Chapter 14

10.5K 204 4
                                    


Quevin's POV

Hindi ko maikakaila na bumabalik na naman ako sa dating ako. Sa tuwing nakikita ko siya lahat ng nasa paligid ko naglalaho at tanging siya nalang ang nakikita ko.

Tahimik akong tumabi sa kaniya, lumingon naman siya sa'kin saka muling binalik ang tingin sa malayo. Nandito kami sa mini garden ng School. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong lumipat at bumalik dito na kung noon ay umalis ako para kalimutan siya at ang mga nangayari pero bumabalik pa din ako dito.

"May problema ka ba? Malalim yata ang iniisip mo?" Tanong ko. Narinig ko naman ang mahina niyang pagbuntong-hininga.

"Kung ikaw ang pinili ko noon sasaya ba ako? Hindi kaya ako masasaktan gaya ng nararamdaman ko ngayon. Alam ko naman kahit okay na kami ni Ryzo hindi na niya ako kayang mahalin tulad ng dati."

Hinawakan ko ang kamay niya at seryosong tumitig sa mga mata niya.

"Hindi pa naman huli para magsimula ulit tayo, hindi kita mamadaliing mahalin ako. Pero hayaan mo lang akong tulungan ka para kalimutan ang sakit na dinulot niya."

Saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Salamat Quev. Alam ko nasaktan din kita noon at sana magawa ko ngayon ang bumawi sa'yo."

Hindi ko pa din maitatanggi na siya pa din ang babaeng gusto kong makasama. At kahit nasaktan ako noon o kahit masaktan man ako ng paulit-ulit dahil sa kaniya tatanggapin pa din siya ng puso ko.

Masaya na ako kahit alam kong hindi pa niya ako mahal. Maghihintay ako hanggang sa ako na ang maging laman ng puso niya.

Xhinia's POV

Yiehh! Naeexcite ako ito ang pang-limang date namin ni Eugine. Oh diba? Ang haba ng hairlalu ng lola niyo napagtyagaan niya ako and nasa pang-limang date na namin 'to my ghad! Feeling ko he likes me na talaga.

I like him na din naman, Yiehh oh my god ito na ang lovelife na hinihintay ko. Simula ng makilala ko si Eugine tinigilan ko na ang pagiging partygoer ko. Para na tuloy akong si Manang at saka nag-aaral ako ngayon ng culinary kasi mahilig kumain si Eugine di naman tumataba. Gusto ko siya ipagluto sa susunod na date namin kahit dito lang sa bahay hindi ko pa siya naiinvite kasi hindi ko pa nasasabi kay manang na may dinadate ako.

Biglang nag-ring ang phone ko. Yieehh kinikilig ako bigla nang makita kong si Eugine ang tumawag.

"Hello--"

"I'll be there in ten minutes."

Sasagot pa sana ako kaso bigla na niyang binaba. Medyo nadismaya ako pero nangingibabaw pa din ang excitement ko kaya agad akong nag-ayos dahil maya maya nalang ay nandito na ang sundo ko.

Eugine's POV

"May lakad ka? Bihis na bihis ka yata?" Taas kilay na tanong ni Camylle.

Nandito ako sa coffee shop nila Vex. Balak kong bumili ng coffee cake nila para ibigay ko kay Xhinia. Nagustuhan niya ang cake na binigay ko sa kaniya n'ong nakaraan. The best ang mga cake nila dito lalo na ang mga kape nila dito.

"None of your business. And nandito ako para sa inorder kong cake kanina."

"And who's the lucky girl na nakabihag ng bato mong puso?" Bigla naman singit ni Kieyla na galing sa kitchen na dala ang box ng cake.

"Secret muna -- saka ko na siya ipapakilala sa inyo kapag sure na ako."

Sabay naman nila akong tinaasan ng kilay.

"Seriously? Hindi ka pa sure sa lagay na iyan? Nakailang order kana ng cake dito na hindi mo naman usual na ginagawa at sa pagkakaalam ko ayaw mo sa cake namin dito well maliban sa kape."

Runaway PrincessWhere stories live. Discover now