Chapter 30

8.7K 124 8
                                    


Aryaniah' POV

Sobrang akong natutuwa sa baby ni Seren. Kamukhang-kamukha nilang dalawa ni Quevin.

Kami kaya aabot kaya kami ni Alien sa ganiyang setwasyon iyong happy lang. Iyong masaya at walang iniisip na problema. Hay! Sana nga.

"Ang lalim naman ng iniisip mo? Kasama pa ba ako diyan sa iniisip mo?" napalingon ako ng tumabi siya sa'kin.

Nandito kami sa labas ng kwarto nila Seren. Binigyan muna namin ng moment ang dalawa para sa anak nila. Parating na rin ang iba pa naming mga kaibigan kaya dito nalang namin sila hihintayin.

"Ah-- wala masaya lang ako para sa kapatid mo at kay Seren."

"Iniisip mo rin ba ang setwasyon natin?"

"Hindi ko naman maiiwasan iyon kahit ayaw kong isipin kusa ko pa rin naiisip."

"Pagbalik natin ng manila. Haharapin natin si Daddy sasabihin ko sa kaniyang ikaw ang gusto ko at hindi kung sino-sinu lang."

Napabuga ako ng isang malalim na buntong-hininga.

Kailangan ko na din yata siguro ihanda ang sarili ko dahil hindi malabong makaharap ko si Miya. Kahit iwasan ko ay alam kong darating ang panahon na magkikita kami. Sadya man o hindi. Siguro oras na rin para sabihin ko kay Ryzo ang totoo. Kinakabahan ako sa naiisip ko pero bakit pa ako magtatago? Bakit pa ako maglilihim? Alam kong mahal niya ako. At mahal ko din siya. Pero sapat pa ba iyon kung sakaling malaman niya kung sino ako?

Takot, iyon ang kalaban ko. Iyon ang iniiwasan kong maramdaman. Nabuhay ako ng apat na taon na malayo sa magulang ko. Nasanay akong hindi makialam sa kung ano man ang nangyayare sa paligid ko maliban sa taong kilala ko. Nasanay akong magmukhang wierdo, katawa-tawa sa harap ng iba maitago ko lang sa kanila ang totoo kong pagkatao. Pero simula ng makilala at mahalin ko siya doon ako nagsimulang matakot.

Matakot na baka sa huli matalo ako kung ipaglaban ko man ang nararamdaman ko sa kaniya. Dahil sa katotohanang may inilaan na ang aking ama sa akin. Takot na mawala siya sa'kin. Takot kung paano namin haharapin lahat ng ito.

Gaya ng sabi niya magtiwala lang ako dahil hindi niya ako hahayaang mawala sa buhay niya. Isa iyon sa pinanghahawakan ko para mas magkaroon ng pag-asa na kaya namin. Kaya namin lagpasan 'to. At magiging masaya rin kami.

Tumango lang ako sa sinabi niya. Hiniga ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Pwede ka bang mangako?" tanong ko.

"Ano iyon?"

"Ipangako mo sa'kin na kahit anong mangyare sana huwag mo hayaan na kalimutan ako ng puso mo. Na ako pa rin iyong taong mamahalin niya." seryoso kong sabi. Pilit na huwag ipahalata sa kaniya na gusto ko ng umiyak.

"Hindi ka kailanman makakalimutan ng puso ko. Kasi mula ng mahalin kita. Sinelyohan ko na'to. Hindi kana pwedeng lumabas at wala ng pwedeng umagaw pa sa pagmamahal ko sayo."

Hinaplos ang puso ko sa sinabi niyang iyon..

Niyakap ko ang braso niya habang nananatiling nakahiga sa balikat niya.

Maya maya ay dumating na ang mga kaibigan namin. Kaniya-kaniyang kumustahan at binati si Seren para sa baby nila.

Nakakatuwa talaga sila. Kahit bagong panganak palang si Ck ay ang dami na nilang plano para sa bata.

"Hindi talaga pwede hindi ako maging ninang ng cute na batang 'to. Hello baby Ck. Ninang Kieyla ganda here." binida na naman niya ang sarili niya.

"Hoy! Ano ba Kieyla, laway mo tumataksil sa mukha ng bata baka mahawa pa sa'yo iyan." suway ni Camylle.

Runaway PrincessWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu