Chapter 10

11.3K 202 16
                                    


Aryaniah's POV


"Okay ka lang ba?" Tanong ni  Reign sa'kin

Tumango lang ako bilang sagot sa kaniya. Wala akong ganang makipag-usap kahit kanino. 


Isang buwan na din ang nakalipas mula ng umalis ako sa bansang tinuring ko ng pangalawa kong tahanan. Hindi naging madali ang naging desisyon kong bumalik dito sa Italy, pero siguro nga tama sila walang anak ang kayang tiisin ang magulang kahit pa may nagawa itong nakasakit sayo. Hindi ko kayang hayaan si Ama lalo na sa kalagayan niya. Sa kabila ng ginawa niya sa'kin noon siya pa din ang Ama ko. 


Nangako akong babalik ako pero hindi ko alam kailan panahon lang ang makapagsasabi. 


"Carissima principessa, ti preghiamo di chiamare la tua regina"

*Mahal na Prinsesa pinapatawag po kayo ng Reyna.*


Tumango lang ako at saka lumabas ang katiwala namin.


Binuksan ko ang bintana dito sa kwarto ko. Tanaw ko mula dito kung gaano kalaki ang palasyo. Sa sobrang tagal kong nawala sa lugar na'to pakiramdam ko ay wala namang nagbago sa lugar na ito.  Ito pa rin ang palasyong kinalakihan ko. Ang lugar kung saan ako namulat na lahat ng batas ay dapat mong sundin. Lahat ng mali ay may karampatang parusa. 

Matapos kong pagmasdan ang labas ay napagdesisyunan ko na puntahan si Ina. 


~~**~~


"madre, mi hai chiamato?"

  *Ina , pinatawag niyo raw ako?*

"Princesa, so che è un posto divertente da percorrere. So anche che hai un favore con il Padre vostro. Ma sono grato e tu torni qui."

*Princesa, alam ko na masaya kana sa lugar na pinuntahan mo. Alam ko din na may tampo ka pa sa iyong Ama. Pero nagpapasalamat ako at ika'y bumalik dito.*


Mabait ang aking Ina, ni minsan ay hindi ko siya nakitang magalit sa'kin kahit noong bataa pa ako ay sobrang pasaway na ako. Lagi niya akong pinagtatakpan kay Ama dahil ayaw niya akong masaktan sa ipaparusa sa'kn ni Ama.

Isang matamis na ngiti at yakap ang ginanti ko sa aking Ina. Kulang ang salitang salamat at gaano ko siya kamahal. Siguro ay sapat na ang yakap para iparamdam ko iyon sa kaniya kahit papano.


Riegn's POV


Alam kong nalulungkot ang kaibigan ko dahil sa paglisan niya sa Pinas. Ang akala ko nga ay wala na talaga siyang balak na umuwi pa dito. Pero isang araw ay sinabi niya sa'kin na uuwi siya hanggang sa gumaling ang Hari. Nakakalungkot din isipin dahil habang may sakit ang Hari at nakaratay ito sa higaan. Si Aryaniah muna ang gagawa ng mga naiwang trabaho ng Hari, Maliban sa Inang Reyna niya ay wala ng ibang maasahan sa pamilya niya. Ang kaniya kapatid na si Arthur ay hindi rin makakauwi dahil may ibang trabaho din ito. Pero nangako si Arthur na agad na uuwi kapag natapos na niya ang kaniyang trabaho sa ibang bansa.


Habang nakaupo ako dito sa labas ay naramdaman kong may tumabi sa'kin at dahan-dahan niyang hiniga ang ulo niya sa balikat ko. Hindi ko na yata kailangan pang tingnan kong sino siya lang naman ang gumagawa ng ganiyan sa'kin.

Runaway PrincessWhere stories live. Discover now