Chapter 11

11K 210 2
                                    


Ryzo's POV

Hindi lang isang araw kung hindi buwan ko siyang hindi na nakita. Halos hindi ko na matandaan kailan kami huling nag-usap maliban sa mukha niya ay wala na akong ibang maalala pa. Paano niya nagawa sa'kin 'to, tss hindi naman ako ganito dati pero 'pag dating sa kaniya ay parang hindi ko na kilala ang sarili ko.

Paano niya nagawang iparamdam sa'kin na nag-iisa lang ako kahit may mga kasama naman ako.

Tama nga siguro siya, alien ako hindi na normal ang iniisip at nararamdaman ko.

Kasalanan niya 'to. Bakit niya kailangang umalis, wala naman akong nagawang kasalanan sa kaniya paliban sa araw-araw na pang-aasar ko sa kaniya. Malabo namang nagsawa siya sa gan'on. E kung gan'on nga ang dahilan pwede naman niyang sabihin sa'kin. Sa ugali palang n'on kayang-kaya niyang sabihin sa'kin kung gaano siyang naiinis. Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit kailangan niya gawin sa'kin 'to.

Walang araw na hindi siya nawala sa isip ko. Bawat parte ng school na'to siya ang nakikita ko. Para tuloy akong napapraning. Sinubukan kong puntahan ang apartment nila alam kong kasama niya sa bahay ang kaibigan niya. Pero maski siya ay walang matinong maisagot sa'kin.

Halos hindi ako nakakatulog ng maayos kakaisip kung saang lupalop ng mundo siya nagsusuot. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko sa tindi ng pag-aalalang nararamdaman ko. Aish! humanda ka talaga sa'kin nerdy ka, kailangan ko ng paliwanag mo. Pero paano ko hihingin ang paliwanag niya kung hindi ko nga alam saan siya.

Pwede ka naman magpaalam bakit 'di mo ginawa, kailangan ba talaga pag-alahanin mo ako ng ganito.

"Anong mukha iyan? byernes santo ba ngayon o 'di ka nanalo sa lotto?" Mabirong sabi ni Kieyla sabay upo sa kabilang upuan sa harap ko.

"Babalik din iyon, hindi naman siya nag-resign nagtemporary leave lang siya." Sabat naman ni Camylle.

Gan'on ba ako ka-obvious para mahulaan nila ang iniisip ko.

"Oh, kape."

"Aanhin ko naman iyan."

"Titigan mo baka sakaling maubos iyan."

Tch! nananadya ba sila. Ginagaya nila si Nerdy kung umasta.

"Wala akong panahon kung ano man ang trip niyong dalawa."

"Alam mo Vex, sa pagkakakilala ko kay Niah. Hindi man siya nagpaalam sa'yo alam ko may rason siya. Kapag bumalik siya ay saka mo tanungin. Tingnan mo nga iyang sarili mo! hindi iyan ang Vex na kilala namin. Nasaan na yung Vex na kahit nakapoker-face ay gwapo pa din sa paningin namin." Tss nagagawa pa nilang magbiro ng ganiyan sa harap ko. Lalo lang nila ako iniinis.

"Alis na ako, pakisabi kay Dad na hindi aalis ako ng isang linggo. Kaya niyo naman na dito tawagan niyo nalang ako 'pag may problema." Saka ako deretsong lumabas ng Coffee shop.

Tama ba itong nararamdaman ko? Tch hindi ko kayang masagot ang sarili kong tanong dahil kahit ako ay nalilito kung alin ang tama at mali.

Shieka's POV

Tsk! hindi ko akalain na gan'on lang pala kadaling pasukuin ang Nerd na iyon. Nawala nalang siya bigla. Walang may alam kung ano ba talaga ang nangyari, pero mabuti na rin na nawala siya. Magkakaroon ako ng maraming oras para pagtuonan ng pansin kung pa'no ulit mapapalapit kay Vex.

"Marie wala na ang sagabal pero bakit malapit pa din iyang iniisip mo." Sabi pa ni Lexie.

"Nag-iisip ako kung paano ko ulit makukuha ang loob ni Vex. Alam mo naman badtrip siya sa'kin dahil sa ginawa ko sa Nerd na iyon noon."

Runaway PrincessWhere stories live. Discover now