Chapter 7

11.7K 227 15
                                    


Serenity's POV

Pagkababa ko pa lang ng sasakyan hindi ko na mapigilan ang kabahan. Makikita ko na siya, ang lalaking matagal ko ng namimiss ang lalaking gusto kong makasama ulit. Alam ko magagalit siya dahil sa pang-iiwan ko sa kaniya noon. Umaasa pa din ako na maiintindihan niya ang rason ko.

Habang naglalakad ako papasok sa School kung saan ako nag-aral noon. Lahat ng mata ng mga estudyante nakatuon sa akin. Kilala ako ng iba dahil isa ako sa mga Student President noon. Kung noon kapag nakakasalubong ko sila at nginingitian nila ako ngayon ay masamang tingin ang nakikita ko.

Alam ko naman alam na alam ko na wala na akong lugar dito. Pero masama bang bumalik? Masama bang itama ko ang mali kong nagawa noon. Hindi pa naman siguro huli ang lahat. Nalaman ko sa iba naming kaibigan na single pa din si Vex. Sobrang tuwa ko ng malaman ko iyon kasi may pagkakataon pa akong itama ang lahat.

  Nagpatuloy ako sa paglalakad ng makita ko si Vex at kung hindi ako nagkakamali si  Scarlet ang kasama niya. Papalapit sila sakin kaya nagtago ako sa may puno sa gilid.

"Kuya who's that girl ba?" narinig kong tanong ni Scarlet

"Si Nerdy nga wag ka nga makulit paulit-ulit ka sa tanong mo."

"Eh? Why kasi ganun kayo kanina."

"Pinagtanggol ko lang siya okay? Halika ka na malalate na ako."

Hanggang sa makalayo sila at sinundan ko ng tingin. Napaisip tuloy ako kung sino iyong pinag-uusapan nila na ayaw pag-usapan ni Vex.

Naisipan ko munang tumambay sa rooftop na dati naming tagpuan ni Vex. Malaki na ang pinagbago ng school. Dalawang taon rin akong nawala, sa loob ng dalawang taon na iyon puro lungkot at pangungulila lang naranasan ko. At hanggang ngayon hinahanap ko pa din ang sagot sa kung sino ako? Sino ang totoo kung pamilya, bakit nila ako pinamigay sa iba.

Maya Maya pa ay narinig akong boses. Kaya nagtago muna ako sa pinakasulok ng rooftop.

"Hoy! Nerdy sinasabi ko sayo kapag hindi ka nagpunta dito patay ka sa'kin."

"Anak ng, wala akong pake sa teacher mo na iyan dalian mo pumunta kana dito."

Rinig kong may kausap siya sa phone. Sino naman kaya iyon? Nanatili lang ako sa pinagtaguan ko. Maya Maya pa ay dumating..

"Bwesit ka talagang alien ka ano na naman?" Galit na sabi ng babae sa kaniya habang siya ay nakangiti lang sa babae.

Hinila niya ito palapit sa kaniya.

"Hoy ano ba? Chansing ka na naman."

"Wag kang feeling nerdy tss. Halika nga dito may bibigay ako wag kang mag inarte dyan baka magbago pa isip ko."

"Bitaw nga kasi pwede? Kadiri kang alien ka ano ba kasi iyan? At atat kang papuntahin ako dito hello? May exam ako bwesit ka kapag ako talaga bumagsak ililibing kitang buhay."

Naiiyak ako sa nakikita ko, naalala ko na ganiyan din kami nagsimula ni Vex noon. Sobrang sweet niya kahit inis na inis kana. Ganiyan na ganiyan siya sa'kin noon.

RYZO's POV

"Ano ba nerdy huwag kang magulo ang hirap isuot oh!"

"Tanggalin mo kasi iyan ayoko niyan."

"Huwag ka sabi magulo. Dapat nga magpasalamat ka ako lang nag-eefort sayo ng ganito."

Nakanguso na naman siya, ang cute niya talaga tingnan. Napapangiti ako na ewan.

*teka bakit ba ako nakangiti? Tch gwapo ko kasi.*

Runaway PrincessWhere stories live. Discover now