Chapter 8

11.4K 229 27
                                    

CHAPTER 8


Camylle's POV

"What are you doing here? Wala dito si Vex." Deretsong sabi ko.

"I know, kayo talaga ang sadya ko ni Kieyla."

"Upo ka muna tatawagin ko lang si Kieyla." Sabi ko saka siya tinalikuran.

Parang alam ko na kung bakit nandito siya. Agad ko naman tinawag si Kieyla nasa Kitchen kasi siya naassign ngayon buti nalang mamaya pa ang pasok ni Niah. Baka ano ang isipin ni Serenity kapag nagpang-abot sila dito. Nakwento na rin ni Vex ang nangyari kaya naiintindihan ko ang setwasyon niya.

-

"Ano nga pala pag-uusapan natin?" Tanong ni Kieyla sa kaniya

"Kakapalan ko na ang mukha ko,wala na talaga akong ibang malapitan kundi kayo lang. Nakikiusap ako tulungan niyo akong ipaliwanag kay Vex ang lahat. Sarado ang utak niya pagdating sa'kin. Sinubukan ko ng magpaliwanag pero hindi niya ako pinakinggan. Hindi ko na kasi alam ano ang gagawin ko. Gusto ko lang naman humingi ng tawad sa kaniya. At bumawi sa mga mali ko."

Natahimik lang kami ni Kieyla. Hindi ko alam ano ang dapat sabihin, pareho namin silang kaibigan. At mahirap din para sa'min kung paano namin sila matutulungan. Masaya na si Vex ngayon alam ko dahil kay Niah iyon pero hindi ko rin alam ano ang meron sa kanila. At ngayon gusto ni Serenity na magkaayos sila.

"Gusto kitang tulungan Seren, pero hindi ko alam paano kasi sa totoo lang maayos na si Vex ngayon. Masaya na ulit siya, mula ng umalis ka ngayon lang namin siya nakitang sumaya ulit." Prangkang sabi ni Kieyla.

Sa lahat siya talaga ang kayang magsabi ng deretso kahit alam niyang masakit. Wala siyang pakialam sasabihin niya talaga ang gusto niya.

Kahit ako ganun din ang sinabi ko kay Serenity. Naawa ako sa totoo lang. Nang umalis siya ay kinausap ko si Kieyla. Alam ko naman kahit papano may pinagsamahan kami ni Serenity. Kaya gagawa nalang kami ng paraan para mag-usap sila. Kailangan nila ng closure para na rin sa ikakabuti nila pareho.

Kieyla's POV

"Sigurado ka ba sa gagawin mo Camylle?"

"Naawa ako sa kaniya Kiey, kahit naman papano may pinagsamahan tayo at kaibigan din natin siya, pero hindi ako sang-ayon kung makikipagbalikan siya kay Vex. Masaya na iyong tao eh, Kapatawaran lang ang hinihingi ni Serenity siguro naman sapat na iyon na kahilingan kung pakikiusapan natin si Vex na patawarin na si Serenity. Atleast magkaroon man lang sila ng closure."

Tama nga naman, maski ako ay naawa kay Seren. Hindi ko alam ang reason niya, wala din naman kami sa lugar para husgahan agad siya. Si Vex ang may karapatan ng paliwanag niya kung bakit siya umalis two years ago. Kinabigla naming lahat iyon. Akala namin okay sila pero nabalitaan nalang namin na umalis ng walang paalam si Seren. Naging miserable ang buhay ni Vex noong nawala siya. Halos ayaw na lumabas ng kwarto. Ayaw kumain, daig niya pa ang namatayan. Pero sa pagdaan ng mga araw, buwan, naging maayos na ulit ang lahat pinilit namin siyang maging okay. Sinasama namin siya sa mga lakad namin pinaramdam namin na hindi siya nag-iisa na may kaibigan pa siya kahit na iniwan siya nandito lang kami para sa kaniya.

"Tama ka nga, iyon din ang kailangan ni Vex ang closure. Lalo na ngayon nakikitang kong nakamove-on na talaga siya kay Serenity."

"Kaya ayoko magkalovelife eh sakit talaga sa ulo." Natawa ako sa sinabi niya

"Paano ka naman magkakalovelife eh sinusungitan mo mga nanliligaw sayo."

"Hindi ko naman sila gusto, wala sa kanila ang katangian na hinahanap ko."

Runaway PrincessOnde histórias criam vida. Descubra agora