Chapter 18

9.4K 180 7
                                    


Ryzo's POV

"Welcome back!!" Sigaw nila nang sabay naming salubongin ang kapatid ko at si Serenity galing sa honeymoon nila.

Kaniya-kaniyang yakapan sila sa dalawa. Habang ako naman tahimik lang na nakasandal sa kotse ko.

"Tama na nga iyan. Umalis na tayo gusto ko ng magpahinga. Baka galing din ako sa byahe may jetlag pa ako." Reklamo ko na siyang dahilan para mapalingon silang lahat sa akin.

"You're so Kj talaga kuya. Hindi mo man lang winelcome back sina ate Serenity." Nakasimangot na sabi ni Dexie.

Sa halip na sumagot ay pumasok nalang ako sa kotse saka sumandal at pinikit ko ng dahan-dahan ang mga mata ko. Gustong-gusto ko ng magpahinga, galing akong Palawan para ayusin ang negosyo namin doon. Kailangan ko pa ng pahinga babalik na ako sa school sa lunes. Madami na naman akong lesson na hahabulin.

"Teka! Si Ate Aryaniah ba iyon?" Napalingon ako bigla sa sinabi ni Dexie

"Kuya si Ate iyon diba? Hindi ako pwedeng magkamali siya iyon. Pero bakit may kasama siyang lalaki at ang sweet pa nila." Kunot-noo akong napatingin sa gawi nila.

Hindi ko maintindihan pero gusto ko silang lapitan at itanong kung sino iyong lalaking kasama niya. Pero wala ako sa lugar para gawin iyon kaya pinili ko nalang paandarin ang kotse at umalis.

Narining ko pang sumigaw si Dexie pero 'di ko iyon pinakinggan at pinaharurot lalo ang sasakyan. Naiinis na naman ako. Hindi ko alam na bumalik na pala siya tapos gan'on pa ang makikita ko. Tss! Sobrang nakakainis ka nerdy.

Kaizer's POV ( new character )

"Hey! Welcome to philippines my dear cousin." Bungad niya sa'kin. Saka ko naman siya niyakap.

"Tigilan mo ako mahal na princesa. Nasa pilipinas tayo kay huwag kang mag-english." Sagot ko naman na kinagulat niya.

Sino ba naman ang hindi magugulat isang purong italyano na marunong managalog.

"Aba! Dinaig mo pa ako sa pagsasalita ng tagalog. Bilib din ako sa'yo e no? Lahat na yata ng lugar na puntahan mo ay alam mo ang lahat ng lenggwahe." Napatawa ako ng bahagya.

Well, hindi naman sa pagmamayabang dahil sa pagkahilig ko magpunta sa iba't-ibang lugar na may mga tourist spot ay pinag-aaralan ko muna talaga ang lenggwahe bago ko puntahan ang mismong bansa. Kaya bago ko napag-isipang pumunta dito sa pilipinas halos anim na buwan kong inaral ang salitang tagalog. Sa una ay medyo mahirap dahil sa kakaiba ang lenggwahe ng mga taga rito. Pero natutunan ko din naman kinalaunan.

"Alam mo naman ako, para namang hindi ka nasanay sa akin. Anyway kasama ko si Reign nasa restroom pa alam mo naman iyon para ding babae  masyadong mabagal magbanyo."

Habang nasa byahe kami panay kwento siya about sa experience niya dito sa bansa. At masaya akong malaman na masaya siya sa pinili niyang landas. Kahit pa alam namin na labag din sa loob niya ang iwan ang pamilya niya sa italy. Masasabi kong hindi na siya ang dating princesa na iyakin noong bata pa lang kami.

Isa din sa dahilan kung bakit ko piniling pumunta dito ay para hanapin ang babaeng may malaking kasalanan sa'kin. Hindi ko alam ang pangalan niya pero ang itsura niya ang tumatak sa isip ko.

Tinakasan niya ako sa araw mismo ng engagement party naming dalawa. Sa gwapo kong 'to tatakasan niya lang. Hindi niya ba alam na wala na siyang mahahanap na katulad kong gwapo na prince charming pa.

Kieyla's POV

Isang ikot na lang mahihilo na ako, Kanina pa ikot ng ikot si Camylle halos libutin na niya ang buong restaurant.

Runaway PrincessWhere stories live. Discover now