Chapter 26

8.1K 148 7
                                    


Aryaniah's POV

Dalawang linggo na akong nakatambay dito sa condo ni Reign wala pa din akong natatanggap na balita sa kaniya. Panay naman ang natatanggap kong text at tawag galing kay Ryzo. Araw-araw niyang sinasabi na mahal na mahal niya ako. Mahal ko din naman siya hindi ko lang matanggap na si Miya ang ipapakasal sa kaniya. Hindi ko din alam kung bakit kailangan siya pa.

Bata palang kami ni Miya ay malapit na kami sa isa't-isa. Pero mula ng mamatay ang Ama niya na dating Hari umalis sila sa palasyo ay nanirahan sa Boston. Mula noon ay hindi na kami nagkita o nagkaroon man lang ng komunikasyon. Maliban kay Reign tanging si Kaizer lang ang lagi niyang nakakasama. Sa Boston nakatira si Kaizer bukod sa doon siya nag-aaral pinili din niya talaga doon para may kasama si Miya. Si Miya, Kaizer at ako ay magpipinsan. Pero si Miya lang ang nahiwalay sa'min. Si Kaizer naman ay nagbabakasyon sa palasyo tuwing end of semester.

Maya maya pa ay biglang bumukas ang pinto.

"Kaizer?"

"Tinawagan ako ni Reign sinabi niya sa'kin ang mangyari.

Hindi ko siya sinagot sa halip ay tinalikuran ko lang siya saka umupo sa sofa.

"Totoo bang nasa bansa si Miya?" Tanong niya at umupo sa tabi ko.

Tumango lang ako.

"Sabi ni Reign si Miya ang fianće ng boyfriend mo? Paano nangyari iyon?" Pag-usisa niya. Pero wala akong maisagot sa mga iyon kasi maski ako ay 'di ko alam.

"Kaizer, Kung pumunta ka lang dito para magtanong nang magtanong wala akong maisasagot sayo kasi wala akong alam."

Napabuntong-hininga nalang siya sa sinabi ko.

Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Miya.

Sumagot naman raw ito sa tawag niya at sinabing makipagkita ito sa kaniya. Nang araw din iyon ay umalis na si Kaizer. Babalitaan nalang raw niya ako kapag naka-usap na niya si Miya.

Bandang alas tres ng hapon naisipan kong lumabas. Nagsuot lang ako ng hoody jacket sinadya ko talagang ibalot ang sarili ko baka kasi may makakilala sa'kin. Ayoko din makita ako ng sino man na nakakakilala sa'kin lalo na si Ryzo baka 'di ko mapigilan yakapin siya kapag nagkita kami. Masyado akong marupok baka bigla akong bumigay. Masyado pang masakit at magulo ang setwasyon namin ngayon. Hangga't hindi ko pa alam ang dahilan mas mabuti pang umiwas muna ako.

Shieka's POV

"Girl, may chismis ako. Alam mo ba na engaged na si Ryzo? At ito pa girl nag-walk out raw si nerd ng araw ng engagement ni Ryzo kasi hindi siya ang fianće. Pasikat talaga ang nerd na iyon may pawalk-out pa hindi naman maganda."narinig kong nag-uusap ang mga estudyante dito sa cafeteria. Naririndi na ako sa mga naririnig ko. Gusto ko ng sabunutan ang mga nandito ang iingay.

Kailangan talaga iparinig sa'kin? Tss

Sabagay wala naman akong pakialam sa engagement na iyon. Alam kong hindi rin magiging akin si Ryzo mas mabuti hindi rin sila magkatuluyan ni Nerd.

Hindi lang ako makapaniwala na si Casamiya ang ipapakasal kay Ryzo. Si Casamiya na bestfriend ko. Well ayoko naman na makipag-agawan sa kaniya kaya magpapaubaya na ako. Miya deserved to be happy after all. Siya lang ang naging kakampi ko noon. Since grade High School siya lang ang naging kaibigan ko. Kung hindi lang ako nilipat ni Mommy sabay sana kaming ga-graduate. Naalala ko pa noon pangarap talaga namin maging doctor. Kaso nang malugi ang isa naming negosyo dito sa bansa ay napilitan umuwi si Mommy at sinama niya ako. Si Daddy nagpa-iwan sa Boston kasama ang kapatid ko.

Hindi ko pa nakaka-usap si Miya about sa nangyari.

"Marie!"sigaw ni Daniella bagong recruite sa cheering squad.

Runaway PrincessWhere stories live. Discover now