Chapter 19

9.5K 159 8
                                    

Aryaniah's POV

Halos limang oras din ang binyahe namin bago kami nakarating ng tagaytay.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko ng pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.

Sa halip na sumagot hinawakan niya ang kamay ko at dinala papasok isang bahay.

Maganda ang disenyo sa labas may maliit na pool maraming halaman na nakapaligid na siyang nakadagdag sa pagka-presko ng paligid. Umakyat kami sa itaas at nagtungo sa terrace. Kitang-kita ko mula dito ang taal. Ang lamig nga talaga dito, maya maya pa ay naramdaman ko ang mga braso niya na gumagapos sa baywang ko at niyakap ako ng sobrang higpit. Habang pinatong ang baba niya sa balikat ko.

"I love you." Bulong niya sa'kin.

Humarap ako sa kaniya at tinitigan ang mga mata niyang nagsasabing mahal niya talaga ako.

Hinaplos ko ang mga pisngi niya. Ang mukha niyang kinaiinisan ko noon na siya ring minahal ko ngayon.

"Pakiramdam ko napaka-swerte ko para mahalin ang isang tulad mo. Hindi ako tulad ng mga babaeng nagkakandarapa sa'yo. Hindi ako maganda tulad nila. Pero pinaramdam mo sa'kin na special ako sayo kaya ang swerte ko. Pero ayokong saktan ka. Hindi mo maiintindihan sa ngayon pero gusto ko lang malaman mo mahalaga ka sa'kin. May mga bagay lang na kahit gustuhin natin ay hindi pwede at kahit ipilit ay hindi na dapat. Salamat sa pagmamahal mo sa'kin. Sorry!"

Iiwan ko na naman siya. Alam ko masasaktan ko na naman siya pero mas mabuti ng ganito habang maaga pa lalayo na ako.

Pagbaba ko ay nasa labas na ang sasakyan ni Kaizer kasama ni Reign. Alam nilang dalawa na nandito ako dahil kanina pa nila ako sinusundan.

Iyak lang ako ng iyak habang niyayakap ni Kaizer.

"Shhh Princess tahan na magiging okay din ang lahat."

"Bakit ang unfair naman, kung kailan mahal na namin ang isa't-isa saka naman hindi pwede. Sino ba kasi iyang ipapakasal ni Ama sa'kin. Gusto ko siyang tadtarin. Sinisira niya lovestory ko. Bweset siya!"

Reign's POV

Alam kong isa ako sa dahilan bakit nasasaktan ang bestfriend ko ngayon. Kahit ipilit ko iba ang mahal niya. Alam ni Kaizer ang lahat nakiusap akong huwag muna sabihin kay Arya ang lahat gusto kong ako magsabi sa kaniya.

Saka na 'pag naging maayos na ang kalagayan ng Amang Hari.

Nakatulog si Arya sa kaiiyak niya. Kaya hinatid muna siya ni Kaizer sa kwarto niya.

--

"Dude, alam mong mahal ko ang pinsan ko bata pa lang kami para ko ng kapatid ko na iyan. Alam mo din na ayoko masaktan iyan pero nung makita kong umiiyak siya kanina pinigilan ko ang sarili kong suntukin ka. Kaya kung ako sayo sabihin mo na sa kaniya ang totoo. Huwag mong hintayin mawalan ka ng kaibigan."

Naiintindihan ko si Kaizer. Naghahanap lang talaga ako ng tamang tyempo para sabihin kay Arya ang totoo.

Hindi rin naman madali para sa'kin ang magsabi. Dahil alam ko ang mangyayari pagkatapos. Mawawalan ako ng kaibigan at mawawalan na siya ng tiwala sa'kin.

Scarlet's POV

What happend to the world na ba? Guguho na ba ang mundo pati si Kuya  hindi ko na alam bakit siya naging ganito.

Ayaw kumain, ayaw lumabas ng kwarto, hindi makausap ng maayos.

"Kuya Evin, okay lang ba si Kuya bully?"

"Tingin ko konti nalang Dexie baka kailangan na natin siyang ipa-rehab."

"Baliw ka kuya hindi naman drug adik si Kuya."

Runaway PrincessWhere stories live. Discover now