Chapter 12

10.3K 215 14
                                    



ARYANIAH's POV

Nakangiting kumakaway si Xhinia nang makita niya ako. Kahit kailan ay baliw talaga ang isang 'to.

Four months is enough, sapat na ang panahon na iyon ng pananatili ko doon. Kahit hindi sang-ayon si Ama sa desisyon ko wala pa din siyang magagawa. Ayaw lang raw niya mawalan pa ng anak. Iyon ang masakit na katotohanang nalaman ko. Buong akala ko ay ako lang ang anak nila pero may isa pa pala. Tinago nila sa'kin na may kapatid pa ako. Nang ipanganak kaming dalawa ay iyon raw ang pinakamagandang regalo na natanggap ng mga magulang ko. Pero ang kasiyahang iyon ay 'di nagtagal. Ninakaw sa amin ang isa ko pang kapatid. Ni hindi naranasan ni Ama at Ina na masilayan ang kaniyang paglaki. Baon nila hanggang ngayon ang pagsisisi, sarili nila ang sinisi nila sa pagkawala ni Arniyah.

Hanggang ngayon ay hinahanap pa nila ang kapatid ko. Gusto ko din siyang hanapin pero hindi ko alam paano at saan.

"O--M--G! Manang is that you? nasaan na ang nerd at manang kong kaibigan." Napaka-oa talaga niya.

Napangiti naman ako saka kinuha ang salamin ko at sinuot iyon. "Ayan nakikita mo na ba?" Pabiro kong sabi.

Niyakap niya ako. "Wahhh! gaga ka namiss kita ng sobra--ang tahimik tuloy sa bahay tapos ako lang mag-isa buti naman naisipan mo pang bumalik akala ko ay d'on kana tatanda." Para siyang batang binigyan ng laruan na ang saya-saya niya.

"Halika na nga, siguro naman may hinanda ka 'di pwedeng wala kundi iiwan talaga kita."

"Matik na iyan manang ako pa ba? alam mo naman magaling akong magluto."

Natawa nalang ako sa sinabi niya sabay tango.


-

"Babalik kana ba sa pag-aaral mo manang?" tanong niya habang kumakain kami.

"Hmn."

"E pa'no iyan ilang buwan kang nawala. E 'di babalik ka na naman sa umpisa niyan."

Ang totoo niyan ay naasikaso na ni Reign ang tungkol sa pagbalik ko sa pag-aaral. Bago paman ako bumalik dito, hindi ko pwedeng gamitin ang ano mang koneksyon dahil mananatili pa din akong isang nerd na nobody na nakilala nila. Hindi ko kailangan ipakilala ang totoong ako sa kanila. Mas gusto ko pa din ang simpleng buhay na nasimulan ko dito.

"Naayos ko na iyon bago paman ako bumalik dito." Sabi ko

Kumusta na kaya ang alien na iyon?





SERENITY's POV

"Hahaha ano ba iyan talo na naman ako ang dadaya niyo." Pagmamaktol ko

"Anong madaya? ang sabihin mo hindi mo talaga kami kayang talunin." pang-aasar niya pa

Nandito kami sa Game zone sa mall. Every weekend namin ito ginagawa. Masaya akong unti-unti ng bumabalik sa dati ang lahat. Pero may pagkakataon pa din na parang wala siyang pakialam. Kasama namin lagi ang barkada.

Hindi ko kasi talaga alam ang nangyari ang balita ko lang ay umalis daw ng bansa iyong si Aryaniah. Iyon lang din ang kwento sa akin ni Camylle. Ayoko din naman magtanong baka kung ano ang isipin nila. Hindi rin sa nangingialam ako concern lang ako kasi ganito din ang nangyari kay Ryzo ng iwan ko siya. Ang kaibahan lang wala silang relasyon malapit lang talaga sila sa isa't-isa. Sabi pa nila ay halos magkasama sila araw-araw nagpapaturo din si Ryzo sa kaniya. Nalaman ko din sa mga naririnig ko na isang Med. student pala iyong babae.

"Hindi ah, ang daya niyo lang talaga." Sabi ko ng nakanguso.

"Kumain nalang tayo gutom na ako e." Sumingit na sa usapan si Scarlet.

Runaway PrincessWhere stories live. Discover now