila babalik din daw ito pagka-hapon.

Siya na naman mag-isa sa condo. Kaya naisipan niyang lumabas nalang at mamasyal.

Sinubukan niyang pumunta sa book store baka may maisipan siyang bilhin na magagamit niya sa pasukan.

Habang nagtitingin ng mga libro, naisipan niyang bumili ng mga story books. Nakasanayan na kasi niya bumili ng kung ano-anung libro. Sabi ni Xhinia sa kaniya makakatulong sa kaniya iyon para mas mahasa siya sa salitang tagalog.

Nang akma na niyang kukunin ang librong napili ay may biglang umagaw naman nito.

"Hey,ako una nakakita ng book na iyan." aniya sa lalaking may hawak ng libro.

"Eh, nasa kamay ko na e kaya sa akin na'to."

"What? That's mine."

"Pumili ka nalang ng ibang libro Miss."

Binalingan niya ang pinaglagyan ng libro na iyon nagbabakasakali kung may isa pang ganoon pero nabigo siya. Nag-iisa lang ang libro na iyon.

Ayaw na niyang makipag-talo sa lalaki bukod sa hindi niya ito kilala ay baka mapahamak pa siya.

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon