Chapter 22

9K 166 12
                                    

Aryaniah's POV

Hindi ko mapigilan na tumulo ang mga luha ko. Sapat pa ba ang mga dahilan ko kung sakaling magpaliwanag ako sa kaniya? Higit akong nasasaktan. Ramdam ko kung gaano niya ako kamahal.

"I'm sorry!.." humihikbi kong sabi

Lumapit siya sa'kin saka hinaplos ang pisngi ko na puno ng mga luha.

Kaya ko ba? Kakayanin ko kaya kung sakaling susugal ako. Nanatili lang akong nakatitig sa mukha niya. Mga matang nagsasabi kung gaano niya ako kamahal. Mga matang puno din ng lungkot. Sari-saring emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya at lahat ng iyon dahil sa akin.

"Hindi mo na kailangan magsalita, alam ko na ang sagot. Pangako hindi na kita guguluhin pa--"

"Stay.."

Nagtataka niya akong tiningnan nang pinutol ko ang sasabihin niya.

"Hindi pa ako kailanman nakaranas paano makipag-relasyon. Pero hindi naman siguro masamang sumubok--"

Napaigtad ako nang bigla kong maramdaman ang labi niya na dumampi sa mga labi ko. Hindi ko inaasahan ang gagawin niyang iyon.

"Alam kong natatakot ka, pero hayaan mo akong patunayan sa'yo na mahal kita at lahat gagawin ko para sa'yo." Aniya.

Sa halip na sumagot niyakap ko siya. Ito ang unang beses na niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Teka! Nasaan na sila?" Bigla kong tanong

Lumingon-lingon pa ako para hanapin ang mga kaibigan namin..Pero bigla niya akong hinapit na baywang at siniil ulit ng halik.

Hinayaan ko nalang siya, ayoko ng lokohin pa ang sarili ko ako lang din naman ang masasaktan kapag pinigilan ko pa ang sarili ko na mahalin siya. Saka ko na iisipin ang problema ko kay Ama sa ngayon gusto ko muna maging masaya. Kahit ngayon lang, kahit hindi ko alam kung hanggang saan ang kasiyahang ito.

"Time out muna! Nakailang halik kana ah tinutorture mo na lips ko." Reklamo ko.

"Nerdy naman huwag kang madamot ngayon lang kita nahalikan e."

"Abah! Alien ka hindi pa kita sinasagot ninakawan mo na ako ng halik." Pinaghahampas ko siya sa balikat

Panay naman ang iwas niya."Nerdy aray! Tama na ang brutal mo talaga."

Maya maya pa ay nakarinig kami ng mga palakpak.

Nakakatuwang isipin na supportado kami ng mga kaibigan namin.

Pumapalakpak naman si Seren at Quevin habang papalapit sila sa'min."Buti naman hindi nasayang ang effort namin sa pag-acting. Sabi sa'yo hon e magkaka-ayos ang dalawang 'to hindi pa matatapos ang bakasyon natin." Nakangiti sabi ni Seren

"Ang sasama niyo pinagka-isahan niyo ako para lang magkabati kami ng alien na'to. Tapos magyayabang na naman 'to. Bubwesitin na naman ako araw-araw."

Agad naman siyang napahawak sa baywang ko."Nerdy naman huwag mo naman akong ipahiya sa kanila."

"Tseh! Chansing ka na naman bitaw nga!"

"Nahalikan na nga kita tapos ngayon ayaw mo magpahawak Nerdy naman sinasaktan mo na naman puso ko."

Abnormal talaga kahit kailan ang alien na'to.

"Ewan ko sayo, bitaw sabi."

Nakasimangot naman siyang bumitaw. Ang cute ng mukha niya para siyang bata na inagawan ng candy.

"I love you.."

"Bahala ka sa buhay mo."

"Kita mo 'to madamot! I love you nga kasi Nerdy."

Runaway PrincessWhere stories live. Discover now