Chapter 36

9.1K 161 29
                                    


PHILIPPINES

5:46 PM, NAIA

ARYANIAH'S POV

Magdidilim na nang makalapag ang eroplanong sinasakyan namin. Nilingon ko ang dalawa kong anak na mahimbing na natutulog.

"Angels, wake up. We're here!"

Kinusot ni Aiyah ang mata niya nang imulat niya ito. Habang si Rieze naman pasimpleng bumangon.

"Let's go na. Naghihintay na si Ninang niyo."

"Mommy, Im hungry." reklamo ni Rieze.

"Sige baby kakain tayo paglabas natin dito."

Karga ko si Aiyah, si Rieze naman ay hawak ng kanang kamay ko. Mabuti nalang at isang bagahe lang ang dala ko. Mga damit lang nila halos. May mga gamit pa naman akong naiwan sa bahay namin ni Xhinia noon kaya hindi na ako nagdala pa ng maraming damit.

Nang makuha ko na ang bagahe ay agad na kaming lumabas.

"Manangggg!!!" rinig kong sigaw ni Xhinia. May dala pa siyang banner na may nakasulat na.

Welcome Home, Manang.

Hindi pa rin siya nagbabago. Baliw pa rin ang isang 'to. Dali-dali naman kaming lumapit sa kaniya.

Niyakap naman niya ako ng mahigpit.

"Hoy! Ano ba hindi ako makahinga.."

"Sorry naman, namiss talaga kita manang, my god ilang taon kang nawala. Ang ganda-ganda mo na pero mas maganda pa rin ako syempre.  Ito na ba mga inaanak ko. Come to ninang.. pakiss nga. Dyos ko ang ganda at gwapo naman ng mga batang 'to buti hindi kayo nagmana sa tatay niyo." niyakap din niya mga anak ko. Wag naman sana mahawa mga anak ko sa kabaliwan nito.

"Hoy, ano ka ba? Wag mo nga ganyanin mga anak ko baka maniwala iyan sayo nako! Ipapatapon talaga kita sa India."

"Manang naman iyong beauty ko hindi nababagay do'n hello? Ang daming arabs doon."

"O siya tama na nga. Halika na dahil kanina pa nagugutom mga iyan kung ano-anu pa chinichika mo sa'kin."

Doon kami tumuloy sa bahay namin noon ni Xhinia. Inayos din niya ang guess room para sa mga anak ko. Mabuti nalang at sinapian ng kabaitan ang isang 'to.

Naghanda siya ng makakain namin.

"Nga pala manang anong balak mo? Makikipagkita ka ba agad sa kaniya ngayon nandito kana?"

"Hindi ba sabi mo, malapit na graduation niya. Balak kong ipakilala sa kaniya ang mga bata pagkatapos ng graduation niya. Bahala na kung anong mangyare. Ang mahalaga nangako ako sa kaniyang babalik ako."

"Hindi ko lubos maisip kung ano magiging reaction niya kapag nalaman niyang may anak na kayo take note hindi lang isa kundi dalawa. Grabe nakaya mo iluwal iyang dalawang iyan manang."

"Masakit at mahirap sa una syempre itinago ko sila sa Ama nila e. Lumaki silang hindi nakasama si Ryzo ng halos tatlong taon. Hindi talaga naging madali. Kinaya ko, dahil iyon ang kundisyon ni Ama sa'kin at sa mga anak ko."

"Alam mo bang nagulat ako noong binalita sa'kin na umalis ka ng bansa at ito pa ang dami mong ganap talaga teh, may big revelation pala tapos hindi ko alam saka ko pa nalaman noong nasa Italy kana. Nawerla ang beauty ko ng bongga. Hindi ko maimagine na may kaibigan akong isang prinsesa. Nahimatay ako bigla sa gulat. Ikaw naman kasi pasecret2 ka pa e akala ko naman taga Italy ka lang iyon pala ang yaman ng pamilya niyo. Hindi lang mayaman sobrang yaman pa. Nakakatampo din hindi mo shinare sa'kin iyon. Feeling ko tuloy wala kang tiwala sa'kin."

Runaway PrincessWhere stories live. Discover now